Chapter 2

255 14 8
                                    

"Class dismiss."

Agad akong tumayo at lumabas ng room.

--na sana hindi ko nalang pala ginawa. 

Gago siya.  Tatlong araw pa lang nakalipas nung nakipaghiwalay ang gago ah? May bago na? Aba! Malupet din!

Tangina hindi siya worth it sa mga luha mo Handrheah. 

Bumalik nalang ako sa room at hinintay mawala ang mga tao. 

Kainis. Sige! Maglampungan pa kayo sa harap ko mga bwesit!

"Ligaya! Class dismiss na daw oy! Sabi ni sir.  Hindi mo ba narinig?" tinignan ko lang siya na parang sinasabing 'pake ko?' pero hindi siya makuha sa tingin kaya kailangan ko siyang sagutin. 

"don't call me Ligaya because we're not even close to begin with" hinead to foot ko siya then I rolled my eyes and boom! Flip my hair and leave her.

"pakialamera tsk" inis kong bulong sa sarili ko. 

As much as I can ay nilalayuan ko na ang mga taong lumalapit sa akin.

There's only two things kasi kung bakit sila lumalapit sayo.

It's either they need you or they need something from you.

Pero pare-pareho lang rin naman ang end game niyan eh.

Iiwan ka nila.

Magsosorry nga.. but they don't really mean it.

Pampalubag loob lang para hindi sila maguilty sa pang-iiwan nila.

"hey! It's you again!" napalingon ako sa paligid. Ako ba yun? Eh?wala namang pangalan eh siguro nga hindi.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad, nagugutom kasi ako eh pupunta nalang ako sa karinderya ni Aling Pasing at least doon eh makakamura pa ako.

Sa Canteen kasi sa loob eh parang mga ginto ang pagkain! Over pricing!

"hey! Cry baby!" napahinto ako nung may humawak sa kamay ko lilingunin ko na sana at ready nang bulyawan pero nyeta! Muntik nanaman akong masagasaan! Along the road kasi ang school namin pero tago kuha niyo? Ah basta! Muntik na akong masagasaan!

"Pahamak!" inirapan ko siya tsaka winakli ko ang kamay ko.

"hey sorry! Hindi ka kasi lumilingon sa akin eh pang-ilang tawag ko na sayo yun" hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa pagpasok sa karinderya ni Aling Pasing

"Aling Pasing isa nga pong dinuguan, pinirito at tsaka isang rice"

"ang takaw mo pala hahaha. Siguro napunta lahat sa pisnge mo" kunot noo ko siyang nilingon. Nangiinsulto ba siya?!

"chill ka lang! Compliment yun" inirapan ko na lang. Ayaw kong magsayang ng laway

"hilig mo mang irap nuh? Hindi sumasakit mata mo?" kinuha ko na ang order ko at nagsimula ng maglakad

"hey hintay! Wala akong kasamang kumain eh. Sasabay nalang ako sayo ha?" hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"alam mo? Hindi ka naman pipi pero bakit hindi ka nagsasalita? Sige ka mangangamoy bunganga mo---"

"ikaw? Lalaki ka ba talaga? Bakit hindi tumitigil yang bunganga mo sa pagkuda?" inis kong sabi sa kanya at inirapan nanaman siya

"ang hilig mi talagang mang-irap" hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na hanggang sa makakita na ako ng vacant table.

Umupo na ako at umupo na rin siya sa harap ko. Feeling close din tong lalaking to eh nuh?

"ano nga pala course mo?" ang sabi ng lola ko bad daw magsalita habang kumakain kaya hindi ko siya sinasagot.

"ahh you're an accountancy student! Cool! Hindi mo ba tatanungin ang course ko???" kinunutan ko lang siya ng noo.

"Bachelor of science in Architecture hehehe" tapos inangat niya ang sling niyang may print ARCHITECTURE.

Hmm siguro sa sling ko rin niya nakita ang ACCOUNTANCY na print kaya siguro nalaman niya.

"tinatanong ko ba?" ngingisi ngisi niya akong inilingan sabay sabing

"SKL" tsk.

Napatingin ako sa entrance ng karinderya ni Aling pasing at nakita ko siyang papasok kasama ang bago niyang girlfriend.

Hindi ko alam pero parang biglang nagkasariling buhay ang mga kamay ko at automatic itong umangat sabay subo sa lalaking nasa harap ko.

"kain ka pa babe! love na love kita!" abot tengang ngiti ko sa kanya na siya namang kinalaki ng mata at butas ng ilong niya.

------
Lablab guys hahahaha 🖤🖤🖤

Blinded by Love (Completed)Where stories live. Discover now