Chapter 17

77 11 3
                                    

naglalakad lang ako at hindi ko na alam kung nasaan ako.

yan! emote pa kasi ng emote Handreah eh!

umupo nalang ako sa gilid ng kalsada madamo naman eh tsaka wala na rin akong nakikitang dumadaan na jeep. anong oras na ba?

napa angat ang tingin ko.

napakaraming bituin ang nagkikislapan pero hindi ko makita ang moon. siguro nagtatago sa mga ulap.

triny kong pagkonek konekin ang mga bituin pero tinigil ko rin.

narealize ko kasing mukha pala akong timang sa ginagawa ko.

hinubad ko na ang heels ko masakit na kasi eh. tsaka bakit ba kasi ako nagheels ngayon? maypadress dress pa akong nalalaman mukhang tanga.

eh akala ko kasi kung saan niya ako dadalhin eh malay ko bang sa restobar lang?

tsaka ang halimaw mukhang nageenjoy kakakanta doon ah. hindi man lang naisipang hanapin ako? pag ako hindi nakauwi lagot sa akin ang lalaking yun.

gusto kong bumalik na at ayain na ang lalaking yun na umuwi pero ayoko pa! ang sarap kasi ng hangin dito eh! walang ingay tsaka nakakatamad din kasing tumayo!

arghhh!!!

"hindi ka ba naaawa sa mga damo?" agad akong napalingon sa gilid ko. nakatingin siya sa mga kamay ko kaya napatingin narin ako.

ay nyeta! andumi na ng kamay ko! hindi ko kasi namalayan na nagbubunot na pala ako ng damo eh.

"tapos ka na sa pagfefeeling singer mo? oh musta concert dre?" pang aasar ko sa kanya at tinapunan siya ng mga damong nabunot ko. agad naman siyang umilag at umupo sa gilid ko katabi ang heels ko.

"alam mo bang naging murderer ka ngayon?" natatawa niyang sabi sa akin pero hindi siya nakatingin sa akin. sa langit lang na punong puno ng bituin.

"pinagsasabi mo?" pinagpatuloy ko ang pagbubunot ng mga damo

"bakit ka nga pala umalis kanina? wala ka rin talagang modo eh. kita mong hindi pa ako tapos sa pagpeperform umalis ka na agad" mahahalata ang pagtatampo sa boses niya but if I know nagpapanggap lang yan. mapagpanggap yan eh!

"ampanget kasi ng boses mo! hahaha hindi na matake ng ears ko" natatawa kong sabi sa kanya pero syempre joke lang yun.

inis man ako sa kanya ay hindi ko naman ipagkakaila na maganda boses niya.

ang gwapo nga pakinggan eh.

pero yung boses lang ah!

"ang ganda ng langit no?" napa angat uli ako sa langit dahil sa sinabi niya.

oo nga sobrang ganda.

"pero wala yung moon" dugtong ko naman. natatawa niya akong nilingon

"seriously? hindi mo nakita ang moon? nasa likod mo lang oh" sabi niya sabay turo sa likod ko.

"ang liwa-liwanag nga nyan tapos hindi mo pa nakita" oo nga. ang liwanag nga ng moon ngayon pero bakit hindi ko to napansin kanina?

"parang ako lang yan. nasa tabi mo na nga pero hindi mo parin makita" sabi niya sabay halakhak na mahina. napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

anong ibig niyang sabihin don?

nakatingin siya sa kalangitan. nakangiti.

medyo mahaba na ang buhok nitong umaabot na sa kilay niyang medyo makapal. singkapal ng mukha niya.

mataas pala ilong niya? ngayon ko lang napansin nakaside view kasi siya hahaha.

"yung kanina.." biglang sabi niya sabay lingon sa akin kaya napabalik ang tingin ko sa langit.

nyeta sabihin pa netong pinagpapanstasyahan ko siya. nakakadiri.

"oh? bakit?" kaswal kong sagot sa kanya na hindi siya nililingon. nararamdaman ko kasi yung tingin niya sa akin at aaminin kong na aawkward na ako dito.

