Chapter 27

45 6 0
                                    

sometimes being too much in love is scary.

tignan niyo naman si papa nasobraan sa pagmamahal ayun! love everywhere! babies everywhere!

sometimes I just hate my mama for being too good. Ano pa bang inaasahan niyo? ayun! tinanggap niya with open arms ang bubwit and now I'm stuck here baby sitting this creature.

"I want ice cream" iyak niya pero tinitigan ko lang siya. kanina pa yan iyak ng iyak nanghihingi ng ice cream! argh! now I know why being the oldest sucks!

"asan ba kasi ang Hazelle na yun!" 

"ice creaaamm" napairap nalang ako. Bat ba kasi ice cream siya ng ice creamm!

"tara na!" sabi ko pagkatapos na pagkatapos ko siyang bihisan.

saktong pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang kamao ni Blue.

abat!

"Sorry! Sorry! kakatok na sana ako eh." natataranta niyang pangangatwiran. Bakas sa mukha niya ang gulat pero parang mas gusto niyang tunawa. Anong tinatawa niya?

"bat hindi mo pa binababa yang kamay mo?" naka amba parin ang kamay niya na parang kakatokan ang noo ko. Subukan lang niya.

"Sorry hehehe" binaba niya naman pero tumatawa parin siya. Natigil lang ang tawa niya ng mapansin niya ang bubwit na kinakaladkad ko ay este hawak hawak ko ngayon baka mareklamo ba ako sa bantay bata eh.

"Di-diba ito yung bata kahapon?" nagtataka niyang tanong habang hindi parin makapaniwalang tinuturo ito.

binigyan ko lang siya ng wala ako sa mood makipagusap sa kanya ngayon look. Mukhang nakuha naman niya kasi umatras na siya para makadaan kami ng bubwit.

"ano ba kasing ginagawa mo dito?" inis kong tanong sa kanya habang nag aantay ng jeep.

"Gustong magsorry ni mama sa nangyari kahapon" otomatikong napataas ang kilay ko sa narinig. Talaga lang ha?

"So she invited you for a dinner" napakunot ang noo ko. Aalma na sana ako pero naunahan niya ako.

"at our house. Nakapagpaalam na ako kay tita and mama insisted this dinner. So please?" napairap nalang ako. 

"Sorry but I can't" pumara na ako ng jeep. sasakay na sana kami pero pinigilan niya kami at pinaalis na si manong. inis ko siyang tinignan.

"Ligaya please? Mama insisted this dinner and she promise to behave! maybe this is the right time for you two to get along? Please?" Pinaharap na niya ako sa kanya kaya klarong klaro na sa akin ang mukha niya.

Mga mata niyang nakikiusap at puno ng pag-asang papayag ako pero sorry siya mukha siyang timang kaya hindi parin ako papayag.

"Gusto ko rin Blue pero hindi pa talaga ako handa sa ngayon eh. Tsaka b-baka imbitahin niya rin si Angel" napayuko ako dahil nakakahiya!

Inangat niya ang mukha ko at bumungad sa akin ang nakangising mukha niya para bang tuwang tuwa sa sinabi ko kaya hinampas ko siya.

"Anong nginingisi ngisi mo diyan?!"

"Aray! Ligaya naman eh!--"

"are you guys seriously fighting in the middle of the road?" natigil lang ang pagmamaltrato ko sa halimaw ng marinig ko ang boses ng bubwit.

ay bwesit isa pa to! May kasama pa pala kaming bata!

"So kapatid mo yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Blue matapos kong ikwento ang lahat.

Nagkibit balikat nalang ako. Kasasabi ko nga lang eh.

"and correction! half-brother"

"Kapatid mo pa rin" tinignan ko na lang ang bubwit na enjoy na enjoy sa pagkain ng ice cream.

Blinded by Love (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant