Chapter 31

42 6 1
                                    

"Bumili lang ako ng payong, umalis ka na agad" saad niya na siya namang kinagulat ko. Nanlalaki ang mata ko siyang tinignan, nagtataka kung bakit pa siya bumalik.

"Oh" sabi niya sabay abot sa payong na mukhang hindi pa nabubuksan. May plastik pa kasi at maayos na maayos pa ang pagkakatupi. Halatang bagong bili. Palipat lipat lang ang tingin ko sa payong na gamit namin ngayon at sa abot niya. Pinag-iisipang mabuti kung dapat ko bang tanggapin ito, pero sa huli ay naglakad nalang ako at hindi na lang siya pinansin. Tutal basa na rin naman ako at malapit lapit na ako sa school. Basa na rin naman ako kaya para ano pa ang payong?

"Ligaya ano ba! Mababasa ka niyan eh" sunod niya sa akin at pilit akong pinapayongan, mas binilisan ko pa ang paglalakad.

"Basa na rin naman ako eh, walang mawawala" kibit balikat kong tugon at nagpatuloy sa paglalakad.

Bigla niya akong hinila kaya napatigil ako sa paglalakad. Ngayon ay magkaharap na kami at kitang kita ko sa mukha niya ang pagtitimpi. Siguro gusto na akong sakalin neto oh.

"Ligaya! bat' ba ang tigas ng ulo mo?" randam ang inis sa boses niya kaya mas lalo tuloy akong ginaganahang inisin siya.

"Talaga? sayo din ba?" natatawa kong tanong, tinignan ang bandang ilalim niya at mas nilapit pa ang mukha. Mas lalong kumunot ang noo niya at malapit ng magsalunong ang kilay niya. Shet I'm loving this game.

"Ligaya, I'm serious" hindi natitinag niyang tugon at mas lalong nilapit pa ang mukha. Alam ko pagmay nakamaling tumulak sa isa sa amin, sa  labi na ng isa't isa ang landing namin. Pero syempre hindi ko hahayaan 'yon. 

"Okay then, hello serious" Sabay tulak ko sa kanya at nauna ng maglakad pero hindi paman ako nakakarami ng hakbang nang hilahin nanaman niya ako at sa pagkakataong ito naramdaman ko ang init ng labi niya sa labi ko. Napakurap kurap ako, hindi ako makagalaw parang naestatwa ako at ni paghinga hindi ko magawa. Hindi ko maproseso kung anong nangyayari. Bumalik lang ako sa katinuan ng gumalaw ang labi niya, tinulak ko siya pero para bang nawalan ako ng lakas kasi hindi man lang siya nagalaw sa tulak kong 'yon.

"Argh!" reklamo ko ng bigla niyang kagatin ang labi ko na parang bang nangigigil siya. Gusto ko siyang tumigil pero ayoko. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Last time I check galit pa ako sa kanya pero ngayon bakit parang nag-eenjoy ako? shit. Calm down Handrheah! Pero bago ko pa siya naitulak ay tumigil na siya.

"Ligaya" hinihingal pa habang sinasabi ito. Para kaming sumali sa marathon. Hawak niya parin ang mukha ko at ilang sentimetro lang ang layo ng mga mukha namin.

"Hindi ko alam kung paano o saan magsimula Ligaya pero isa lang ang sigurado ako, mahal kita, walang halong biro o laro" lumayo ako sa kanya at nanlilisik ang mata siyang tinignan.

"Pero nagawa mo paring magsinungaling at maglihim sa akin. Hindi lang naman ang panloloko mo sa akin ang issue dito eh, alam mo diba? Kilala mo na si papa bago ka paman nakaapak sa pamamahay namin. Ang galing! Ang galing mong umarte! pwede ng pang Oscars" puno ng galit kong sabi sa kanya. Walang luhang tumutulo dahil matagal ng naubos ito. Ubos na ubos na. Biglang umihip ang hangin dahilan ng pagyakap ko sa sarili ko. Ngayon ko lang napansin na basang basa na pala kami at hindi na pala hawak ni Blue ang payong.

"Oo" nakayuko niyang saad. "Oo Ligaya, tama ka. Kilala ko ang tatay mo. Kilalang kilala ko Ligaya."

"Sabihin mo ng gago ako pero hindi madaling makita at marinig ang nanay mong gabi gabi nalang umiiyak dahil sa lintik na lalaking yun! N-nagmakaawa akong balikan niya si mama pero nalaman ko lang na ginawa niya palang kabit ang nanay ko. Nakakagago lang! Ginawang kabit ang nanay ko! Tangina! Tapos bigla nalang makikipaghiwalay girlfriend mo na hindi ka man lang sinasabihan kung bakit? anong rason niya bakit siya makikipaghiwalay? may nagawa ba akong mali? nagkulang ba ako? Tapos! tangina nanaman! nakakalalake eh! sa tomboy pa talaga ako pinagpalit! Oo alam ko gago ako gago naman kasi talaga ako at aminado ako don Ligaya pero yun lang ang naisip kong paraan para makaganti sa lahat ng katanginahan nila sa akin. It's like hitting two birds with one stone."

"Kaya mo 'ko nilapitan? Bakit Blue? akala mo ikaw lang ang may dinadala sa buhay?" inis kong sabi at pinahiran ang luhang nag-uunahan nanaman sa paglabas. Akala ko ba ubos na kayo? bat' parang andami niyo nanaman?

"Akala mo ikaw lang ang nahihirapan makitang umiiyak ang nanay gabi gabi? Bakit? akin ba hindi? Hindi mo alam kung gaano kahirap makita ang pamilya mong unti unting nawawasak. Para kang nahahati. Gusto mong maging kompleto kayo pero kapalit naman nun ang sakripisyo ng nanay mo. Alam mo yun? Yung gabi gabi ka nalang nakikinig sa iyak ng nanay mo, gusto mo siyang aluin pero hindi mo magawa kasi ikaw rin mismo hindi kayang aluin ang sarili mo."

"That's why I'm sorry! Ligaya, I know I've been a jerk but believe me, totoo lahat yun." nakangiti ako habang may tumutulo paring luha at umiiling.

"Mahirap paniwalaan ang isang bagay na sa simula palang ay purong kasinungalingan na. Para ko lang nilason ang sarili ko pagnaniwala pa ako sayo Blue." pinahiran ko ang luha ko kahit na wala naman itong magagawa dahil kahit pahiran ko pa ito tumutulo parin ito ng walang tigil.

"Pinakinggan na kita, kaya tapos na tayo" aalis na sana ako ng pigilan niya ako.

"Teka lang" saad niya at patakbong pinulot ang payong na inabot niya sa akin kanina.

Nakangiti niyang inabot sa akin ito.

"Salamat sa pakikinig Ligaya. Alagaan mo palagi ang sarili mo" kinuha ko na lang ang payong para wala ng madaming sinsabi pero hindi ko ito binuksan.

"Happy 17th monthsary 'ga." rinig kong sabi niya hindi paman ako masyadong nakakalayo.

Parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko at patawarin na lang siya pero hindi ko magawa.

---------

💛

Blinded by Love (Completed)Where stories live. Discover now