TDs2 - Chapter 15

315 8 1
                                    

---------------------------------------

Keith's PoV (Keith Zamora)

"Couz ba't ba andami mong dala?" Inis na tanong nanaman ni Mich, pinsan ko siya dahil ang mama ko at ang papa niya ay magkapatid. Pareho rin kami ng course na Med Tech at ngayon palang ako lumilipat sa Springfield University. Linggo naman ngayon kaya makakapag ayos ako ng gamit.

"Shut up. Kanina kapa nagrereklamo eh ang gaan lang naman ng dala mo."

"Yah yah yah whatever. Faster malapit na tayo." Sabi niya kahit siya yung mabagal dito, tss. Sa dorm nila ako ng kaibigan niya dahil dalawa nalang sila, may nangyari daw sa isa nilang kasama. Hindi kona tinanong since wala naman akong paki alam na.

Tumigil kami sa isang pinto at binuksan niya yon.

"Wala ang kaibigan ko ngayon baka nasa dorm siya ng boyfriend niya." Hindi nako nagsalita at pumasok nalang. Alam ko namang bawal magsama ang lalaki at babae sa isang dorm, at lumalabag sila sa rules.

Pumasok kami sa isang kwarto at linagay don ang mga gamit ko.

"Mamaya na natin ayusin yan, ililibot muna kita sa school." Sabi niya

"Himala, ang bait mo ata ngayon?" Natatawang tanong ko

"Tss, magbabagong buhay nako couz bakit may problema ka?" Inis na tanong niya

"Wala naman" sagot ko nalang bago kami lumabas ulit ng dorm at nilibot ang University.

------------

"Wait nga, pagod nako. Upo muna tayo don sa bench" sabi niya kaya tumango ako. Nakaharap kami sa isang soccer field.

"Couz bili ka inumin" utos ko sakanya kaya tinignan niya ko na parang gulat

"Tinawag mo pa kong couz kung uutasan mo rin ako noh, ang galing mo ah."

"I'm tired and besides ikaw ang mas may alam sa University baka maligaw ako" sabi ko

"Pasalamat ka nagbabago nako, wag kang aalis diyan. Hintayin moko bibili lang ako"

"Sige, thank you couz" sabi ko at ngumiting wagi. HAHAHA matagal ko narin siyang hindi nakakasama. Nakaka miss ring makipag bangayan sakanya well hindi naman siya manalo nalo sakin. Siya yung pinaka close kong pinsan at parang kapatid na rin ang turing ko sakanya.

Habang naghihintay ay napatingin ako sa tatlong naghahabulan sa field. Medyo malapit lang sila sa bench na inuupan ko kaya naririnig ko ang sigaw ng lalaking hinahabol yung dalawa pang lalaki.

"You fvckers kapag nahuli ko kayo lagot kayo sakin!" Galit na sabi nung humahabol

"Lagot tayo Kiel, kasalanan mo 'to!" Rinig kong sabi nung isa. His voice is familiar.

Bigla silang lumiko papunta sakin habang tumatakbo at pumunta sila sa likod ng inuupan kong bench.

"Miss wag kang aalis dyan please, papatayin niya kami" hinihingal na sabi nung familiar na boses kaya tinignan ko siya.

Napatigil ako ng makit yung mukha niya at pati sila nagulat

"K-keith??!" Gulat nilang sigaw

"Ba't ka nandito??" Tanong ni Kurt, hindi ko kilala yung isa niyang kasama

"Dito ako mag aaral" simple kong sagot

"Anong course m---" hindi natuloy ni Kurt yung sasabihin niya ng may narinig kaming boses kaya humarap kami.

The Detectives S2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon