Chapter 21

45 10 0
                                    

"G-good evening po T-Tito" nagkanda utal na bati ni Blue pagkapasok namin.

akmang magmamano na si Blue ng winagayway ni papa ang kamay niya na para bang nagpapahiwatig na huwag na.

"tito? pamangkin ba kita?" napairap nalang ako sa sinabi ni papa.

anong ginagawa niya? nagpapakatatay? as if naman.

"s-sorry sir" nakayukong sabi ni Blue. napaismid ako.

sir?! Hindi bagay.

"hindi din kita estudyante o empleyado" umupo nalang ako sa sofa. hinihintay na matapos at sinisiguradong makauwi ng buo ang halimaw nato.

"Saan kayo galing ng anak ko? bagyong bagyo nakuha niyo pang gumala. gabing gabi pa kayo umuwi"

"hon naman. tinatakot mo yung mga bata" nakita ko si mama kalalabas lang sa kusina at may dalang inumin at pagkain.

"kain ka muna hijo" sabi ni mama at inilahad ang pancake dito. teka bakit si Blue lang? bakit wala ako?

"huwag kang matakot jan! lalo kang tatakutin niyan pagpinakita mong natatakot ka" bulong ni mama dito na rinig ko naman. magkatabi na kasi kami ni Blue ngayon kaya rinig na rinig ko.

"so ilang taon na kayo ng anak ko?" napakunot ang noo ko sa tanong ni mama. nakatayo na siya ng maayos at malakas ang boses nitong tanong kaya rinig ni papa at kahit na si Hazelle na nasa kwarto niya ngayon.

"H-hindi pa po k-kami" whats with the words Blue? ngayon ko lang nalaman na bulol ka pala.

"hindi pa kayo at hinalikan mo na Ana--"

"pa! it's just a forehead kiss!" sabat ko na dito. hindi na napigilan ng bunganga ko eh.

"forehead kiss is still a kiss Handreah Joy" napairap nalang ako. tama naman siya eh. tsk.

"hindi pa po ako sinasagot ng anak niyo ma'am" gusto kong batukan ang sarili ko dahil natatawa ako sa ganito kaseryosong sitwasyon.

hahaha play safe ang tae. si mama nalang kinausap? hahaha

"oh! Handreah naman! sagutin mo na. Blue right?" baling niya kay Blue. tumango naman ito at tinignan ako na may ngiting tagumpay. tusukin ko yang mata mo eh tignan natin kung makasmile ka pa.

"Blue seems to be a nice person!" halimaw yan ma hindi siya nice.

akmang lalapit si Blue sa akin ng biglang may humarang na walis sa pagitan namin.

taingana! ang dumi!

"at iisa ka pa talaga? sa harap ko?" nakataas ang kilay ni papa dito.

"sorry po may ibubulong lang sana" nakayukong sabi ni Blue. wala! takot! walang kwenta!

"kung gusto mong ligawan ang anak ko dapat dito sa bahay dahil ayaw na ayaw ko yung kinikita mo lang anak ko." ohhh coming from you ha? takot ka rin palang mangyari sa akin ang ginagawa mo sa mga babae mo?

I'm shookt.

"o-opo"

"umuwi kana. gabi na baka hinahanap ka na."  that sentence ended the day.

nakauwi naman ng buhay si Blue after that.

time flies so fast when you're happy.

I can say that I am already happy with my life. nakarecover na ako I think? no let me rephrase that.

nakarecover na ako.

first heartbreak is indeed a hard thing to forget but a sure thing to mold a better you.

Blinded by Love (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora