Chapter 23

45 9 2
                                    

hinihingal ako habang napapaupo sa gilid ng daan.

bwesit! hindi ko naabutan!

"Handreah! ano ba! saan ka ba pupunta?" inis na bungad sa akin ni Blue habang hinihingal din.

siguro sinundan ako nito. hindi ko siya pinansin at tumayo nalang at nilagpasan siya.

"bumalik na tayo" pagod kong sabi sa kanya.

"Handreah ano ba? hindi tayo babalik dun hanggang hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang problema"

"Blue please 'wag ngayon" napahawak sa noo kong sabi. ayokong malaman niya dahil kahit paman inis ako kay papa ayaw kong mabahidan ng kung anong dumi ang tingin ni Blue kay papa.

"Handreah pano ako matatahimik kung alam kong may problema tala--"

"okay fine! nakita ko si papa! may kasamang babae. happy?!" napairap kong sabi tsaka nauna ng maglakad.

"Handreah naman! baka kaibigan lang yun ng papa mo" unti unti ng nagtutuluan ang luha ko.

sana nga Blue. sana nga kaibigan niya lang yun kasi hindi ko alam kung matatanggap ko pa siya pag inulit niya pa ang pambababae niya.

"tara na" sabi ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. naramdaman kong binilisan niya ang paglalakad para maabutan ako. hinatak niya ako at niyakap.

sa yakap lang na yun. nagsituluan nanaman ang mga luha ko.

I felt his hand tapping my back at ewan ko. sa gesture niyang yun mas lalo lang akong naiyak.

back then I was so scared to date a guy. yes I dated guys pero wala akong sineryoso sa kanila. siguro sa takot naring matulad ni mama. kaya nga si Louise lang ang sineryoso ko eh. akala ko kasi iba yun pala katulad lang ni papa.

'Blue please don't get me fall too hard. natatakot na ako sayo'

I close my eyes tight. kumawala na ako sa yakap niya and flash my sweet genuine smile.

"Thank you Blue"

tinuloy namin ang kasayahan ayaw ko namang maging rason para maudlot ang kasiyahan namin kanina. first meeting pa naman namin sa barkada ni Blue.

nasa bar kami ngayon. living the life pero ang qaqo juice lang pinainom sa akin tang orange pa! argh!

nasa legal age narin naman kaming lahat ah? bat' ako lang hindi pwede?!

gusto kong matikman yan kahit ngayon lang please. Gusto kong malaman kung totoo bang nakakapaglimot ng sakit ang alak.

sabog na sabog na si Bebang at kung ano ano na ang sinasabi. natatawa nalang ako habang pinagmamasdan sila.

hawak hawak ni Chiro at Joseph ang magkabilang kamay ni Bebang habang si Bebang naman ay dinuduro duro si Dambo na kagatkagat ang basong wala ng lamang alak.

"ikaw baboy ka! bakit mo inubos! walanghiya ka! hindi kapanaman nag ambag!"

"mehehe Chiro cute ka pala?" baling naman ni Bebang kay Chiro. namula naman si Chiro sa sinabi ni Bebang. Napailing ako. ibang klase kung malasing hahaha.

"para kang aso" dugtong ni Bebang sabay tawa ng napakalakas. tingnan niyo na! parang tanga lang eh.

tinignan ko si Blue na tumatawa lang sa gilid ko habang pasimpleng umaakbay sa akin. iwinakli ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin bigla siyang sumimangot hahaha gusto ko siyang kurutin pero pinigilan ko.

mayabang yan eh.

tinignan ko ang apat at ngingisi ngisi na si Bebang na nakatingin sa akin.

oh-uh ayaw ko ng tinging yan.

"Ligaya hihi may secret ako" natatawa niyang sabi tsaka kinusot ang ilong. galing mukha siyang si bud oy dun hahahaha

"oh ano?" sakay ko naman sa trip niya

"hehe ali ka. lapit ka baka marinig nila eh" tsaka nagmotion siya na parang pinapalapit ako tinulak niya pa ang dalawang lalaki

"tabi! may ichichika ako kay Ligaya" nakakunot ang noo niyang sabi tsaka parang aso na tinaboy ang dalawa

napakamot naman ang dalawang tumayo kaya tumayo nalang rin ako at tumabi sa kanya.

"oh ano yun?" natatawa kong tanong sa kanya

"hihihi eyyy takot ako baka magalit ang Asul" sinasabi niya yan na parang nagpapabebe na tinatago ang takas na buhok nito.

"labas muna kami 'ga ikaw muna bahala diyan kay Bebang kukuha lang kami ng taxi" paalam sa akin ni Blue na tinanguan ko lang.

"oh ano nga yun? wala na si Blue"

"wala na ba? hehe" lakas ng amats ng babaeng to.

timingin tingin siya sa paligid tsaka umiling.

"di pwede" umiling iling niyang sabi tsaka nagmotion ang hintuturo niya ng hindi at may tinuro paglingon ko si Chiro pala

"bawal makarinig si Chirong aso. kakampi yan ng kulay eh" napairap nalang ako bakit ba kasi ako nakikipag usap sa lasing?

"Chiro bili mo nga ng tubig to ng mahimasmasan" sabi ko kay Chiro na agad namang umiling

"bawal. bilin sa akin ni Langit bantayan ko kayo" nakangiting aso niyang sabi. hala! mukha ngang aso!

"sige na! bumili ka na" napapadyak padyak naman siyang tumayo. hahaha pa ayaw ayaw pa eh halata namang kanina pa siya naiinip.

"oh wala na. ano nga yun?" baling ko sa lasing na babae.

"hmm?" nakangiti pero nakapikit na na tugon ni Bebang sa akin.

"Bebang pag ako ginago mo makikita mo" pagbabanta ko sa kanya.

napakurap kurap naman ito at umupo ng maayos pero bumalik rin sa dati. argh! wala ng pag-asa to.

Napasandal nalang ako sa couch at napabuntong hininga.

"si Angel" napabaling ako kay Bebang dahil sa sinabi niya. Angel? sinong Angel?

hala! may nakikita ba siyang hindi ko nakikita?

"Si Angel! hihi yung shota ngayon ng ex hihi mo!" napairap ako. akala ko kung sinong Angel na eh.

"oh? ano naman ngayon?" mas lumaki ang ngisi niya sa tanong ko.

"hehehe iyon? eh Ex din yun ng shota mo ngayon eh hihi" napakamot siya sa mata niya tsaka sa ilong.

"oh? baka isipin mo destiny? haha" nagngiting aso siya tsaka dinuro duro ang dibdib ko kung saan banda ang puso ko.

"pinaglalaruan lang yan ni Asul! hehe" bigla siyang humikab

"Antok na ako! maya ko na ituloy secret ko hehe"

"ituloy mo" walang gana kong sabi sa kanya. gusto ko pang marinig iyon.

sabi nila hindi nagsisinungaling ang lasing.

anong ibig sabihin ng sinabi niya?

"shhh! huwag mong sabihin sa iba hehe dahil sinabi ko na sayo yun secret mo na rin iyon! hehe" sumandal din siya sa couch kaya napasandal narin ako.

'Bebang pag ako pinagloloko mo lagot ka talaga sa akin'

" 'ga tara na" bungad sa amin ni Blue na kagagaling lang sa labas.

waw naman? bat ang tagal? siguro nagkita pa sila ng ex niya.

"oh? bat kayo lang saan na si Chiro?"

"ewan ko. hanapin mo" sagot ko sa kanya at nauna ng maglakad.

" 'ga! hoy hintay! Bebang ano bang kabulastugan pinagsasabi mo sa girlfriend ko!" rinig kong tanong niya kay Bebang pero hindi ko na narinig ang sagot ni Bebang dahil lumabas na ako.

pag tama ang hinala ko Blue hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

sana nga Blue. sana nga mali ito.

---------

waahhhh

3 hours before Christmas!

Advance merry Christmas everyone! HO! HO! HO! HO! 💛🎉🎊🎇🎆🎄

Blinded by Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon