Chapter 11

109 11 2
                                    

"bakit mo ginawa yun?" seryoso kong tanong sa kanya habang hila hila niya parin ako.

"magbihis ka muna" iwinakli ko ang damit na itinapat niya sa akin.

"sagutin mo ang tanong ko" seryoso kong tanong sa kanya

"M-magbihis ka muna. A-ang basa mo na oh" nanlilisik ang mata ko siyang tinignan.

"sasagutin mo ako o magwawala ako dito?" medyo galit na talaga ako at hindi ko na mapigilan ang mapapadyak.

Oo na! Childish na kung childish pero nainis talaga ako sa ginawa niya kanina.

"I-I just felt like I need to d-do that, t-to say those" huminga ako ng malalim.

"how dare you meddle with my personal life?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

"eh kasi" napakamot naman siya ng ulo niya.

"Hindi kita kilala at hindi ko kailangan ang tulong mo na purong kasinungalingan lang rin naman" nakacross arms na ako ngayon at pinanatili ko ang taas ng kilay ko.

"edi totohanin natin" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Wala talagang kwentang kausap to.

"Tumigil ka sa mga kalokohan mo and I'm sorry but our deal is over. I can't work with someone who keeps on invading my private life. Yes you know me and I know you but only by your name and nothing more." dagdag ko pa tsaka ako tumalikod.

Uuwi nalang ako dahil baka makahanap pa ako ng away dito.

"bakit? Ano ba ang kinagagalit mo? Diba nga dapat magpasalamat ka pa sa akin dahil sa ginawa ko?" napatigil ako sa paglalakad at salubong ang dalawang kilay ko siyang nilingon.

Tatlong hakbang at nasa harap ko na ulit siya.

"at saang banda ako dapat na magpasalamat sayo?" kalmado ko pang tanong sa kanya pero sa loob loob ko ay naiinis na ako at gustong gusto ko na siyang kalbuhin.

"lahat. Lahat ng ginawa ko. Bakit ba? Ano ba ang kinagagalit mo?" hindi ko na siya sinagot at naglakad nalang.

Pero nabigla ako nung bigla niya akong hinigit paharap sa kanya

"hindi ka pa rin ba makalimot sa kanya?" agad kong iwinakli ang mga kamay niya at hindi siya sinagot.

Anong karapatan niyang tanungin ako ng ganoong kapribadong bagay?

Naiinis ako! At gustong gusto ko siyang kalbuhin at magwala dito pero hindi ko magawa! Binilisan ko na lang ang paglalakad ko at pumunta sa grocery store na nasa ground floor lang ng mall na to.

Dumeretso ako sa mga ice cream at kumuha ng dalawang gallon. Bahala na at maubos ang allowance ko dahil dito. Kailangan ko lang talaga ng karamay at matatagpuan ko lang yun sa ice cream!

Nasa counter na ako at magbabayad na sana ako pero biglang may nga kamay na nag abot ng 1000 pesos.

Waw! Yayamanin! Pero paglingon ko nawala ang saya ko.

"sayo na yang pera mo" at winakli ko ang mga kamay niya tsaka nag abot ng bayad ko pero kinuha niya ang kamay ko at inabot niya ang pera sa cashier. Inis ko siyang nilingon at inilingan niya lang ako.

Edi sige! Ikaw na magbayad! Ikaw na mayaman.

Huwag ka ng maginarte Handrheah Joy! Hindi ka mayaman at mas masarap kainin ang libre. Pagka abot na pagka abot ng resibo sa akin ay kinuha ko na agad ang dalawang gallon ng ice cream at umalis na.

"waw! Thank you ah" pahabol niya sa akin. Na kina irap ko lang. Bwesit.

"alam mo ate? Wala ka rin talagang utang na loob eh" inis ko siyang binalingan ng tingin at inilayo ang ice cream sa kanya.

Pagkarating na pagkarating ko ay kinain ko na agad ang ice cream ko pero mukhang naka amoy ang bruha kong kapatid at lumabas sa lungga niya ay nakikain.

Sa inis ko eh napkwento ako sa nangyari sa kani kanina lang. Nasambunutan ko pa nga eh. Siya talaga ang dahilan kung bakit ko nakita ulit nag ex ko eh!

"wala na ngang utang na loob ang damot damot pa! Pahinge!" mas lalo kong nilayo sa kanya ang ice cream at binelatan siya.

Hanggat wala akong magagandang bagay na naririninig sa bunganga niya tungkol sa akin ay hinding hindi ako magbibigay! Magkamatayan na!

"alam mo ate? Ramdam naman kita eh. Gets na gets ko kung bakit apektado ka pa rin sa ex mo hanggang ngayon" agad nabaling sa kanya ang tingin ko.

"hindi na ako apektado sa kanya" pagdadahilan ko kahit na alam na alam ko sa sarili kong totoo ang sinasabi niya.

"okay sabi mo eh. Kaya nga nagalit ka sa ginawa ni bayaw sayo eh" tapos sumandok siya ng ice cream.

"hindi naman ako nagalit eh. Nainis lang" nainis lang talaga ako nun kasi nakikialam siya eh. Paano kung maniwala si Louise?

"oh edi sige nainis ka nga. Eh bakit ka ba nainis sa ginawa niya? Eh his only intention lang naman at that time is to save your ass to your freaking ex?" oo nga nuh? Napabuntong hininga nalang ako.

Was I too hard to him earlier?

Below the belt na ba yung mga pinagsasabi ko sa kanya? Eh naghalo halo na kasi ang emotions ko that time eh wala na akong maintindihan and the only way para mailabas ko ang mixed emotions na nararamdaman ko is to argue with him.

"should I say sorry to him?"

"yes! Of course! You should big sister!" agad nanliit ang mata ko nung mapansin kong siya na ang may hawak ng ice cream!

Nyeta! Nadali ako dun ah!

----

Below the belt na talaga Ligaya tsk.tsk.

Lablab guys! Mwah 🖤🖤🖤🖤

Blinded by Love (Completed)Where stories live. Discover now