Chapter 11

61.5K 1.9K 393
                                    

CHAPTER 11

NATIGILAN AKO nang makasalubong ko si Jastin sa mismong harapan ng Sweet Tine's Cafe.

Papasok ito sa cafe at ako naman ay papalabas para balikan ang naiwan kong gamit sa loob ng kotse ko na nasa parking lot.

Napagkasunduan naming lahat na magtipon-tipon ngayon para pag-usapan ang namomroblemang si Xander. Halos naririto na kaming lahat maliban na lang kay Renz at Amber. Silang dalawa na lang ang hinihintay namin.

Akmang ibubuka ko ang bibig para batiin si Jastin pero nilampasan lang ako nito at diretsong naglakad patungo sa mahabang mesa kung saan nakapuwesto ang mga kasamahan namin.

Napabuntong-hininga ako habang sinusundan ko ito ng tingin. Ilang linggo na ang nakakalipas simula ng makabalik kami mula sa Palawan. Ilang linggo na din ako nitong hindi pinapansin at iniiwasan.

Kung dati ay malamig ito sa akin, mas dumomble ang panlalamig nito pagkatapos ng mga nangyari sa Palawan. Mas lalo ako nitong iniiwasan na tila ba may nakakadiri akong sakit.

Muli akong napabuntong-hininga habang naglalakad patungo sa kotse ko. Kinuha ko ang gamit ko doon at kaagad ding bumalik sa cafe.

Tahimik lang ako habang pasulyap-sulyap sa lalaking nasa harapan ko na hindi man lang nag-abalang tignan ako. He's ignoring me.

Ilang sandali lang ay dumating na magkasama sina Amber at Renz. Pasimple kong tinignan ang dalawa. May napapansin ako sa mga ito. Kahit naman yata ang mga kasamahan namin ay napansin ang malaking pagbabago sa pagitan ng dalawang dati-rati ay parang aso't-pusa kung magbangayan. There's something special between them.

We talked about Xander. Pero hindi nagtagal iyon dahil si Renz at Amber ang napagtuunan ni James.

Tama ang hinala ko na magkasintahan na nga ang dalawa. Napaamin ni James ang mga ito. At hindi ko mapigilang mapaawang ang mga labi nang banggitin ni Renz na hindi lang basta magkasintahan ang mga ito kundi mag-asawa na. Pati ang mga kasamahan ko ay nabigla din.

"And here we thought that you two are just in a relationship. But married? How?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Si Renz ay napakamot sa ulo nito.

"It's a long story." He responded.

Tinignan ko ng masama si Amber.

"You better explain it to us." I muttered.

Nagpatango-tango din si Sharmaine.

"She should." Segunda ni Sharmaine. Kumuha ito ng tinidor at iniumang kay Renz. "Kapag sinaktan mo si Amber, pagbuhol-buhulin ko kayong dalawa ni Rein, naiintidihan mo?" Pagbabanta nito na ikinatawa ng lahat.

"At paano naman ako nasali diyan?" Kunot noong tanong ni Rein.

"Dahil mapanakit ka. Kayong lahat, mapanakit kayo." Kaagad na sagot ni Sharmaine.

Napailing na lang ako. Rein and the other men just chuckled.

"Isa ka din. Hindi ko alam kong manhid ka ba talaga, tanga, bobo o torpe lang. Kapag nawala ang nararamdaman ni Krystal sa'yo, pagtatawanan kita." Iniumang din nito ang hawak na tinidor kay Jastin.

Nabigla ako sa sinabi nito. Akmang sasawayin ko ito nang humarap ito sa akin.

"May pinsan akong lalaki. Pinakita ko 'yong picture mo sa kanya at type ka niya. Magse-set ako ng date para sa inyo. Promise, mabait 'yon. Hindi manhid at lalong hindi playboy." Kaagad na sambit nito at mukhang sinadyang pagdiinan ang salitang "manhid" at "playboy".

Napapitlag ako nang biglang ibinagsak ni Jastin ang hawak nitong baso sa mesa. Lumikha iyon ng malakas na tunog.

"Anong pangalan ng pinsan mo?" Seryoso ang mukhang tanong nito kay Sharmaine.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now