Chapter 6

59.4K 1.8K 120
                                    

CHAPTER 6

Akin Ka Na Lang by Morisette.👆👆

PARANG NAKUKURYENTENG binawi ko ang kamay na hawak nito.

Walang imik na inabot nito sa akin ang cellphone ko na kaagad ko namang tinanggap.

"S-Salamat." Mahinang usal ko.

Hindi pa rin ito umimik. Sa halip ay sinuyod lang ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Napalunok ako at bahagyang nakaramdam ng pagkailang. Bukod sa sinusuyod nito ng tingin ang kabuuan ko ay hindi sinasadyang napapatingin ako sa nakalitaw nitong abs.

He was wearing a swimming trunk and a hawaiian shirt. Nakabukas lahat ng butones ng suot nito kaya nakalitaw ang nakakapanglaway na katawan nito.

"W-Why are you here? You're in vacation, too? May kasama ka ba? Babae?" Sunod-sunod na tanong ko.

Of course, hindi naman pupunta 'yan dito ng walang kasamang babae.

"I came here alone." Tipid na sagot nito.

"Ah, so dito ka maghahanap ng babae?" Natigilan ako sa tanong kong iyon. I sounded like a jealous girlfriend!

Napangiwi ako.

"Sige. Aalis na ako. Hinihintay na ako ng kaibigan ko. It's nice to see you here. Enjoy your stay." Nagmamadaling usal ko at dire-diretso ng naglakad papalayo dito.

"You and your mouth." Nahihiyang saway ko sa sarili.

Sandali akong tumigil sa paglalakad at hindi ko napigilan ang sariling lingunin si Jastin. Nakita ko itong naglalakad sa isa sa mga cabin. And to my surprise, pumasok ito sa cabin na katabi lang ng cabin ko.

Napangiti ako. Looks like I'll enjoy my vacation. Hindi ko man ito literal na kasama, nakikita ko naman ito.

Masayang nagpatuloy ako sa paglalakad at jaagad kong nakita ang restaurant na sinasabi ni Allexa.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ng kaibigan ko. Salubong ang mga kilay nito.

Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa harapan ng mga ito at matamis na ngumiti.

"May nilandi lang." Malokong tugon ko.

At ang kaibigan ko ay namilog ang mga mata.

"Wow! Big news! So, nakaget-over ka na kay Jastin? Nakahanap ka na ng iba?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Makahulugan lang akong ngumiti.

Si Allexa ay natutop ang bibig.

"He's here!" Bulalas nito. Kaagad nitong nakuha ang mga ngiti ko. Alam kasi nitong kay Jastin lang ako nagkakaganito.

Nginitian ko lang ito.

"Ang tanong, nandito ba siya para sa'yo? Payong kaibigan lang, huwag kang umasa at mas lalong huwag kang tanga." Nawala ang ngiti ko sa sinabi nito.

"Ang galing mo talagang manira ng mood, kaibigan." Sarkastikong usal ko.

She just laughed.

Napailing na lang ako. Alam ko naman na hindi pumunta si Jastin para sa akin. Napaka-imposibleng mangyari iyon. Pero masaya pa din ako na nandito siya.

Nag-umpisa kaming kumain ng dinner at dahil parehong gusto namin ni Allexa ang seafoods ay marami itong inorder.

Nang matapos kumain ay ilang sandali kaming nagpahinga at kapagkuwan ay nag ikot-ikot sa napakagandang isla.

Nagtagal kami sa kakapanood ng fire dance. Nakapakagandang tignan at halatang nag eenjoy ang mga tao.

Sunod naming pinuntahan ay ang isang mini-stage na mayroong banda. Marami ding tao doon na nanonood sa kumakanta. At mas nakakatuwa dahil pinapayagan ng mga nagbabanda ang mga taong gustong kumanta.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now