Chapter 20

54 8 4
                                    

"Ligaya!" tawag sa akin ni Bebang kaya napatayo ako ng wala sa oras.

"p-punta muna ako kay Bebang" sabi ko sa kanya at dali daling tumayo.

kailangan ko na atang magpasalamat kay Bebang.

tae. bat ba kasi nandito ang halimaw na yun? magkakilala ba sila bebang? maling desisyon atang pumunta pa ako dito.

yan kasi! nangati kasi paa mo!

"dito ka nakatira?" tanong ko sa kanya pagkakitang pagkakita ko sa kanya. naabutan ko pa siyang nakikipagsagutan sa isa sa mga lalaki mukhang magka away ata sila.

"Ligaya! upo ka muna magtutuos muna kami dito" sabi niya tapos iminuwestra niya sa akin ang sofa. umupo nalang muna ako.

"magbayad ka na ng upa mo! kundi palalayasin na kita--" rinig ko pang himutok ni Bebang bago sila pumasok sa kusina.

"miss! ano pangalan mo?" tanong nung naglalampaso sa akin.

"Ligaya right?" napangiwi ako sa tanong nung nagwawalis. sunod ng sunod ito sa nanglalampaso para walisin ang mga alikabok na nalampaso nung isa medyo payat na lalaki.

ayokong tawagin ng Ligaya.

"Handreah" sabi ko sa kanila.

"eh narinig namin tawag ni boss sayo Ligaya eh." napairap nalang ako. feeling close kasi boss niyo. gusto ko sanang sabihin pero huwag na nasa teritoryo ako ng babaeng yun baka mapano pa ako.

"oy Ligaya sorry ha! ang titigas kasi ng bungo ng mga to eh" kakalabas lang ni Bebang galing sa kusina at may dala na itong pera. binatukan niya muna ang dalawang lalaking nakipagkausap sa akin bago umupo.

"kakainis! hindi nagbabayad kung hindi dinadaan sa dahas!"

"oy! Hindi ako yan boss ha! good boy ako" sabi nung naglalampaso

"ako rin!" segunda naman nung nagwawalis.

"umalis nga kayo! tsupe!" dali dali naman itong umalis. natatawa ko itong tinignan hahaha para silang kuting na sumunod sa utos ng amo nila.

"boss ka nila?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.

"siguro? nangungupahan sila sa akin eh." natatawa niyang tanong sa akin. nanlaki ang mata ko. nangungupahan?!

"ibig sabihin sayo to?" ang galing naman! kumikita na pala siya?

"oo mga dalawang taon narin nung nakuha ko to kay auntie. hirap ngang maningil sa kanila eh. kakairita minsan." himutok niya saka na pasimangot.

"si Blue? bakit nandito yun? nangungupahan din yun dito?" bigla siyang natawa sa tanong ko. anong nakakatawa dun?

"Blue? malakas apog nun eh! nung nalamang inimbita kita dali daling pumunta dito at inimbita sarili niya" matagal naba silang magkakilala?

"hahaha matagal na kaming magkakilala! tropa ko yun eh! tsaka joke lang yung crush crush na yun kadiri! putek! inutusan ako nung Asul na yun na lapitan ka--"

"wait! teka lang. magkakilala kayo? inutusan ka? joke? isang malaki ba akong joke sa inyo? ginagago niyo ba ako?" inis kong tanong sa kanya.

"oy! hindi ah! Matagal na talaga kitang gustong maging kaibigan kaso nung first approach ko sayo inisnab mo lang ako" ano?

"ah basta hindi mo na yun matatandaan medyo matagal na rin yun eh. magsaya nalang tayo! birthday ko ngayon" nanlaki ang mata ko. birthday niya? so that explains kung bakit naggegeneral cleaning sila at maraming pagkain.

"H-Happy birthday"

"Thank you!" magiliw niyang sabi sa akin. nagkukwentuhan pa kami tungkol sa mga karanasan niya nung tinawag na kami dahil handa na daw ang pagkain and there naabutan ko siyang nakasimangot na nakatingin sa akin. gusto kong matawa pero pinigilan ko. mas lalo siyang napasimangot nung tumabi ako kay Bebang kesa sa kanya. nakabakante kasi ang katabi niyang silya pero mas pinili ko sa tabi ni Bebang kaharap siya.

kumanta muna kami ng Happy birthday bago nagsimulang kumain. patapos na kami nung biglang lumabas yung nakabangayan ni Bebang kanina at nung bumalik ito ay may dala na itong cake at may nakasindi ng kandila.

"Yieee ikaw ha dumadamoves ka kay boss!" kantyaw nung chef nila siya kasi yung nakita kong nagluto kanina.

"pakyo" sabi naman neto at lumapit na kay Bebang.

"oh! blowjob na!" sabi neto kay Bebang at nakatanggap naman ito ng medyo marami raming batok sa kasama nito kasama na si Blue na nasa tabi ko na pala.

"nabusog ka?" tanong niya sa akin.

waw Blue. ang lame. syempre isasagot ko oo katatapos pa nating kumain eh.

"tanga ka rin eh" natatawa kong sabi sa kanya.

"hindi tanga yun. gusto ko lang makausap ka" binatukan ko nga. kadiri eh.

"Blue may 2 weeks and 3 days pa ako"

"tsk. 1 month 1 month eh dun din naman papunta eh" himutok niya at ngumuso. kinurot ko nga ang nguso parang baboy eh.

"eherm"

"aray! langgam!"

iilan lang yan sa narinig ko sa paligid. napailing nalang ako. kelalaking tao mga chismoso.

"Bebang Happy birthday ulit. thank you sa pagimbeta pero mauuna na ako ha. gabi na pala" pamamaalam ko sa kanya. tumango naman siya at nagthank you rin.

nakalabas na ako sa gate at nandun parin yung creepyness sa paligid. nagmadali akong maglakad. nung biglang may humigit sa siko ko. tae!

"hoy chill lang" sabi nito. napabuga naman ako ng hangin. tae kala ko kung sino na eh.

"pwede ba Blue? wag ka ngang pasulpot sulpot? nakakatakot ka na eh"

"sa gwapo kong to multo? ihahatid na kita" nakapamulsa nitong sabi sa akin.

"Huwag na! nakakahiya naman sa kagwapohan mo" natatawa kong sabi sa kanya.

"aba dapat ka lang mahiya nuh! ang gwapo ng tagahatid mo" bigla niyang kinuha ang kamay ko at inangat ito at tinignan ito. napatigil ako sa paglalakad dahil sa ginawa niya.

"tamad ka nuh?" sabi nito. napakunot naman ako ng noo.

Aba't!

"bitawan mo nga kamay ko"

"ang lambot eh. halatang walang ginagawa sa bahay" piniga piga niya ito at hinimas himas.

NAKNG PUTEK! PINAGTATAASAN AKO NG BALAHIBO!

nagpatuloy siya sa paglalakad at dahil hawak niya parin ang kamay ko ay nadala ako.

hindi ko namalayan na nakarating na pala kami. nakatitig lang kasi ako sa kamay naming magkahawak buong lakad eh.

"sige na pasok ka na. ingat Goodnight" sabi nito tsaka hinalikan ang noo ko.

nasa ganoong ayos parin kami nang biglang may nagsalita sa harap na min

"Handreah Joy baka gusto mong imbitahin yang nobyo mo sa loob?" agad akong napahiwalay kay Blue na parang napaso.

nalintikan na!

----

woopxx hahahaha

naalaa niyo po yung girl na minalditahan ni Ligaya sa chapter 2? its Bebang hahaha

love lots mwah! 😊😘

Blinded by Love (Completed)Where stories live. Discover now