Chapter 36

68.4K 1.9K 332
                                    

CHAPTER 36

UNTI-UNTI AKONG nagmulat ng mga mata at nagising sa hindi pamilyar na lugar.

Gumalaw ako pero natigilan ako nang mapansing nakatali ang mga kamay at katawan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may bombang kasama ang tali.

Shit!

"Oh dear. Finally!" Narinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

I gritted my teeth when I saw Minerva whose walking towards me. Malapad ang mga ngiti nito.

"Nagising ka din." Anito at nilapitan ako. Hinaplos nito ang buhok ko. "Surprise?"

Mahina akong tumawa.

"Kampon ka talaga ng demonyo. Binaon ka na nga sa hukay, bumangon ka pa." Natatawang sambit ko.

Dumilim ang mukha nito at mahigpit na sinapo ang baba ko.

"Too bad I'm alive. Akala mo ba maiisahan mo ako? I have back-ups. They were on time when they saved me dahil ramdam kong may binabalak kang masama sa akin." Anito at humalakhak.

Mas lalong humigpit ang paghawak nito sa baba ko.

"At ngayong hawak na kita, papasabugin kita. Sisiguraduhin kong magkapira-piraso 'yang katawan mo." Anito at pinindot ang bomba na nakadikit sa katawan ko.

Narinig ko kung paanong tumunog iyon. I know that it's a time bomb. Hindi ko pinahalata ang takot na nararamdaman ko. Sa halip, tinignan ko ito ng diretso sa mga mata at ngumisi. Dinuraan ko ito sa mukha.

"Huwag na huwag mong hahayaang makawala ako dito dahil ako mismo ang magpira-piraso diyan sa katawan mo." Mariing usal ko.

Humalakhak lang ito at sinabunutan ako.

"Hinding-hindi ka makakawala dito, Krystal." Anito at tinuro ang mga armadong tauhan nito.

Twenty.

Mabilis kong nabilang ang mga armadong lalaki na nakapalibot sa buong lugar na kinaroroonan ko.

"Sa kanila pa lang, hindi ka na makakatakas. Walang magtatangkang iligtas ka. Sasabog ka at paglalamayan ni Jastin. You have only five minutes to survive. Oh, scratch that..." Tumingin ito sa bomba. "You have four minutes left." Ngising-ngisi ito.

Pinigilan ko ang panginginig ng mga kamay ko.

"Goodbye, Krystal. You may rest in peace. Huwag kang mag-alala, dadalawin kita sa lamay mo at-"

Hindi nito natapos ang sasabihin at nanlaki ang mga mata nang makitang sabay-sabay na natumba ang anim na  mga tauhan nito. Nakahandusay ang mga ito sa semento at duguan. Nakita ko ang tama ng bala sa ulo ng mga ito.

It's a sniper!

Hindi iyon iisang sniper lang kundi anim! Sabay-sabay umasinta ang mga ito dahil sabay na natumba ang anim na mga tauhan ni Minerva.

Mabilis akong napalingon sa paligid at may hinanap. Nagpupumiglas ako at napalingon ako kay Minerva nang malakas itong sumigaw.

Takot na takot nitong tinignan ang anim pang mga tauhan na sabay-sabay din natumba dahil sa tama ng bala sa ulo ng mga ito.

Kumilos ang natitirang walo pa at pinalibutan si Minerva para siguro protektahan ito.

At mula sa kung saan ay nakita ko ang paglitaw ni Jastin. Kasama nito si Clyde at Rein.

Tumingin si Jastin sa akin at dumilim ang mukha nito.

"How dare you all touch my woman?!" Dumagundong ang malakas na boses nito sa kabuuan ng lugar.

Phoenix Series #5: My Fight For Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now