TDs2 - Chapter 30

279 9 2
                                    

Sarah's PoV

Magkasama kami ngayon ni Richi sa park, sabado ngayon at inaya nyakong lumabas. Para daw makapag solo kami kahit papano. Naka upo kami sa may bench habang kumakain ng ice cream, at kanina kopa nararamdaman na parang may mali dito.

"Ayos naba kayo ni Tito?" tanong nya

"Hindi, hindi parin kasi sya tumatawag para makipag ayos sakin, antagal na nung pumunta tayo sa bahay. Pero wala parin syang tawag hanggang ngayon. Usually kasi kapag may nagawa sya sakin, tapos hindi ko napatawad. Mag papalipas sya ng ilang araw bago ako tawagan ulit." sabi ko

"Siguro busy lang siya, alam mo naman yung Dad mo, puro trabaho" sabi ni Richi

"Yah, puro trabaho na pati sariling anak nakalimutan na" sabi ko at bumuntong hininga.

"Galit kapa rin ba sakanya?"

"Siguro? Ayoko kasing may tinatago sakin, at alam ni Dad yon. Pero ginawa nya parin."

"Mag kakaayos din kayo" sabi ni Richi at niyakap ako

"Salamat Richi" sabi ko

Dad's Calling~~

"Sagutin mo" sabi ni Richi kaya sinagot ko

"Anak"

"Bat napatawag ka Dad?"

"Gusto ko lang humingi ng tawad anak, patawarin moko, sorry kung nag tago ako sayo anak. Gusto lang kitang protektahan"

"Saan Dad? Diba alam mong pinaka ayoko yung may tinatago sakin? Pero bakit mo ginawa?"

"Pinoprotektahn lang kita sa alam kong paraan na makakabuti sayo, ayoko lang na mapahamak ka ulit."

"Dad, malaki nako. Di nako bata katulad ng dati. Kaya ko ng sarili ko at hindi naman ako iiwan ng mga kaibigan ko"

"Pasensya na Anak, patawarin moko. Anong gusto mong gawin ko para makabawi sayo?"

"Wala Dad, just don't lie to me again"

"I promise Anak, hindi nako mag sisinungaling sayo"

"May tinatago kapa ba Dad? Sabihin mona lahat. Para isahang sakit nalang non"

"W-wala na Anak, patawarin moko Anak"

"Pinapatawad na kita Dad, wag ka lang mag expect agad na babalik agad yung dating pakikitungo ko sayo." sabi ko at pinatay yung tawag

"Grabe ka naman sa Daddy mo"

"Masakit parin kasi Richi e, namuhay ako ng ilang taon na puro kasinungalingan lang alam ko."

"Alam kong maaayos din lahat, alam kong mag kaka ayos din kayo ng Dad mo. Hayaan mo munang mawala yung sakit, hayaang mong unti unting mawala lahat ng sakit, nandito lang ako lagi Arah. Hinding hindi na kita iiwan ulit" sabi ni Richi

"Salamat Richi, the best ka talaga. Sorry kung nakalimutan kita" sabi ko at niyakap sya

"Dimo kasalanang nakalimutan moko Arah, aksidente lang yung nangyari. Kahit nakalimutan ako ng isip mo, atleast naalala parin ako ng puso mo" sabi ni Richi at hinalikan ako sa noo.

"Richi may nararamdaman akong nakatingin satin" sabi ko at tumingin tingin sa paligid, tama ako may nakatingin nga samin. Dalawang lalaki na nakaupo sa bench na medyo malayo samin. Yung isa may hawak na dyaryo yung isa kumakain ng ice cream

The Detectives S2Where stories live. Discover now