Chapter 24

48 9 1
                                    

Hindi parin mawala wala sa isip ko ang mga pinagsasabi ni Bebang.

gusto kong isiping nasabi niya lang ang mga bagay na yun dahil sa kalasingan pero mukhang malabo eh.

'ga sorry hindi ako makakapunta sainyo ngayon. may biglaang emergency eh'

basa ko sa text niya sa akin. kanina ko pa to tinititigan eh.

anong emergency Blue?

ayaw kong magduda pero hindi ko maiwasan.

kung ex ni Blue si Angel na shota na ngayon ng ex ko ano naman ngayon? di ba pwedeng nagkataon lang iyon? pero kung ex nga ni Blue si Angel bakit hindi niya man lang sinabi sa akin iyon eh makailang beses na kaming nagkikita.

'okay! that's my cue! ayaw kong magpakapraning sa pag iisip'

naisipan kong pumunta nalang sa mall at magpapalamig muna ng isip ko.

baka pagbalik ng klase mas lalo akong mabobo kakagamit sa pag iisip sa mga walang kwentang bagay.

kakaupo ko lang at hinihintay ko ang order ko ng may makita akong pamilyar na likod.

bakit parang si Blue yun? saktong pagdating ng order ko ay siya namang pagkawala nila. parang isang pamilya naman at hindi nagdedate eh kaya okay lang kung nagkataong si Blue yun.

payapa akong kumakain at tahimik na ninanamnam ang sarap ng pagkain ng biglang may dalawang katawan ang tumayo sa harap ng table na inuukupa ko. pag angat ko ng tingin ay si Angel at Louise ito.

nangunot ang noo ko silang tinignan. sorry but I don't want to be disturb when eating.

"Ligaya pwedeng makisare? wala na kasing available na table eh" nilibot ng paningin ko ang buong paligid at oo tama nga hindi nga siya nagsisinungaling at punuan na nga may iba ngang nakatayo at may dalang tray eh.

pang-apatan na table ang inukupa ko dahil ito nalang rin ang available nung pumasok ako kaya okay lang at walang problema kung makishare sila ng table sa akin.

ang kaso lang mukhang awkward o baka ako lang ang na-aawkwardan dahil sa nalaman ko na hindi pa naman nacoconfirm kung totoo ba.

argh! Bebang! nakakafrustrate ka!

iwinaksi ko nalang ang mga ganoong ideyang pumapasok sa utak ko at nakangiting tumango sa kanila.

"thank you" nakangiting sabi ni Louise na tinugunan ko lang ng tango at tipid na ngiti. ganoon rin kay Angel.

tumigil na muna ako sa pagkain dahil nahihiya akong kumain eh wala pa ang order nila.

teka should I talk?

eh ano naman itotopic ko?

nung magsasalita na sana ako ay biglang tumayo si Louise at nagsabing magccr muna daw siya kaya ngayon kaming dalawa nalang ni Angel ang magkaharap ngayon sa mesa.

awkward..

"uh. hello? kamusta naman?" ay shet mukhang wrong move ata! ang feeling close ko naman! as if magkakilala kami para mangamusta ako! taena mo talaga Handreah!

"okay naman" nakangiti niyang sabi sa akin. ay shet bagay talaga sa kanya ang pangalan niya.

'angel' mukha siyang anghel! hindi na ako nagtataka kung bakit nagawa akong lokohin ni Louise dahil sa kanya tsaka mukhang mabait naman siya eh.

napabuntong hininga tuloy ako at mukhang napansin niya yun kaya napatingin siya sa akin.

"uh kayo? kumusta kayo ni Asul?" Asul? si Blue ang ibig niyang sabihin diba?

bakit kung makabigkas siya sa pangalan ni Blue ay parang kilalang kilala niya ito. Handreah stop.

hindi totoo yung sinabi ni Bebang lasing lang yun.

"kami ni Blue ang ibig mong sabihin diba? uhm oo okay lang naman kami" nakangiti kong sabi. shet ngumiti ka. wag mong ipahalata ang kunot ng noo mo

"Good to know. uhm Ligaya if ever huwag mo siyang pakainin ng chocolates ha or whatever food na may chocolate na halo kasi allergic siya sa mga ganu--"

"wait teka bakit kung makapagsalita ka parang kilalang kilala mo siya? magkakilala ba kayo?" naguguluhan kong tanong sa kanya

"p-parang ganun na nga--"

"nagshota ba kayo nuon?" hindi ko na napigilan ang bibig ko at pinutol ko ang kung ano man ang sasabihin niya dahil iyon lang ang kelangan ko.

tango lang ang naging tugon nito at napayuko. sakto naman ang pagbalik ni Louise galing sa Cr

"sorry ang haba kasi ng pila" sabi niya habang papaupo siya

"hindi parin ba naseserve ang order natin?" baling niya naman kay Angel. napabuntong hininga naman ako pero hindi ko na pinahalata masyado. pinilit kong ngumiti sa kanila.

"Louise, Angel mauna na ako ah. may imemeet pa kasi ako bawal akong malate. sige ingat kayo thank you!" dali dali na akong tumayo at hindi na hinintay ang sasabihin nila.

nang nasa labas na ako agad akong nakahinga ng maluwag.

tulala lang ako at prinaprocess ang mga nalaman ko.

ayaw kong mag overreact sa mga nalaman ko. gusto kong malaman mismo kay Blue ang lahat pero hindi ko maiwasang masaktan.

bakit hindi niya sinabi sa akin nung una palang?

oh di kaya ay may balak ba siyang sabihin sa akin?

oh? baka isipin mo destiny? haha

naalala ko ang sinabi ni Bebang nung nalasing siya. anong ibig sabihin nun?

pinaglalaruan lang yan ni Asul! hehe

taena! 'bat ba naririnig ko ang nakakadiring boses ng Bebang na yun!

nagalakad lang ako. hindi ko alam kung saan ako papunta parang gusto ko nanamang kumain ng ice cream ngayon ah.

nakakatawa lang dahil last time nung gusto kong kumain ng ice cream ay si Blue din ang dahilan dahil sa sobrang inis ko sa kanya dahil sa pinagsasabi niya kay Louise tapos ngayon siya parin.

ay shet. ang sakit. napaupo ako dahil sa lakas ng impact ng pagkabangga niya.

si sir Mondigo!

tinulungan niya akong tumayo at nagsorry tumango lang ako at ngumiti sa kanya.

ewan ko parang napipi ata ako.

naglalakad na ako ng bigla niya akong pinigilan.

"Ms. Dominguez! sumama ka na sa akin!" nakangiti niyang sabi sa akin.

teka ano raw?

"papunta ako kay Blue ngayon!" Blue? papunta siya kay Blue?

"sige po" pagpayag ko dito dahil kailangan ko ring kausapin si Blue ng personal pero hindi ko akalaing buong pamilya pala ang kikitain ni sir Mondigo at hindi lang si Blue.

shit. I'm dead.

-------

yieee 2020 na guys!

lablab ☺😍💛

Blinded by Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon