Chapter 6

131 13 1
                                    

"Ma!! Andito na po ako" sigaw ko pagkarating na pagkarating ko sa bahay.

"Anak! May surprise ako sayo!" masayang salubong sa akin ni mama galing sa kusina.

Bakit parang masama kutob ko dito?

Binalingan ko ng tingin ang kapatid ko na tinugunan lang ako ng kibit balikat.

Sinundan ko sa kusina si mama at tama nga ako.

Nagkabalikan nanaman sila ng lalaking yan.

"anak! Bakit ka ba pumunta dito! Sabi ko naman sayo eh! Surprise nga kaya ngayon tuloy hindi na siya surprise" natatawang sita sa akin ni mama ng makita niyang nasa bukana ako ng kusina.

Masayang masaya ang awra ni mama habang nagluluto. Ngayon ko lang siya ulit nakitang ganyan kasaya.

Tinignan ko ang rason sa mga ngiti niya at hindi ko mapigilang mapakunot noo at mapairap.

Ano bang meron sa lalaking yan at mahal na mahal mo ma?

Nandito naman kami ni Hazelle eh. Hinding hindi ka namin iiwan at sasaktan di gaya ng lalaking yan.

Tumalikod na ako at umalis na sa kusina bago pa tumulo ng tuluyan ang mga luha ko.

"ate.."

"oh?"

"sino daw yung bisita natin?" kuryusong tanong niya at bakas na bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"walang kwenta" tugon ko na lang

"pero ate.. Ngayon ko lang ulit nakita si mama na ganyan kasaya. Nung huli ko siyang nakitang ganyan nung bumalik si papa sa atin" napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya pero nanatili parin akong nakatalikod sa kanya

"si papa nanaman ba ate?" unti-unti ng nagtutuluan ang mga luha ko.

Nagpatuloy na lang ako sa pagakyat at hindi pinansin ang tanong ng kapatid ko.

Nung nakapasok na ako sa kwarto ay hindi ko na napigilan ay bumuhos na ang lahat ng emosyong kanina ko pa pinipigilan.

Galit ako.

Galit na galit ako pero hindi ko kayang magalit sa nanay kong ang tanging kasayahan lang ay ang tatay naming walang kwenta.

Panandaliang nawala ang lahat ng nga iniisip ko nang biglang tumunog ang phone ko.

Tinignan ko ito

@Bluemond_Asul started following you. Follow back

ItsmeBlue_Asul has requested to follow you. Confirm

Bluemond Rey Mondigo sent you a friend request. Confirm

Bluemond Rey Mondigo reacted to a post you shared.

Bluemond Rey Mondigo commented to your status.

WHAT THE HELL??!!!

sabog na sabog ang notification ko dahil sa kanya!

sino ba kasi tong Bluemond nato???!!  W-wait.. B-bluemond? Blue? Yung yung lalaki kanina na kapatid ng prof ko! Na may ari ng P.E!!!!

ARGHHHHH!!!!!!!!

---------

lablab guyssss 🖤🖤🖤🖤

Blinded by Love (Completed)Where stories live. Discover now