TDs2 - Chapter 4

402 10 0
                                    

-------------------------------

Gray Richard's PoV

Nagulat kaming lahat ng biglang may sumabog sa loob ng minahan. Even though hindi siya masyadong malakas, delikado pa rin yung mga minero.

"Illegal minning pa more" sabi ni Lexy kaya medyo natawa kami pwera lang kay Yanyan na sinamaan siya ng tingin. Nagpeace sign agad si Lexy

"Tulungan natin sila" sabi ni Yanyan sabay lakad palapit don

"Mag ingat kayo" saad ko. Habang naglalakad kami palapit doon. Pagkalapit namin sa entrance nung minahan ay medyo gumuho na at may mga nalaglag na semento sa lupa kaya pahirapan rin ang pagpasok namin. Kinaylangan pa namin alisin yung mga batong nahulog para makadaan kami.

Ilang sandali lang ay madilim na ang nadadaanan namin dahil hindi na makapask ang sikat ng araw dito kaya kailangan na naming mag flashlight.

"Dahan dahan kayo baka madulas kayo" paalala ko dahil medyo pa slide na yung dinadaanan namin.

"Palalim na tayo sa lupa shems, delikado tayo" sabi ni Kurt sabay kapit sa kamay ni Kiel

"Lumayo ka nga saken Kurt! Hahawaan mopa ko sa kabaklaan mo!" Inis na sabi ni Kiel habang inaalis ang kapit ni Kurt sakanya

"Sinong bakla?!"

"Shh wag nga kayong maingay" pagbawal ni Arah. Habang patuloy kami sa paglalakad ay bigla kaming nakarinig ng pag sabog nanaman malapit dito kasabay ng paggalaw ng lupa.

"Shit!! Kumapit kayo!"

"Ipatong niyo kamay niyo sa ulo niyo"

"Shett ayoko pang mamatay"

Habang umuuga ang lupa ay biglang nangangalaglag ang mga bato sa itaas.

"Arghh!" Rinig kong daing ni Lance na mukhang tinamaan sa ulo ng isang batong nalaglag

"Lance!" May pag aalalang bigkas ni Lexy sabay lapit sakanya, ilang sandali lang ay tumigil na ang paggalaw ng lupa. Tinignan ko si Lance na may dugo ngayon sa ulo.

Linagyan siya ng panyo sa ulo ni Lexy.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Arah, tumango naman siya.

Naglakad na ulit kami at nadaanan pa namin kung saan may sumabog kanina. Inilibot ko ang cellphone ko na naka on ang flashlight sa paligid. Nakakapagtaka lang na wala pa kaming nakaka salubong na minero dito at pinagtataka kopa ay kung sinong ang nagpapasabog dito. Hindi kaya isa sa mga minero? Pero paano yun? Kung magkakasama sila at magpapasabog siya maaari siyang madamay sa pagsabog.

Zach's PoV

May naisip na kong paraan para mapasabog ang mga bomba. Kasi kung isa sa mga minerong pumasok dito ang may gawa non maaari siyang madamay sa pagsabog. Maliban nalang kung may ginamit siyang device na maaaring kumunekta sa bomba.

May ginawa nakong device na pwedeng gawin yun. Kailangan mo lang ay cellphone na naka konekta sa bomba, sa oras na mag send ka ng message ay sasabog yung bomba. Pero pwede ring button lang ang ginamit niya na naka connect sa bomba at once na pinindot niya yon ay sasabog ang bomba.

Kung ginamit nung bomber ay button maaaring medyo malapit lang siya samin dahil hindi pwedeng masyadong malayo pero kung via cellphone pwede, pero syempre hindi ba niya titignan kung gumana ang ginawa niya? Maaaring nasalabas siya ng minahan na'to at tinitignan ang nangyayare. Maaaring alam na niya rin na may ibang tao dito maliban sa mga minero.

The question is bakit niya gagawin to? Bakit niya papasabugin ang minahan na'to?

Pansin ko lang na parang nahahawa nako sa pagiging detective HAHAHA dati inventor lang ako, ngayon detective narin. I'm so proud of my self HEHEHE wengya.

The Detectives S2Where stories live. Discover now