Chapter 22

51 9 12
                                    

may mga bagay talagang mahirap intindihin.

tulad nalang ng kung paano niyo naaatim na mag I love youhan sa isa't isa eh wala naman kayong label buti nalang kami meron pero hindi ko parin maintindihan kung paano naging kami eh.

months have passed since that night happened. hindi ko parin malimutan ang gabing iyon sariwang sariwa siya para sa akin na para bang kahapon ko lang ginawa yun.

pano ba naman kasi? eh kung ikaw kaya gabi gabi paalalahanan na ikaw nagtanong makalimutan mo kaya? tulad nalang ngayon.

" 'ga! it's already 11:12 you need to sleep na okay? punta nalang ako dyan sa inyo tomorrow morning" napangiti ako sa sinabi niya. yes legal kami.

that night naabutan kami ni papa at ewan ko kung bakit naging oa si papa nung gabing yun at muntik na niyang suntukin si Blue buti nalang hindi natuloy.

sinabi ko kasing ako ang nanliligaw at hindi si Blue. tangina at magpasahanggang ngayon dala dala ko parin ang kahihiyang yan.

"okay" sagot ko sa kanya. narinig kong tumawa siya.

" 'ga I love you. sige na tulog ka na manliligaw ka pa sa akin bukas." napapikit ako sa sinabi niya. tae pinaalala nanaman.

"ewan ko sayo bye na"

" 'ga naman! parinig muna ako nung tanong mo hehe"

argh! kainis talaga! inend ko na ang call. mabwesit pa gabi ko. every night niyang pinaalala sa akin ang kahihiyang yan at ewan ko ba bakit tuwang tuwa siya dyan.

nagbeep ang phone ko kaya tinignan ko ito. and it says

'hahaha sleep tight langga. Love you'

hindi ko nalang nireplyan. wala lang para mafeel niyang bwesit ako sa kanya. tsaka hindi narin naman bago yan eh. as I said every night ganyan ang eksena namin.

nagising ako ng maramdaman kong parang may mga matang nagmamasid sa akin.

pagdilat ko ng mata ay nakangiting asong mukha ni Blue ang bumungad sa akin. nakasquat siya sa floor at nakalean sa gilid ng kama ko which is kaharap sa mukha ko.

shit! baka may laway ako! oh di kaya ay muta!

I rolled my eyes to cover up the situation.

"good morning 'ga" tinalikuran ko siya and feel my face kung meron bang hindi kaaya aya. napahinga naman ako ng mukhang wala naman. buti nalang.

"anong ginagawa mo dito? lagot ka kay papa pag nakita ka niya" bumangon na ako at kinuha ang tuwalya.

bwesit! wala pa naman akong planong maligo ngayon.

"eh wala naman siya eh. tsaka sabi ni tita gisingin kita kaya umakyat ako" tsk. reasons!

nang nasa pinto na ako ng kwarto ay nilingon ko siya ulit at tinaasan ng kilay.

ano pang hinihintay niya?

"labas" utos ko sa kanya.

"eh dito nalang ako 'ga hehehe hintayin kita" napairap nalang ako at walang pag aalinlangang bumalik at piningot ang tainga niya at kinaladkad siya palabas sa kwarto ko.

"aray 'ga! langga! masakit!" reklamo niya habang pababa kami ng hagdanan.

"ma!" tawag ko kay mama at sinamaan siya ng tingin.

"ma! bakit mo hinayaang may makapasok na magnanakaw!" pinaupo ko siya sa sofa at sinamaan siya ng tingin. hinimas himas niya naman ang taingang piningot ko. buti nga.

"ang gwapo ko kayang magnanakaw" nakanguso niyang sabi. bwesit! ayaw kong madistract sa cuteness niya kaya tumalikod na ako.

"anak! sinong magnanakaw!" salubong sa akin ni mama galing sa kusina na may dala pang sandok. napailing iling nalang ako.

Blinded by Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon