Chapter 26

44 7 2
                                    

Hinabol namin ang bata and it turns out that he's missing.

"I was just walking huhu and huhu can't see may moma anymoree" gusto kong pigain ang cute niyang ilong na mamula mula na ngayon.

Siguro mga 4-5 years old siguro to.

" I'm scared and I need to eat ice cream 'cause moma said that whenever I feel sad or scared I just need to eat ice cream" nagpout ito sabay tingin sa ice cream na hawak ko na kinuha ko sa kanya. Bigla naman akong nakonsensya at masakit man pero binigay ko nalang sa kanya. Pati yung extrang spoon binigay ko nalang rin.

"Ano pangalan mo?" tanong ko sabay squat siya na kasi ang nakaupo sa bench na inupuan namin kanina pero hindi ako sinagot nito at nagsimula na siyang lantakan ang ice cream na ako sana ang kumakain. Bawiim ko yan eh.

"hey kid. What's your name?" nakasquat narin si Blue kayaga ko at akala ko nga eh dedeadmahin rin siya pero umangat ang tingin niya kay Blue tsaka ngumiti. Aba't! bakit hindi ako pinansin kanina?

"Moma said not talk to strangers but think you're alright" napairap ako. kelalaking bata ang arte magsalita bakla siguro to paglaki.

Ngumiti muna ito ng malapad bago inilahad ang kamay. Kainis! nakikita ko yung ice cream na kinain niya.

"I'm Donny and you are po?" padabog akong umupo sa bench at naghalukipkip. Edi kayo na nagkakaintindihan!

" I'm Blue and she is ate Joy" tinuro ako ni Blue kaya tumingin siya sa akin ngumiti ako sa kanya thinking he would smile back pero tae! tinignan lang ako! Pabayaran ko yang ice cream na kinakain mo eh.

" wow! Blue? as in the color of the sky? Blue?!" natutuwa nitong tanong at ewan ko ba kung bakit mainit ang dugo ko sa kanya basta! at tsaka hindi Blue ang kulay ng sky! kasi skyblue yun! kaya nga sky! kasi skyblue! maturuan nga to minsan.

Si Blue naman mukhang natutuwa pa sa bata at ngingiti ngiti pang tumango. Isa din tong walang alam sa kulay ng langit eh!

"Blue baka hinahanap na yan ng nanay niya" tinanguan lang ako ni Blue at nakipag usap ulit sa bubwit!

"a'right! finish your ice cream and we'll go look for your moma" agad nanlaki ang tainga ko sa nadinig.

we'll?

we?

we means sila diba? wala ako oh so ano pa bang ganap ko dito edi uuwi at magpapahinga na rin.

tumayo na ako pero hinarangan ako ni Blue. Nakasimangot ko siyang nilingon.

"Uuwi na ako magpapahinga pa ako"

"nah ah! sasamahan mo akong ibalik ang batang to" tinuro ko ang sarili ko. seryoso ba siya?

seryoso nga siya. Hindi na niya binitawan kamay ko eh. nangangawit na nga ako eh.

habang kumakain siya ay nilingon niya ako kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"what's your name ate?" mas tumaas ang kilay ko. Wow! ngayon niya pa naisipang tanungin pangalan ko?

"Your pretty but your masungit din" dagdag pa nito at napatuloy sa pagkain.

Aba't! pero well pretty naman daw ako. Okay na yun.

Nang matapos na siyang kumain ay inihatid na namin siya sa lost and found room.

Nakakatuwa nga eh. Puro mga pitaka at phones ang nandun tsaka yung tagabantay sabi pa nung tagabantay.

"Anu po yun? Lost or Found? Phones or Money?"

nung pinakita namin kung sino yung nafound namin nanlaki ang mata niya hahahaha. Matapos iannounce na may nawawalang bata ay ayaw paring umalis ni Blue ayaw niya rin naman akong paalisin kaya wala stuck kami sa lost and found room. Nung dumating na yung guardian nung bata ay umalis na kami.

"You won't buy me ice cream so I look for it!" Natawa ako sa sinabi ng bata sa nanay niya hahaha suwail ka talagang bata ka! Sus! pag naging kapatid kita puputulin ko talaga yang sungay mo.




"Ate! buksan mo yung pinto!"may kumatok kasi at kakapasok ko lang sa kwarto pabababain ulit ako? tsaka bakit inuutusan ako neto?

"Hoy Hazelle ha! kadadating ko lang!" narinig ko ang malakas na pagsira ng pinto at ang mga mabibigat na paa ng unggoy kong kapatid.

Batugan talaga! Kaya kami pinutulan ng WiFi ni mama eh.

"Pasok lang po kayo. Mga mamayang alas siete pa ang dating nila mama at papa" rinig kong sabi ni Hazelle. Sino kaya yun?

Nacurious naman ako kaya bumaba na rin ako. May babaeng nakaupo sa sofa at teka bakit parang pamilyar ang batang to?

"ah good evening po" pagbati ko sa medyo may edad na babae. Ngumiti naman ito

"magandang gabi rin hija. pasensya na at nagamabala ko ang gabi niyo pero kasi kailangan ko lang talagang makausap ang tatay niyo" napakunot ang noo ko. makausap si papa? bakit?

"ah mga nasa alas siete pa po ang dating nun. uhhh ano po gusto niyong inumin?"

"ah huwag nalang. salamat hija"

"me! I want ice cream!" napatingin ako sa bata na kanina pa patakbo takbo sa sala. 

oo! naalala ko na! siya yung batang nawawala kanina tsaka ang babae ring nakaupo ay yung sumundo sa  bata kanina! pero bakit nandito sila? at gusto nilang makausap si Papa?

nung dumating na sila mama at papa ay pagtataka rin ang gumuhit sa mukha ni mama ibig sabihin hindi niya kilala ang babaeng to. Talagang si papa lang ang pakay nito. Nagulat si papa pero nawala rin naman ito at napalitan agad ng pagkabalisa. Lalo na nung nakita niya ang bubwit na patkbo takbong nilalaro ang eroplanong laruan nito. 

bakit parang alam ko na ang pinunta ng babaeng to dito. 

"Patay na si Tessa, Ernesto." teka sino si Tessa?

"matanda na ako at walang permanenteng trabaho. Ayaw ko mang guluhin ang pamilya mo at ayaw ko ring ipamigay itong si Roldon pero wala na akong magagawa pa Ernesto." Sino si Roldon? bakit ipapamigay?

"Pasensya na Ernesto sana alagaan niyo ng maayos itong si Roldon." matapos ng sinabi niya ay bigla nalang itong umalis pero may binigay siyang mga papeles. 

Puno ng pagtataka naming tinignan si Papa at ang walang kamuwang muwang na si Roldon ay nagpatuloy lang sa paglalaro ni hindi man lang nito napansin na umalis na ang Lola niya. 

"Ka ano-ano mo ang batang yan?" si mama na mismo ang nagtanong sa kanina ko pa gustong gustong tanungin. Nakayuko lang si papa at ayaw kaming sagutin ni tingin ay ayaw ring ibigay sa amin. 

"ka ano-ano mo ang batang yan Ernesto?" mahihimigan na ang galit sa boses ni mama. At dun palang parang alam na rin namin ang sagot sa tanong namin.

"A-anak ko" nakabuga nalang ako ng malalim na hininga ng marinig ko yun. 



----------

Keep safe guys. 

Blinded by Love (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat