Chapter 17

66.7K 1.9K 383
                                    

CHAPTER 17

MARAHAN kong hinaplos ang ulo ni Jastin at inayos ang kumot sa katawan nito. Hindi ako nito pinaalis mula sa tabi nito mula pa kanina. Kung hindi pa ito makatulog ay hindi ako makakaalis.

Dinampian ko ito ng halik sa labi at maingat na lumabas ng kuwarto nito.

"Is he asleep?" Tanong ni grandma nang makalabas ako.

Tumango ako at nakahinga ito ng maluwag. Ginagap nito ang mga kamay ko at kapagkuwan ay pinisil ang mga iyon.

"Thank you dahil hindi ka umalis sa tabi ng apo ko." Anito at niyakap ako.

Hinaplos ko ito sa likod.

"Walang anuman, grandma. Sige na, magpahinga ka na. It's getting late. Bawal ang mapuyat." Sambit ko.

Lumayo ito mula sa akin at tumango.

"Sana'y huwag mong iiwan ang apo ko kahit anong mangyari, hija. Kahit ano pa ang malaman mo, sana samahan mo pa rin siya. Huwag mo siyang susukuan. Maraming pagsubok ang darating sa inyong dalawa at sana ay maging matatag kayong pareho. Intindihin mo ang ugaling meron siya, hija. Kahit hindi mo sabihin, alam kong mahal mo ang apo ko. Nakikita ko iyon sa mga mata mo at nagpapasalamat ako dahil nandiyan ka para sa apo ko." Iyon ang huling sinabi nito bago magpaalam para magpahinga.

Naglakad ako patungo sa kuwarto ko at napabuntong-hininga. Isang malaking katanungan sa akin ang nangyayari kay Jastin. Madami akong walang alam sa binata at sa pagpunta ko dito sa Tagaytay ay nabuksan ang mga nakaraan nito.

Idagdag pa ang panaginip ko kanina. Alam kong ako ang nasa panaginip pero hindi ko matandaan ang hitsura ng batang kausap ko sa aking panaginip.

Tila totoo iyon pero alam kong hindi. Dahil kung totoo ay matatandaan ko ang lahat ng iyon. Pero wala sa memorya ko.  Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit ganoon ang naging panaginip ko.

Tila iyon isang napakahalagang memorya na nawala sa pagkatao ko pero napaka-imposible. Wala akong natatandaang nagka-problema ako sa ulo.

"You left me." Napapitlag ako at biglang napalingon sa nagsalita.

Ni hindi ko man lang itong naramdamang pumasok ng kuwarto ko. He's an agent, indeed.

"Akala ko tulog ka na." Usal ko.

Lumapit ito sa akin at hinapit ako sa beywang. Ibinaon nito ang mukha sa dibdib ko.

"Naalimpungatan ako at pagkagising ko wala ka sa tabi ko. I told you not to leave." Tila isa itong bata na nagrereklamo.

Hinaplos ko ang buhok nito.

"I'm sorry, it won't happen again. Sa susunod, kapag sinabi mong sa tabi mo lang ako hinding-hindi ako aalis." Usal ko.

Hinarap ako nito at kapagkuwan ay ngumiti.

"So, can I sleep here?"

Mahina kong pinisil ang matangos na ilong nito.

"Sige na. Back to sleep na." Sambit ko.

Hinila ako nito patungong kama at pabagsak na nahiga sa kama kasama ako. Nasa ibabaw ako nito at pareho kaming nagkatitigan.

Naikagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ang matigas na bagay na tumutusok sa bandang puson ko.

"Mukhang handa ka na namang tuklawin." Pilyong usal nito.

Mahina akong natawa at inilapit ko ang bibig sa tenga nito.

"Matulog ka na at ng hindi ako matuklaw." Pilyang bulong ko.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon