Chapter 34

71.7K 1.9K 271
                                    

CHAPTER 34

MALUHA-LUHA ako matapos kong magsuka sa banyo. Ang sama-sama talaga ng pakiramdam ko lalo na kapag umaga. It's a morning sickness.

"Pinapahirapan mo naman si Mommy, anak." Mahinang sambit ko at napahawak sa tiyan ko.

Muli akong bumalik sa banyo at muling nagsuka doon. At kahit pinagpapawisan ay pinilit ko ang sariling maghilamos at mag toothbrush.

Lumabas ako nang matapos at napangiwi ako nang makaramdam na naman ng pagkahilo. Mariin akong pumikit at sinapo ang ulo.

Nang magmulat ako ng mga mata ay bahagya pa akong nagulat nang makita si Jastin sa loob ng kuwarto ko.

"K-Kanina ka pa diyan?" Mahinang tanong ko.

Tumingin lang ito sa mga mata ko at kapagkuwan ay bumaba ang tingin nito sa tiyan ko.

"Puwede ka bang lumapit sa'kin?" Tanong nito, hindi inaalis ang tingin sa tiyan ko.

Nag-aalangan man ay humakbang ako patungo sa binata. Nakatayo ako sa harapan nito habang ito ay nakaupo sa wheelchair nito.

Nabigla ako nang hinawakan nito ang tiyan ko.

"My baby." He softly murmured and leaned in to kiss my tummy.

Halos maluha ako sa ginawa nito. It's really a good sight. Pinapakabog niyon ng husto ang puso ko.

"J-Jastin..."

Tumingala ito sa akin at nakita ko ang luha sa mga mata nito.

"I..." Mariin itong pumikit at nang magmulat ng mga mata ay halo-halong emosyon ang nakaguhit doon.

"I don't know what to say." Ikinulong nito ang mukha sa mga palad nito at nakita ko kung paanong gumalaw ang mga balikat nito dahil sa impit na pag-iyak nito.

"I-I wish this is all true, Krystal." He murmured.

Lumuhod ako sa harap nito at inalis ang mga palad nito sa mukha nito. Masuyo kong pinunasan ang mga luhang naglalandas sa magkabilang pinsgi nito.

"Alin ba sa mga sinabi ko ang hindi totoo, Jas?" Masuyong tanong ko.

Tumingin ito sa akin.

"You have Adrian. I don't want to doubt you, Krystal. Gusto kitang paniwalaan. Gusto kong paniwalaan na sa akin ang batang 'yan. Gustong-gusto ko dahil tangina, gusto ko akin lang ang pinagbubuntis mo. Pero hindi natin alam kung sino ama ng dinadala mo. May nangyayari sa inyo ni Adrian at may nangyari sa atin kaya hindi sigurado kung sino ang-"

"Jastin." Pinigilan ko itong magsalita.

Kinuha ko ang kamay nito at itinapat iyon sa puso ko.

"Mula pagkabata hanggang ngayon, ikaw pa rin. Ikaw lang ang tinitibok nito. Ikaw lang ang nagmamay-ari nito. You are the owner of my heart and my body and no one owns it but only you, Jastin." Gumuhit ang kaguluhan sa mukha nito.

Ngumiti ako.

"What I'm saying is..." Hinalikan ko ang mga kamay nito. "Nothing happened between me and Adrian. Ikaw lang ang pinayagan kong angkinin ang katawan ko. Ikaw ang una at mas lalong ikaw ang huli." Nakangiting wika ko.

Bakas ang gulat at pagtataka sa mukha ni Jastin.

"Hindi ka naniniwala?" Taas ang kilay na tanong ko at akmang huhugutin ang kamay ko mula dito nang mahigpit nito iyong hinawakan.

"Kaya pala ang sikip-sikip mo pa din noong inangkin kita sa Palawan." Bakas ang kapilyuhan sa boses nito.

Pinanlakihan ko ito ng mga mata.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now