Chapter 4

155 14 1
                                    

"Gago mo tangina!" natatawa kong sabi sa kanya habang niyayakap ang sarili ko.

Mas lalo ata akong giniginaw eh.

"hey! Your mouth!" inirapan ko na lang siya at mas lalong niyakap ang sarili.

Walang tigil ang ulan. May bagyo ba? Wala na kasi akong update ngayon eh. Ay oo nga pala wala pala kaming TV.

Tinignan ko ang oras at 39 minutes nalang ang natitira para sa next subject ko pero hindi parin natutuyo ang damit ko.

"are you cold?" tinignan ko lang siya na parang 'tanga ka ba?' pero binalewala lang niya ang tingin ko at nagdirediretsong lumapit sa akin.

"ay tangigit" hindi ko nakita yun ha!

"ang basa pala ng damit mo! Bakit hindi mo sinabi?" napaface palm nalang ako.

"ay bobo ang taena" bulong ko sa sarili ko at hindi siya pinansin.

"may extra akong tshirt dito kaso PE shirt ko kasi to..." tinignan ko siya na may kinakalkal sa bag biya.

PE? Hindi na masama. Sobrang basang sisiw ko kasi eh. Mas nakakahiya if pumasok akong basa.

"oh" sabay abot niya sa PE niya.

Buti nalang wash day namin ngayon at hindi siya masyadong weird tignan pag pinares ko to sa jeans ko.

"salamat" sabay abot ko sa PE niya. Hinintay ko siyang tumalikod para makapagbihis na ako pero nakatunganga parin siya at naghihintay sa susunod kong gagawin.

Tinignan ko siya ng 'ano pang ginagawa mo? Tumalikod ka na'

"ow. Oh right! Sorry" sabay dali daling talikod niya.

Pumunta ako sa medyo madilim na part at nagbihis na. Patapos na akong magbihis ng may narinig akong usapan.

Shit. Bawal pa naman kaming mga students dito!

Dali dali kong binaba ang tshirt niyang medyo malaki sa akin. Nyeta nagmukha akong hanger!

"hey! Wait! Where are we going?"

"sshhh" nagtago kami sa mga sirasirang upuan at sakto naman na pagpasok ng dalawang tao.

"why are we hiding?" bulong niyang tanong sa akin.

"tumahimik ka" sinundan ko ng tingin ang dalawang paa at papunta sila sa second floor ng building. Napatingin sila sa wait what?! Mga bag namin!

Shit! Ang tanga naman Handrheah eh!

"lumabas na kayo" kalmadong sabi nung isang lalaki.

Shit naman eh.

Pahamak na bag yan!!!

"lalabas kayo oh hindi?" napapikit nalang ako. Yung puso ko kinakabahan na ako. Huhu

"paghindi kayo lumabas at nalaman ko kung sino kayo ay makakarating ito sa head ng departments niyo" naku naman oh.

"bakit ba kasi tayo nagtatago?"

"shhh"

"bahala ka lalabas na ako. Ayokong magkarecord" akmang tatayo na siya kaya hinatak ko siya pero na out of balance siya at nasagi niya ang mga silya at siya namang pagtigil ng patak ng ulan.

Game over.

Nakarinig ako ng footsteps patungo sa amin pero hindi ko mawala ang mga tingin ko sa dalawang mata na nakatingin sa akin isang dangkal lang ang pagitan.

"ANONG NANGYAYARI DITO???! TO MY OFFICE NOWWWW!!" 

Tangina.

--------
Lablab guys hahahaha 🖤🖤🖤

Blinded by Love (Completed)Where stories live. Discover now