Chapter 33

42 9 1
                                    


"Bakit mo pa kasi tinawagan yan? Lagot talaga ako neto kay Ligaya eh!"

"Eh kasiiii"

"Dun ka nga! sabihan mo si Cielo dalian ang pagluluto dahil baka magising na 'to!"

Gising na ako pero ayaw ko pang idilat ang mata ko. Gusto kong matulog ulit pero hindi na ako makatulog. Randam ko rin na kanina pa may nakahawak sa kanan kong kamay at parang minamasahe ito.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at tama nga ako, si Blue ang may hawak ng mga kamay ko.

"L-Ligaya" saad niya at agad binitawan ang kamay ko na hawak niya, para siyang napaso sa hawak na yun. Napakunot ang noo ko.

"A-ah ano sige, alis na ako" aalis na sana siya pero hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko kung bakit ko siya pinigilan. Agad naman nagsilabasan ang mga tao sa silid. Napag-alaman ko din na kwarto pala 'to ni Bebang. Ang laki kasi ng mukha niya na nakapaskil sa dingding.

"A-ano kasi napadaan lang ako dito tapos sabi nila nandito ka daw kaya tinignan muna k-"

"Anong oras na?" dali dali niyang chineck ang phone niya

"6:24 am" napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Alas sais palang ng umaga, ganito kaaga siya dumaan?

Akmang tutulungan niya ako sa pag-upo ng winagayway ko ang kamay ko para ipahiwatig na huwag na kaya napatigil siya. Tumikhim muna ako bago nagsalita, nanatili siyang nakatayo sa harap ko.

"I-I just want to say sorry for what I've said last night? I know its insensitive to say those, hindi ko man lang inintindi ang naramdaman mo para sa nanay mo. It's just that... nadala ako sa emotions ko and I'm sorry for that."

"Naintindihan ko naman kung saan ka nanggagaling Ligaya eh, kaya okay lang. A-alam ko naman na may kasalanan din si mama, and for what I've done to you, I'm sorry, I know its an act of immaturity pero hindi ko yun pinagsisihan kasi kung hindi ko ginawa yun hindi kita makikilala, hindi ko makikilala ang great love ko."

"Even though we didn't end up together, I'm still happy that I met you." nakangiti niyang sabi sa akin kaya ngumiti din ako.

"Friends?" saad ko at natatawang inilahad ang kamay ko.

"Pwede bang more than friends?" natatawa akong umiling sa kanya. Kahit kailan hindi talaga magiging blue si Blue.

Masaya kaming kumain lahat kasama ang mga borders ni Bebang na halos lahat - ay hindi lalaki kasi talaga lahat eh. Nagtatawanan at nagkukulitan sila ang saya nilang tignan. Napangiti nalang ako at napatanong kung kailan kaya magiging ganito ang hapag kainan namin.

Hindi muna ako umuwi sa amin, gusto kong magpalamig muna. Nanghiram nalang ako ng damit ni Bebang dahil tinext kami ni Dean na paghindi kami umattend sa meeting ngayon ay hindi kami ikiclear.

Sabay kaming pumunta ni Blue doon, hindi bilang magkarelasyon, hindi bilang magkagalit kundi bilang magkaibigan. Kahit papaano ay medyo nakuhanan ang bigat na nararamdaman ko.

"Okay! oh edi umattend din kayo! Bravo! Bravo!" pumalakpak pa ito.

"Kailangan pa talaga kayong takutin eh! and for sure sa loob ng limang araw naiscan niyo na ang binigay ni Prof. Mondigo na papers, am I right?" sabi niya na nanlalaki pa ang mata. Shit. Hindi ko pa pala yun nababasa basta ang alam ko Leila ang character nun eh.

Nagsimula ng magbigay ng instructions si Dean at sunod lang ako ng sunod. Kitang kita ang laki ng ngisi niya ng tumaas ang kamay ni Blue as Denver. Bakit may duda akong may kinalaman siya dito at si Prof. Mondigo?.

The story revolves in a royalty school. It looks like a highschool love story that gives you a way to think and reminisce the good old days. Typical love story with a twist because they are royalties. Whatever, basta sinusunod ko lang kung akong pinapagawa sa amin ni Dean. Medyo awkward pa nga kami ni Blue eh pero hayaan mo na. Magiging okay din 'to.

"Ano ba! Emotions! dapat sa mata palang kitang kita na ang lungkot! Saya! Kilig!" himutok ni Dean at mas pinaglapit pa kami. Napaismid nalang ako at hindi mapigilang sisihin ang kaharap ko kung bakit nandito ako ngayon.

Nung natapos na ay balak sana akong ihatid ni Blue papauwi pero tumanggi ako dahil sa pagkakaalam ko walang magkaibigan na naghahatidan.

Papasok palang ako ay rinig na rinig ko na ang katahimikan sa loob ng bahay. Napabuntong hininga nalang ako at dahan dahang binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang mga nagkalat na damit at basag na picture frames namin. Kinabahan na ako dahil baka anong nangyari.

Dali dali akong umakyat sa taas at una kong tinignan ay ang kwarto ng bubwit at ni Hazelle pero pareho itong wala. Sunod kong pinuntahan ay ang kwarto ni Mama. Nakahiga ito at nakatalikod sa akin.

"Ma..." pagtawag ko dito na agad namang lumingon. Sumalubong sa akin ang punong puno ng luha na mukha ni mama.

"Anak" saad niya at umupo. Itinaas niya ang dalawa niyang braso na para bang nanghihinge ng yakap. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako papalapit sa kanya.

"I'm sorry maaa" humahagulhul kong iyak sa mga yakap niya. Naramdaman kong umiling ito.

"No anak, I'm sorry." pareho na kaming humahagulhul at nagiiyakan na lang kami. Walang salitang lumabas tas maya maya pa ay biglang tumawa si mama kaya napatawa nalang din ako. Ano ba 'tong ginagwa namin! para kaming tanga neto eh.

"Wala na ang papa mo 'nak" napaangat ang tingin ko dahil sa sinabi niya.

"Pinalayas ko na. Matagal ko na dapat yung ginawa pero natatakot ako at gusto ko kayong bigyan ng buong pamilya kaya kahit masakit na at nakakagago na ang mga pinanggagawa niya tinitiis ko nalang at nagbubulagan." ngumiti siya at inayos ang nagulo ko ng mukha.

"Alam ko naman talagang hindi parin siya tumitigil sa pambabae niya eh, masaya nalang ako pag umuuwi siya at nagkakaroon ng kahit konting pag-asa na baka maayos pa ang gulo ng pamilyang 'to" mula sa pagngiti ay biglang lumungkot ang mukha niya.

"Pero 'nak hindi ko na talaga kinaya ngayon eh. Sorry" umiiling iling ako habang nakikinig sa sinasabi ni mama. Tama lang ang ginawa mo ma. Hindi mo kailangang magsorry.

"Mamu" nasa kalagitnaan kami ng pagmomoment ni mama ng biglang may sumiksik sa pagyayakapan namin. Si Donny lang pala. Mamu rin ang tawag niya kay mama ewan ko kung bakit.

"Ate" nilingon ko si Hazelle na nasa pintuan palang at mukhang nagulat na nandito ako. Aba't! gusto ata nitong hindi na ako umuwi ah.

"Halika nga dito" sabi ni mama at mas nilakihan pa ang bukana ng kanyang braso.

Okay na ako dito ma. Tayong tatlo kasama ang bubwit.

------------

💛

Blinded by Love (Completed)Where stories live. Discover now