Chapter 10

115 13 0
                                    

Kasalukuyan akong nakatayo habang nag aantay ng jeep.

Dali naaaa bat ang tagal?? Nagsisimula nanamang umambon eh.

After 5 minutes ay may dumating na jeep.

Yes naman! Akmang sasakay na ako pero biglang may nauna sa akin tapos sinundan.

"hoy miss! Pumila ka nga!"

Napasimangot nalang ako.

BAKIT HINDI KO ALAM NA MAY PILA?!

"pft! Pumila ka raw" pagtingin ko

"ay puta" lang ang nasabi ko. Akala ko ba tatan tanan na ako ng hinayupak na to?

"oh chill ka lang" tapos nagsign siya na parang stop. "sasakay lang ako ng jeep. Pipila na nga ako eh" napairap nalang ako.

Lang kwenta.

Pumila na lang rin ako.

Anak ng tukneneng kanina pa ako nandito pero nasa unahan ko siya?!

Mamaya yung Hazelle na yun, iniwan iwan ako dito sa lalaking to na walang kwenta.

Lumingon siya sa akin na may nang aasar na ngiti.

Huwag kang papa apekto Handrheah Joy. Nang aasar lang yan.

"oh shit" naisambit ko na lang dahil nagsimula ng magpatakan ang ulan.

Wala akong payong na dala!

May dumating na jeep pero kasabay nun ang paglakas ng ulan.

Biglang nagtulakan ang mga tao at nag unahan sa pagsakay sa jeep. Nyeta!

Naiipit na ako sa mga nagtutulakang tao! Nakakadiri kasi basa na ang katawan ko naglotion pa naman ako ngayon kaya ang lagkit ko!

Biglang may humila sa mga kamay ko at nakawala ako sa tulakan ng mga tao.

Hay nakahinga na rin ng maluwag. Nagpasilong muna kami sa may entrance ng mall.

"thank yo-" natigil ang pagpapasalamat ko ng mapagtanto ko kung sino ang humila sa akin.

"okay ka lang ba?" nakangiti niyang tanong sa akin habang inaayos ang nabasa niyang buhok.

Tumango ako at nagpasalamat.

"Ligaya.. Kumusta ka na?"

"ayos lang. Ikaw ba?" nakangiti kong tanong sa kanya at pilit na pinapasigla ang boses ko.

"ayos lang rin. Sana totoo yang sinasabi mo kasi gusto kong masaya ka palagi." umiwas ako ng tingin sa kanya at huminga ng malalim.

Huwag kang iiyak HANDREAH JOY!

"totoo! Tsaka ikaw rin" ngiting ngiti kong sabi sa kanya.

"salamat Ligaya kasi ang understanding mo. Salamat kasi kahit na naghiwalay na tayo ang bait mo parin sa akin at hindi mo ako siniraan kanila mama kahit na alam kong ako ang may kasalanan" tama na please.

"hehe okay lang a-anu ka ba!" hindi na talaga makaya eh. Parang may bumabara sa  lalamunan ko at unti unti nanamang umiinit ang mga mata ko.

"babe! Andyan ka lang pala! Bakit bigla mo nalang binitawan kamay ko?" nanlalaki ang mata ko siyang tinignan na parang sinasabi na huwag kang lumapit! Pero ang tanga hindi makaintindi kasi lumapit parin siya.

Bigla niyang hinawakan ang mukha ko na para bang winawipe niya ang basa kong mukha gamit ang mga kamay niya.

"ayan tuloy! Ang basa basa mo na babe" napakurap kurap ako. Anong ginagawa niya?

"oh! Sorry. May boyfriend ka na pala Ligaya?" napalingon ako sa kanya tsaka kay Blue.

"wa-wala--"

"wala pa lang! Kasi nanliligaw pa ako." pampuputol niya sa sinasabi ko "I'm Blue and you are?" casual niyang dugtong. Napamasahe nalang ako sa sintinido ko.

Anong ginagawa niya?

"I'm Louise, her friend" pagpapakilala niya rin.

HAH! friend mo butche ko! Hindi kita kaibigan.

"oh! Nice meeting you! I'm sorry but we need to go basa kasi siya bibihisan ko lang" napakunot ang noo ko.

Say what?!

Hinawakan niya ang balikat ko tsaka ginuide ako papunta sa entrance.

Ano nanaman ba to Blue?

--------

🖤🖤🖤🖤 lablab guysssss

Blinded by Love (Completed)Where stories live. Discover now