Chapter 16

87 11 1
                                    

kainis! ang sarap tusukin ng mata niya!

tangina talaga naiilang na ako. kanina pa kasi siya nakatitig sa akin habang kumakain ako kaya tuloy nakakahiyang sumobo! gutom pa naman ako.

"titigil ka sa kakatitig sa akin o tutusukin ko yang mata mo?" hindi ko na napigilan kaya nalabas na talaga siya sa bibig ko. sabi ko pa naman sa sarili ko na babawasan ko ang pagbabad mouth sa kanya ngayon dahil nilibre niya ako pero kasi sinasagad niya pasensya ko eh!

"hahaha ang pangit mo palang kumain hahaha" sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko nalang pinatulan puno pa kasi bibig ko eh.

"ehem. attention everyone!" biglang may nagsalita kaya nilingon namin ito. nakatuntong sila sa isang mini stage, may mga may hawak ng guitara, drumstick at kung ano ano pa mukhang banda ata sila at tutugtug dito.

"Gusto sana namin ng isang volunteer? to sing here in front para binyagan ang gabing ito hehehe" the one holding the mic said. mukhang siya ata ang vocalist ng banda.

ang weird naman? kailangan talaga ng volunteer para kumanta? then what if sintunado ang nagvolunteer? then sira ang gabi nila?

"sige na pips! huwag na kayong mahiya! don't break the tradition! hahaha okay lang kahit medyo sintunado kayo-- oh! looks like we already have a volunteer for tonight!" wika niya at parang nakatingin sa banda ko wait! wala na si Blue?

ay tangina siya yung nagvolunteer? HAHAHAHAHA

agad kong kinuha ang phone ko para videohan siya sa kaqaqohan niya ngayong gabi hahaha

"ehem" panimula niya tsaka natatawa akong tinignan. tae napabuhakhak na ako ng tawa ano nanaman iniisip na kalokohan kaya neto?

"mic test! mic test" tignan mo to parang tanga lang eh hahaha.

parang naririnig ko na ang panget niyang boses ngayong nagsasalita pa lang siya hahaha.

"good evening everyone? ladies, gentlemens, gays, lesbians hahaha LGBTQ+ nalang para medyo madali" nagtawanan ang mga tao lalong lalo na ang mga bakla at naghihiyawan pa sila offering prices to blue HAHAHA tae natatawa talaga ako

"good evening again everyone and most especially to this human who is with me right now. Handreah Joy! this song is for you! sana sagutin mo na ako HAHAHA" parang tanga talaga ang halimaw nato maypagka attention seeker din eh.

biglang nagkantyawan ang mga tao saying sagutin ko na raw. eh pano ko naman yan sasagutin eh ni hindi nga yan nanliligaw eh parang tanga lang talaga.

napairap nalang ako sa kawalan. Ang dali talagang maniwala ng mga tao hindi nila alam niloloko lang sila kaya tuloy nagkakaroon ng trust issue pero hindi ko rin naman sila masisisi may mga gago rin kasi talaga tulad lang ng papa kong walang kwenta at syempre may mga tanga rin na madaling maniwala tulad lang ng mama kong tanga

mga tao talaga ang hirap ispelingin.

"ehem. pagpasensyahan niyo na po at medyo sintunado ako kayamukhang medyo masisira ang gabi niyo ngayon hehe" medyo nahihiya pa niyang sabi sa stage. talagang masisira halimaw ka eh sino na kasing may sabing pumunta ka dyan pero okay narin yun nang nay pangblackmail ako.

maybinulong siya sa kaninang may hawak ng mic talks binulong rin sa ibang kasamahan waw? para ng pass the message lang? nagokay sign ang lahat sa kanya tapos nagsimula ng magdukduk yung drummer tapos sinundan nang pagstrum sa acoustic guitar

"Baby I'm falling head over heels" panimula niya.

shet ang ganda ng boses! mukhang ako ata ang mapapahiya dito ah.

"Looking for ways to let you know just how I feel"

nakapikit siya nung kinanta niya yan pero nung dinilat niya ang mga mata niya ay diretso itong naglanding sa mata ko.

shet! nakakakilabot.

"I wish I was holding you by my side
I wouldn't change a thing 'cause finally it's real"

hindi na niya nilubayan ang mga mata ko at nagsisimula na akong mailang kaya binaling ko nalang ang tingin ko sa phone kong nakatutuk sa kanya.

ay nyeta! wrong move!

"I'm trying to hold back, you oughta know that
You're the one that's on my mind"

nakakunot na ang noo ko habang nakatingin sa screen ng phone ko.

pano ba naman kasi ang lapad na ng ngiti ng halimaw parang nangiinsulto na nang aakit.

ay nangiinsulto lang pala wala na yung nang aakit siguro mas okay pa ang nakakakilabot.

"Falling too fast deeply in love
Finding the magic in the colors of you"

bigla niya akong kinindatan kaya mas lalo akong nangilabot.

nawala ang tingin niya sa akin at bumaling sa mga taong nasa harap niya. nasa medyo gilid na side kasi kami.

"You're the right time at the right moment
You're the sunlight, keeps my heart going"

sinabayan siya ng mga tao sa restobar. chorus na ata.

bakit parang alam nilang lahat ang kanta at mukhang ako lang ata ang walang alam?

bagong singer kaya ang kumanta niyan? in fairness ang ganda ng kanta.

"Oh, know when I'm with you, I can't keep myself from falling
Right time at the right moment"

bumalik sa akin ang tingin niya at bigla niya akong tinuro. biglang naghiyawan ang mga tao.

ako? bakit? kailangan ko bang pumunta sa stage? ayoko! nakakahiya.

umiling ako sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

"It's you
You, it's you
You, it's you"

pagpapatuloy niya ang kinakanta.

ay taing igit. napahiya ako dun ah.

pinagpatuloy niya ang kinakanta niya pero hindi na ako makapagfocus.

lumilipad ang diwa ko kung saan saan hanggang sa umabot na ito sa alaalang di ko dapat pa inaalala.

'pinapangako ko sa'yo na igagalang ka
Sagutin mo lang ako aking sinta'y
walang humpay na ligaya'

an image of her in front of me singing that song while holding her guitar sends thousands of volts in my heart.

oh what a wonderful memory it is to ruin my night.

hindi ko na namalayan at may tumulo ng luha sa mata ko.

pakyu ka Louise!

pinahiran ko ang mukha ko at tinignan ang phone ko.

memory full!

hindi parin tapos sa kinakanta niya si Blue kaya lumabas nalang ako.

kailagan ko ng hangin.

----------
heyow pips! hahaha

song used: its you by Henry Lau

hahaha ang ganda ng songggg 💛😍

Blinded by Love (Completed)Where stories live. Discover now