GUSTONG GUSTO KO NG UMUWI PERO AYOKO PA. ay ewan.

"t-totoo yun" napakunot ang noo ko. anong totoo?

"Look at the stars"  napatingin ako sa kanya dahil bigla nalang siyang kumanta. nakatingin na siya sa mga bituin sa langit.

"Look how they shine for you" pagpapatuloy niya sa pagkanta biglang kumurba ang mga labi niya na para bang tuwang tuwa siya sa nangyayari.

"And everything you do" hindi parin nawawala ang ngiti niya sa labi ng lingunin niya ako.

biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang tingin namin.

nyeta anong nangyayari?

"Yeah they were all yellow" lumapit pa siya sa akin pero nasa gitna parin namin ang heels ko.

bigla niyang kinuha ang mga kamay ko at nilaro laro ito.

hindi parin natigil ang ingay sa loob ng dibdib ko at mas lalo lang itong nagingay ng pinagsalikop niya ang kamay namin. sobrang higpit.

"October 8 this year when I met this girl crying under the rain hahaha" biglang nag init ang mukha ko.

bwesit pinaalala pa. nakakahiya yun eh.

"hindi ko alam kung bakit lapit parin ako ng lapit kahit na maypagkasuplada ka minsan. ay hindi palagi pala."

"lagi mo akong inaaway minsan nga ang brutal mo sa akin eh. masaya ako pero naiinis din pag andyan ex mo. pag andyan kasi siya ang bait mo sa akin. sa mga oras din kasi na yun parang kailangang kailangan mo ako ewan. ang saya ko pagnanghihingi ka ng tulong sa akin" napatingin ako sa kanya. nakangiti lang siya habang nilalaro parin ang mga kamay ko.

"tinatanong ko sarili ko bakit ko natitiis ang mga bagay na yun? bakit hinahayaan ko ang sarili kong gamitin mong props para kunwari nakalimot kana sa ex mo?" may bahid ng lungkot ang boses niya.

manggagamit ba ako? hindi ko narealize yun eh. akala ko kasi okay lang sa kanya.

"then I came to realize why I let those things happen"

"I L--" pinutol ko na ang dapat niya pang sabihin nga ng sinabi niya. ginamit ko siya at ayaw kong patuloy ko pa siyang gamitin pag narinig ko ang mga bagay na yan.

"B-blue tara uwi na tayo giniginaw na ako eh" sabi ko sa kanya at pilit binabawi ang mga kamay kong mahigpit niyang hawak.

"hindi mo parin talaga siya nakakalimutan nuh?" may bahid ng lungkot ang boses niya.

"tara na uwi na tayo" hinila ko parin ang kamay kong hawak niya.

"bakit? dahil ba lalaki ako? ayaw mo sa lalaki? sa pagkakaalam ko naman eh siya ang tomboy sa inyo eh. bakit ayaw mo parin sa akin?" umiling ako.

nagkakamali ka Blue.

"h-hind naman ganun yun eh."

"eh ano? payag akong maging rebound mo" umiling ako. hindi pwede.

"one month" one month lang Blue. lilinawin ko muna tong nararamdaman ko.

"one month Blue. kausapin mo ako pagkatapos ng one month at lilinawin natin lahat ng to" seryoso kong sabi sa kanya para malaman niyang seryoso ako sa kanya.

huminga siya ng malalim bago tumango. kinuha niya ang heels sa gitna namin at siya na mismo ang nagsuot sa akin.

hinatid niya ako sa amin ng walang sinasabi ni anong salita. niyaya ko siya sa loob para makainom man lang ng tubig umuo naman siya pero hindi siya uminom ng pumasok lang siya at humingi ng paumanhin kay mama dahil natagalan kami. wala nanaman si papa siguro nambabae nanaman. wala na akong pake sa kanya.

chinat ko siya bago matulog nagtanong lang kung nakauwi naba siya at nagpasalamat narin pero wala akong nakuhang sagot sa kanya.

--------
🖤🖤💛💛

song used: Yellow by Coldplay

Blinded by Love (Completed)Where stories live. Discover now