Chapter 13

103 11 1
                                    


Blue's POV

Key Chain. Ano ba ang silbi nito? buti sana kung wampipti nalang  binigay edi natuwa pa ako. 

tinignan ko ito. Tf? natawa ako bigla.

It's an umbrella with a color of blue. kaparehas nung payong niya nung umiiyak siya. 

Bluemonster ang nakasulat. monster talaga? pambihirang babae pero okay na yun kesa wala. Binulsa ko na ang keychain na bigay niya sayang kasi kung itatapon ko lang nageffort pa naman yun  sa pagbili.

Ha! Kung alam ko lang kinse pesos lang to sa gilid ng simbahan! Ano to? Bayad sa ice cream na binili ko sa kanya?

"Hoy! Langit! Saan punta mo?" 

"Sa langit nga ang punta mo kung hindi titigilan pagtawag sa akin niyan" 

"naman eh! chuyins kaya yung langit para kang banal na papunta sa impyerno" natatawa niyang sabi kaya binatukan ko na. ano pa bang hinihintay ko? bat ko pa papatagalin ang pagpunta niya sa langit?

"joke nga lang eto naman!" kakamo kamot ang ulo niyang sabi sa akin

"nga pala! hinanap ka nung apat ang mata na prof natin! bakit daw 2 meetings ka ng hindi pumapasok"  yung asungot na yun talaga! mamaya ka sa bahay isusumbon kita kay ate! 

naglalakad ako papunta sa office ni Melvin yung asungot na hanap ng hanap sa akin na may apat na mata. nakasunod parin sa akin ang isa pang asungot parang asong buntot ng buntot. 

"Hoy! bat' mo ko sinusundan ha? nababakla ka na ba? hindi ako sa cr papunta! sa office ako ng mga halimaw papunta kaya kung ano man ang binabalak mo sa akin itigil mo na dahil hindi ako pumapatol sa bakla lalong lalo na yung mga cheap! wampipti lang kayang ibigay" mahabang paninita ko sa kanya hoo! hiningal ako dun ah!

itinaas niya ang gitnang daliri niya at naunang maglakad sa akin. wao?

"hoy! at inuunahan mo pa talaga ako ha! sa likod kita" mas binilisan ko ang paglalakad para mauna na akong maglakad sa kanya. 

"bogo" oh! ayan nanaman siya! nagsasalita nanaman siya ng mga pangmalignong words niya pero di bale na alam ko naman na ang ibig sabihin niyan eh HAHAHAHAHA 

ibig sabihin lang naman niyan eh ANG POGI KO RAW. 

Nang makarating na kami sa office ay nadatnan ko si Ligaya na may inaabot na folder ata kay Melvin tapos nagsmile si Ligaya tapos nagsmile back din ang asungot na may apat na mata! at anong ibig sabihin nun?! may sinabi si Melvin kay Ligaya na nagpapula ng pagmumukha ng babae at anu naman iyon?! 

watdapak! 

"waw! may chicks si Sir Melvin ah!" agad nanliit ang mata ko at walang pagdadalawang isip na lumapit sa kanila. 

umubo ako yung malakas na tipong lahat ng plema ko sa baga ay lalabas.  napalingon naman sila sa akin at agad nangunot ang noo ng babae. 

anong kinukunot kunot ng noo mo dyan? nahuli ka ba sa akto?

"ehem! Mel-- Ay este SIR MELVIN" diniinan ko talaga para malaman niya ang border sa kanilang dalawa "hinahanap mo daw ako? at bakit? missed me?" ngising aso kong tanong sa kanya na mas nagpakunot ng noo niya. aba dapat lang para mas maging matanda yang mukha mo mangunot ka nalang palagi. 

"Bluemond" madiin niyang tawag sa pangalan ko. alam ko namang maganda ang pangalan ko pero bakit parang naging kadiri nung sinabi niya?

"ay Prof. sige mauuna na po ako may klase pa po ako eh" agad akong napalingon sa nagsalita at sinamaan ko siya ng tingin na ginantihan niya din ng sama ng tingin. 

aba't! hindi siya natakot?

umalis na siya kaya sinundan ko siya. narinig kong tinawag ako ng apat ang mata pero hindi ko siya nilingon. pake ko sa kanya? sumbong ko siya kay mama at ate eh tignan lang natin. 

"Hey!" pag talaga sa babaeng to ako nakikipag usap nalalabas mga english spokening dollars words ko eh. 

aba! para mukhang sosyal nuh.

aba't! bakit hindi ako pinapansin neto?

"hey!" naabutan ko na siya kaya hinawakan ko ang braso niya pero naiwakli niya. Ay akala ko yung parang sa mga kdrama na pinapanood ni ate na eh. ito talagang babaeng to pambasag trip eh. 

"paghindi ka lumingon ipagsisigawan ko sa campus na in love na in love ka sa akin at patay na patay ka sa akin at muntik mo na akong ra-" ops galit na ata hahaha ang sama ng tingin eh.

"pinagsasabi mo dyan?" sobrang nakakunot ang noo niyang tanong sa akin.

"eh ayaw mo kasing lumingon eh" napakamot ako sa noo. aishh nakakatakot talaga ang babaeng to minsan eh. 

"ano nanaman ba kasing kailangan mo?" inis niyang tanong sa akin.

"ampanget kasi ng bigay mo sa akin nakeychain eh. yun na ba pambayd mo sa ice cream mo?" 

"what the hell?" hooh! lakas lang ng loob Bluemond. mas mabangis ka sa kanya dahil ikaw si Bluemonster diba?

"kailangan ko ang full payment." 

"oh sige. next year! pulubi ako ngayon eh." nagsisimula nanaman siyang maglakad kaya hooh! wala na akong choice.

"DATE ME AND YOU'RE FREE FROM DEBT." 

------

AY GANUN? AKO NALANG BLUEEEEEEE CHAROT HAHHHHAA

LABLAB GUYS. SO ITO NA NGA ANG FIRST EVER POINT OF VIEW NG ATING MABANGIS NA HALIMAW NA KULAY ASULLLL 🖤🖤🖤🖤💙

Blinded by Love (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora