Chapter 19

66 8 11
                                    

Christmas break at nakatunganga lang ako.

gusto kong gumala pero wala akong pera.

kaya ako eto! nagfefacebook nalang punyeta! eh puro use data to see photos lang naman nakikita ko dahil pinaputol ni mama WiFi dahil nagiging batugan daw kami ni Hazelle dahil dun.

the heck? anong kinalaman ng WiFi sa katamaran ng anak mo ma?

kung tamad kami tamad na talaga! at wala kang magagawa dun ma! pinalaki mo kaming batugan!

gusto kong umiyak pero walang luhang lumalabas. nagiging oa lang talaga ako pagganitong mga panahon.

malamig tapos nagiisa lang ako anlakas pa ng hangin at may mumunting patak ng ulan.

cuddle weather! kumbaga may typhoon.

joke lang yung Christmas break! gusto ko lang magpaka advance mag isip.

ang totoo walang pasok kasi suspended. kaya ang malandi kong kapatid ayun! gumala kasama ang babaero niyang jowa.

may typhoon na nga nakuha pang gumala. mga malalandi.

isa patong si mama! inaya ba namang lumabas si papa kaya ako eto nag iisa at luhaan.

MADAPA SANA KAYONG MGA TANGA!

dito nalang ako sa bahay safe pa.

biglang nagbeep yung phone ko.

'Ligaya!'

napakunot ang noo ko.

sino to?

Bernadeath Barumbada

hindi siya pamilyar sa akin. sino ba to? tsaka feeling close ah. makaligaya to ni ayaw ko na ngang tawagin niyan eh.

'hoy wag kang magfeeling peymos oy! si Bebang to! yung partner mo sa major'

ah! si Bebang!

'tapos ka na sa pinapagawang lay out ni sir?' napakunot nanaman ang noo ko.

lay out? meron ba?

nireplyan ko na siya at nagscroll scroll na muna.

puro tungkol sa suspension sa klase ang laman ng news feed ko nanghihingi ng extension. mga batugan nga! buti nalang ako hindi.

'hala! gaga ka! oo! meron! lagot ka kay sir!" sinisigawan ba ako neto? andami namang exclamation point?

'hehehe de joke lang Ligaya. asan ka ngayon? gusto mo gumala?' agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

gala daw! ito na siguro ang sagot sa himumut ko kanina!

'asan?' reply ko naman. hindi naman halata na gusto kong gumala. chill lang kumbaga.

'punta ka dito sa apartment ko. nagluto mga kasambahay ko eh' wait what? apartment? kasambahay? sosyalin!

biglang umihip ang malakas na hangin. argh! ang lamig! parang kayo.

nagbihis na muna ako at pagkababa ko ng pagkababa ay siya namang pagdating nila mama at papa

"oh? saan punta mo nak?" bungad sa akin ni mama

"gagala. ako naman ngayon! tapos na kayo eh" tapos binalingan ko ng tingin si papa.

parang may sasabihin ata siya pero hindi na niya nasabi kasi lumabas na ako.

oo sabihin niyo nang wala akong galang na anak pero hindi ko parin siya kayang patawarin eh.

nang makarating na ako ay agad akong nag door bell.

pinagmasdan ko ang bahay. dalawang palapag ito at halata itong luma na dahil ang disensyo nitong may halong Spanish era pa.

nagbeep ang phone ko. Si Bebang.

'pumasok ka nalang hindi naman nakalock yan eh' biglang umawang ang maliit na gate at lumikha ito ng tunog na nakakatakot. yung parang sa mga horror movies? creepy.

pumasok nalang din ako at umakyat sa hagdanan.

shet bakit nangingilabot balahibo ko?

ang tahimik kasi at wala akong ibang marinig kundi ang apak ng paa ko sa sahig.

kumatok na ako sa pinto pero wala akong marinig at walang bumubukas sa pinto kaya pinihit ko ito

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.


kumatok na ako sa pinto pero wala akong marinig at walang bumubukas sa pinto kaya pinihit ko ito.

hindi naman pala lock. teka nga. bakit ang hilig nilang hindi maglock? hindi ba sila takot sa magnanakaw?

nung nabuksan ko na ay doon na ako nakarinig ng ingay.

ayun naman pala nasa loob ang ingay.

woah!

agad nagningning ang mata ko sa nakita ko.

ang gagwapo!

agad natigil ang mga tao sa loob ng bahay sa pagpasok ko.

ang kaninang naglalampaso ay tumgil. ang kaninang may hawak ng walis tambo ay natigil at ang may hawak ng floor wax at rag ay natigil rin. pati si Bebang na may kasagutan kanina ay natikom ang bibig.

a-ahh okay?

biglang may humarang sa maganda kong view.

shet! yung mga abs! mga topless kasi sila eh.

parang may sinasabi sa kanila ang taong nasa harap ko at agad naman silang nagsisunudan at pumasok sa kwarto at pagkabalik ay pawang mga nakatshirt na.

nang lumingon sa akin ang humarang ay agad akong napa atras.

tang igit. si Blue pala to!

anong ginagawa niya dito?

pinasok niya ako sa kusina ata to.

maynagluluto at may naghuhugas natigilan din ang mga ito at isang tingin lang ni Blue ay lumabas Karin ito.

binigyan niya ako ng isang basong tubig. tinanggap ko naman ito. nauhaw ako don eh.

"bat' ka pa kasi pumunta dito? alam mo namang may bagyo eh." sabi niya at umupo sa harap ko. nqgkibit balikat ako.

"wala akong magawa sa bahay eh. tsaka wala namang ulan hangin lang" nakabalik na ang dalawang lalaki at nakabihis na ito.

hindi naman talaga ako fan ng mga abs pero naamaze ako paglive ko na itong nakikita hahaha kaya nakakahinayang din ang magandang tanawin.

naaamoy ko na ang bango ng niluluto ni kuyang chef. nadidistract ako sa amoy kaya hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Blue.

"nakikinig ka ba?" inis niyang tanong sa akin.

"h-ha? ano yun?" natatawa kasi ako sa ekspresyon nung nagluluto para siyang nandidiri na ewan pero hindi ko naman alam kung saan siya nandidiri. natatawa lang talaga ako sa mukha niya.

"makinig ka nga!" sabi niya tapos inipit niya ang mukha ko sa dalawa niyang palad at pinaharap ako sa kanya.

"mahal kita at handa akong maghintay sayo pero hindi ko alam kung hanggang kailan! kaya kailangan ko na ang sagot mo." seryoso niyang sabi sa akin kaya napatunganga ako sa sinabi niya.

teka.. ano nga ulit yun?

------
💛💛🖤🖤

photo credited to the rightful owner :)


Blinded by Love (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin