TDs2 - Chapter 14

266 7 3
                                    

----------------------------------------
Charle's Raven PoV

Nasa park ako ngayon, nag iisa, nagpapahangin.
Kakatapos lang makipag Vc samin nila Lexy, nasasaktan parin ako sa tuwing nakikita ko sya, at alam kong pareho kami.

I think, eto na yung araw para mag move on ako kay Lexy. Masaya ako na napapasaya sya ni Waine, this past few days nababalitaan ko kila Sadi na madalas magkasama si Waine at Lexy. Of course sila lang yung magkakilala don tsaka magka-klase sila.

Siguro tinutulungan lang ni Waine si Lexy para makapag move on sakin, magiging masaya naman ako kung magkakatuluyan silang dalawa. Waine love's Lexy so much, siguro hindi talaga kami para sa isa't isa ni Lexy. Kaya pati tadhana pinaglalayo na kami.

I will treasure all the memories we build, naging masaya ako kay Lexy, sobra. Makakahanap din siguro ako ng babaeng mamahalin ko ng sobra, higit sa pag mamahal na binigay ko kay Lexy. But Lexy is my first love, first kiss, first girlfriend and also my first break up.

Lexy deserve a love, care, and trust. I can give all of them to Lexy, but i can't. Lalo na't alam kong wala ng pag asang mag balikan pa kami ni Lexy, im such a bastard. Diko na kinakaya lalo na pag nag vvc kami, nakikita ko sa mata ni Lexy kung gano sya kasayang kasama si Waine. Thank's to Waine, for making my girl happy. And the way she talk's to me? Parang kaibigan nalang. Di kona nakikita yung dati nyang saya pag magkausap kami. Everything change.

-------FLASHBACKK-----

"Kamusta kayo dyan Lexy?" tanong ni Sadi habang naka harap sa laptop nya.

Katabi nya sila Yan yan at Zach, habang nasa likod nya naman sila Gray.

Habang ako, eto. Nakikinig lang sa pinag uusapan nila, bisibisihan kunwari. Nandito kasi kami sa dorm namin ni Zach, nasa may lamesa sila dito sa sala, ako naman nakaupo sa sofa dito.

"Ayos lang naman kami haha, alam nyo ba tong si Waine nakakatawa haha" rinig kong sabi ni Lexy, m-my g-gir-rl.

Boses palang nya, alam kong masaya na sya.

"Bakit? Ano bang ginawa ni Waine?" tanong ni Haarsha

"Pano ba naman kasi haha, nagulat ako nung tumatakbo sya palapit sakin, ayon tinanong ko kung bakit, tapos sabi nya "L-lexy ma-y i-ipis" " tawang sabi ni Lexy matapos gayahin yung pag ka sabi ni Waine saknya

"Damn Waine, takot ka sa ipis?" naiiling na tanong ni Yan yan

"No!! N-nagulat lang ako n-non" rinig kong sabi ni Waine

"Putcha hahah bat ganyan mukha mo Pre?" tawang sabi ni Gray

"Aalis nako, inaasar nyo lang ako" dinig kong sabi ni waine

"Hoy Wainy the pooh!! San ka pupunta?" dinig kong tanong ni Lexy

"Dyan lang, magpapalamig"

"Bumalik ka nga dito haha, di na kita aasarin" tawa paring sabi ni Lexy

"Nako iba na yan ha" dinig kong sabi ni Kiel

Nakita ko namang sumulyap sakin si Sadi kya ngumiti ako sakanya " Halika dito Rave, kamustahin mo naman si Lexy" pagtawag sakin ni Sadi

Tumingin ako sa laptop at nakita kong natigilan si Lexy, pero agad ding nakabawi at humarap kay Waine na tumatawa

Nag alangan pako sa una, pero sa huli tumayo na din ako at lumapit sa kanila

"U-uhh Hi Lexy, kamusta?" tanong ko

The Detectives S2Where stories live. Discover now