TDs2 - Chapter 16

276 7 0
                                    

Kiel's PoV

Nagising na si Mich, habang si Keith naman ay tapos ng maoperahan pero hindi pa rin ito nagigising at nasa katabing kwarto lang. Natatawa nalang ako kina Mich at Lance. Para silang aso't pusa at halatang napipikon na si Lance. Ngayon ko lang rin nakita si Lance na ganito.

"Tang ina! Are you a cat??! Ang sakit ng kalmot mo ah!!" Mura nanaman ni Lance, kanina pa siya mura ng mura.

"What the hell!! Hindi ako pusa!! Alisin mona kasi to!! Kailangan kong tignan ang pinsan ko!! Mahigpit kapa kay daddy ah. Tatay kita? Tatay kita??! Kingina ka!!" Sigaw naman ni Mich. Imbis na mainis ako sa ingay nila ay natatawa nalang ako, WAHAHA.

"You know what??!! You're so damn noisy!! Can you just shup up that damn mouth of yours?!! Sinabi ko ng kailangan mo daw magpahinga pa sabi ng doctor!!" Sh*t galit na talaga si Lance HAHAHA

"Eh tang ina mo!! Kailangan kong makita si Keith!!! Nanggigigil na talaga sayo tang ina mo!! Kapag naalis ko to papatayin kita!!" HAHAHA pareho na silang galit dalawa habang ako ay nakatingin lang sakanila. Paano ba kasi pag gising ni Mich ay agad niyang hinanap ang pinsan niya. Sinabi ni Lance na kailangan niya munang magpahinga pero hindi nakinig si Mich at pinilit maglakad. Nang nasa pinto na siya ay inis na tumayo si Lance at binuhat siya na parang bigas pero hindi niya hinayaang matamaan niya yung sugat ni Mich. Nagsisigaw pa si Mich at pinagkakalmot siya pero hiniga siya agad ni Lance sa kama niya at tumawag ng nurse. Pinatali niya si Mich, kamukha ng mga nasa mental para hindi makagalaw si Mich kaya ayun HAHAHAHA. Taena LT silang dalawa.

-----------------After one week

Charles Raven's PoV

Nasa itaas kami ng rooftop ngayon ni Gray para kausapin siya. Wala pa siyang alam sa sinabi sakin ni Yanyan at ngayon ko lang naisipan na sabihin sakanya.

"Anong pag uusapan natin?" Panimula niyang tanong.

"Tungkol kay Sadi...sainyo ni Sadi"

"Samin? Anong tungkol samin?"

"Nagsisimula na siyang maka alala." Sabi ko. Hindi ko alam kung magandang balita ba yon o hindi. Dahil siguradong magagalit si Sadi kapag nalaman niyang may alam kami sa past niya pero hindi namin sinabi sakanya.

"Maka alala? Paano?? Naguguluhan ako"

"Tumawag si Yanyan sakin. May napana-ginipan daw si Sadi na lalaki. Though malabo ang mukha na naaaninag niya, maaari pa rin niyang maalala yon at makilala ang taong yon. Richi. Yun yung sinabi niyang pangalan."

"Sh*t makaka alala na siya. Maaalala na niya ko!!" Masayang sabi niya pero tinignan ko lang siya.

"Hindi mo ba iisipin si Zach? Yung mararamdaman ni Zach. Malay mo mahal ka pa pala ni Sadi kapag naka alala na siya. Paano si Zach? Iiwan niya si Zach? Gray, masasaktan yung tao na walang ginawa kundi mahalin si Sadi. Hindi naman sa ayaw ko kayo para sa isa't isa pero iba na ang sitwasyon ngayon." Paliwanag ko kaya naalis ang ngiti sa labi niya.

"Palagi kong iniisip kalagayan ng ibang tao. Yung kasiyahan nila. Raven pano naman ako? Oo sabihin na nating pinaubaya kona siya kay Zach, pero kasi, hindi naman basta basta mawawala yung pagmamahal ko kay Arah. Selfish ba'ko kung hihilingin kong bumalik si Arah sakin? Selfish ba'ko kung babawiin kona si Arah sakanya? Selfish ba'ko kung sasabihin ko kay Arah na ako si Richi? Kasi kung oo, mas gugustuhin ko ng maging selfish." 

"Malay mo wala na? Malay mo hindi kana niya mahal kapag naaalala kana niya? Malay mo si Zach na ang gusto niya at hindi na ikaw. Hindi natin alam Gray. Kung noong di pa siya na aaksidente mahal ka pa niya, paano na ngayong unti unti nga siyang nakaka alala, yung pagmamahal naman niya sayo nakalimutan na niya." Saad ko bago umalis don.

The Detectives S2Where stories live. Discover now