Chapter 18

64 9 2
                                    

malamig ang simoy ng hangin habang naglalakad ako.

malamig. sobrang lamig.

malapit na nga talaga ang pasko.

"Ligaya! sabi may gagawin dawng activity at by partner daw. tayo nalang ang magpartner ha?" napakunot ang noo ko sa sunod sunod niyang mga sinabi.

ang gandang pambungad ah? tsaka sino ba to?

hinead to foot ko siya. nagpirmi ang tingin ko sa mukha niya. she looks familiar.

aba! malamang Handreah Joy! kaklase mo nga sa major subject mo diba?

tumango nalang ako dahil wala ako sa mood para makipagusap.

"okeh!" sabi niya tsaka nagokay sign sa akin at magiliw na naglakad pabalik sa seat niya or akala ko lang? bumalik kasi siyang dala na ang bag at dalawang libro sa bisig niya at masayang umupo sa katabi kong upuan.

what's with her?

hindi ko nalang siya pinansin at inopen ko nalang ang facebook ko. wala namang importante purong kagagohan lang laman ng newsfeed ko kaya hindi na ako nagtagal. inopen ko nalang ang messenger ko. May mga group chat na nagmessage pero hindi ko nalang inopen kakamatamad eh. dumako ang tingin ko sa profile ni Blue. wala paring reply.

aba! feeling famous din to eh.

pero ano ba kasing inaasahan mo Handreah Joy? eh humingi ka nga ng one month diba?

napabuntong hininga nalang ako.

alam ko namang may nararamdaman narin ako para sa halimaw na yun eh. ayoko ng magpavirgin at magpabebe para sabihing hindi ko alam kung ano ang itatawag sa nararamdaman ko. gusto ko lang siguraduhin to. ayaw kong pumasok sa isang relasyon na may kulang pa sa akin.

unfair naman kasi para kay Blue kung gagawin ko yun.

I just need to clarify and certain out this feeling of mine.

napabuntong hininga nanaman ako.

Argh! gusto kong sumigaw pero ayaw kong magmukhang timang kaya ibubuntong hininga ko nalang to.

"lalim ng buntong hininga natin ah? problema mo?" napatingin ako sa nagsalita. siya parin. teka ano ba pangalan neto?

"what's your name again?" tanong ko dito.

"Bebang hahaha" tapos naglahad siya ng kamay. I don't want to be rude kaya tinanggap ko nalang.

nang matapos ang klase ay dumeritso ako sa canteen. tinatamad kasi akong lumabas kaya dito nalang. mag isa akong kumakain ng biglang may naglapag ng tray niya. Si Bebang pala. she's good naman but sometimes she's kinda annoying para kasi siyang si Blue na walang tigil ang bibig sa pagsasalita.

"mag-isa ka? asan na yung lagi mong kasama? yung kapatid nung prof natin?" is she referring to Blue?

"wala. bakit mo alam?"

"eh crush ko yun eh! sayang nga at hindi ko siya nakita ngayon. ikaw kasi eh! bakit hindi mo siya kasama ngayon ha? anong ginawa mo?" napakunot ang noo ko sa mga pinagsasabi niya.

"eh crush mo pala eh di ikaw humanap ng paraan para makita mo yung halimaw na yun." bweist. ni hindi nga nagpapakita sa akin eh.

biglang nabaling ang tingin ko sa kakapasok lang sa canteen dahil sa malalakas nilang tawanan.

apat silang lahat at isa na don si Blue.

natigil ang tawanan nila ng mapansing hindi na nakikitawa si Blue at seryoso na itong nakatingin sa akin. Biglang nagsipolan ang mga kasama niya. pamilyar ang isa doon mukhang siya ata yung kasama ni Blue nung naabutan niya akong may pinapasangreport kay prof Mondigo.

ngingitian ko na sana siya pero bigla siyang nag iwas ng tingin kaya yumuko nalang ako.

"confirmed! nag away nga kayo!" napabaling ang tingin ko kay Bebang. nag-away ba kami?

binilisan ko nalang ang pagkain ko at hindi na pinansin ang paligid.

umupo sila sa unahang lamesa na inuupuan namin ni Bebang. seryoso siyang nakatingin sa akin kaya ako nalang ang umiwas ng tingin.

taena mong halimaw ka. hindi talaga ako sanay na seryoso siya eh.

"yan kasi may pa one month one month pang nalalaman" narinig kong sabi nung isa sa kasama ni Blue.

agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

tangina? pano niya nalaman yun?!

tinignan ko si Blue at tinapunan siya ng masamang tingin pero nanatili parin siyang seryosong nakatingin sa akin hindi man lang natitinag sa masasamang tingin ko sa kanya.

"lapitan mo na yan Blue! hindi yang tingin ka ng tingin! ang hina naman eh!" sabi nanaman ng isa pa sa kasama nila at nagtawanan pero nanatili parin ang seryosong mukha ni Blue.

naiilang na talaga ako sa tingin niya tae naman.

nang matapos akong kumain ay dali dali akong tumayo. narinig ko pa ang tawag ni Bebang pero hindi ko na siya pinansin.

ano ba kasi Handreah! linawin mo na yang nararamdaman mo ng hindi ka nagkakaganito!

"aray ko! taena!" ikaw ba naman biglang hilahin at muntik ng madapa tignan natin kung hindi ka mapapa aray.

pilit kong winawakli ang hawak niya sa akin pero hindi ko magawa kasi sobrang higpit nito.

"Blue ano ba--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi bigla niya akong niyakap.

shet yung puso ko. taena.

"haha sorry 10 seconds lang. hindi na kasi ako sanay na hindi ka nakakasama. 2 weeks narin pala ang nakalipas" may bahid ng lungkot niyang sabi at mas hinigpitan pa ang yakap.

taena yung puso ko gustong gusto ng sumabog.

------
🖤🖤💛💛

lablabbbb 😘

Blinded by Love (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant