EPILOGUE

468 7 0
                                    

After 5 more years---

Third Person PoV

Lahat sila ay nakapag tapos na. Kakatapos lang rin ng graduation nina Alexy at Waine na ganap na mga doctor na. Pati sina Mich at Keith na doctor rin ang kurso. Umuwi ng Pilipinas si Alexy at Waine dahil magtatrabaho sila sa hospital mismo ng parents ni Alexy. Silang lahat na magkakaibigan ay nanatiling magkakasama, kahit sa araw ng mga kasal nila. Sino ba naman ang makakapag isip ng triple wedding nina Rhian, Sarah at Alexy. Kahit maaga silang na engage ay pinili nilang hintayin na matapos ng pag aaral sina Alexy para matupad ang pangarap nilang triple wedding. Kahit pre-nuptial nila ay pare pareho sila ng theme.

Sila rin ang tulong tulong na nagplano sa kasal nila. Mula sa mga isusuot ng groom at bride hanggang sa isusuot ng mga magiging parte ng mahalagang araw nayon ay pinaghandaan nila.

Sa isang malaking simbahan idadaos ang araw nayon. Sina Mich at Lance ay ikakasal next year dahil katatapos lang rin ni Mich sa pag aaral habang si Lance ay ganap na piloto na. Kasabay naman nila sina Kurt at Keith na ikakasal. Bale double wedding ang kanila. Sina Joseph at Erica ay pareho ng ikinasal last 2 years. May anak na nga si Erica na isa, habang si Joseph ay isa rin pero buntis ang asawa niya ngayon. Malakas. Sina Charles Raven naman ay engage na kay Tania at hindi pa sila kinakasal pero 2 months ng buntis si Tania. Si Zach naman ay kasal na rin kay Andree last 2 months pa at buntis na rin siya ng 1 month.

Silang lahat ay masaya at tahimik ng namumuhay dito sa Pilipinas. Nagkakasama rin sila kapag may mga okasyon. Nagkakatuwaan at masaya sa bawat isa.

Rhian PoV

Habang inaayusan kaming tatlo ay halo halo ang kaba sa dibdib ko. Masaya ako para saming tatlo. Hanggang sa kasal namin ay sama sama kami.

Naka harap kami sa mga salamin habang naka upo at naka roba.

"Hindi ko inaasahan na dadating ang panahon na'to." Naka ngiting saad ni Arah habang naka tingin samin mula sa salamin.

Tumango ako, "Akala ko pagkatapos ng lahat ng paghihirap natin at pagkawala ni Jherose ay magkakanya kanya na tayo."

"Sino bang mga aakala na tatagal ang pagkakaibigan natin. Mabuti nalang at hindi ako nagsasawa sa mga mukha niyo." Tumawa si Lexy at kita ang kislap sa mata niya. Hindi pa namin nakikita ang mga magiging asawa namin mula kahapon.

"Ano kayang ginagawa ng mga hinayupak na mga groom naten?" Kunot noong tanong ni Arah.

"Nambababae?" Pabirong saad ni Brixy na siyang nag aayos kay Arah. Sinamaan naman agad namin siya ng tingin. "Biro lang mga teh, ang possessive niyo naman sakanila. Mabuti nalang at kontento nako sa tomboy kong jowakels na si Jessica." Napangisi kami sa sinabi niya. Sino bang mag aakala na ang baklang si Brixy ay magkakaroon ng jowang babae na galaw ay lalake? May araw pa nga noon na nanghihingi siya ng payo sa mga magiging asawa namin kung paano maging lalaki at paano manligaw.

"Wahaha, natandaan ko tuloy yung pagsapak niya sayo. Wahahaha" tumatawang sabi ni Arah kaya napabusangot si Brixy.

Nagkatuwaan lang kami hanggang sa matapos nila kaming ayusan at isuot ang mga wedding gown namin na iba iba ang desenyo.

Alexy's PoV

Habang dahan dahan kaming tatlo na naglalakad sa altar at kasama ang mga parents namin ay parang bumabalik sa ala ala ko ang mga pangyayari noon bago namin matamo ang kaligayahan ngayon.

Noong isang taon nalang ay gagraduate na kami ni Wainy ay may malaking dagok na nangyari na naka apekto sakin ng malaki. Pumanaw si Lola. Si Lola na naging dahilan ng pagpunta ko sa Korea at pagkikita naming muli ni Wainy. Ilaw araw pa ang nakalipas ay sumunod na si Lolo sakanya at iniwan sakin ang mansyon nila sa Korea. Sakin nila ipinamana yon pero hindi ako masaya. Si Wainy ang naging sandalan ko ng mga oras na hindi ko makayanan ang sakit ng pagkawala nilang dalawa. Ni hindi ko matanggap ang pagkawala nila noon dahil na rin sa katandaan nila. Akala ko ay aabot sila sa graduation ko. Pero hindi. Ang huling hiniling nila sakin ay magtapos at maging masaya. Hindi matumbasan ng kahit anong sakit ang naramdaman ko dahil sa pagmamahal ko sakanilang dalawa.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko habang naglalakad pa rin papunta sa altar.

Naalala ko sina Kiel at Tantan. Paniguradong masaya na sila ngayon. Wala akong balak na kalimutan sila dahil sila ang bumuo ng libro ng buhay ko. Silang dalawa ang nagbigay buhay sa mundo ko maliban kina Arah. Palagi silang mananatili sa puso ko. Habang buhay ko silang itatak doon.

Sarah's PoV

After 4 years

Masaya kaming nag pipicnic dito sa baba ng malaking puno sa park kasama ang mga anak namin. Kumpleto kaming magkakaibigan kasama ang mga inaanak namin.

"Don't touch that Saria! That's dirty" sabi ko sa anak ko ng hahawakan nya na yung buhangin.

"Don't be too harsh to Saria, Hon" sabi ni Richi

"Okay, im sorry baby" sabi ko at hinalikan si Saria.

"Alwaine, play with Saria." sabi ni Lexy sa anak nila.

"You too, Harky" sabi ni Yan yan, kasama ding nag lalaro nila Saria yung mga anak nila Mich, Keith, Zach, Raven at iba pa

"Ang bilis ng panahon no? Dati sabay sabay lang tayo pumapasok. Ngayon sabay sabay na tayong nag aalaga ng makukulit at lovely babies" sabi ni Haarsha

"Oo nga, ang sarap lang sa pakiramdam na lahat ng problemang dumating satin. Nalagpasan natin ng sama sama" sabi ni Waine

"Kung sigurong buhay pa sila, Jacob, Kiel, at Eithan may mga anak na din sila kagaya natin at masayang namumuhay" sabi ko

Nakapag patayo na din kami ng sari sarili naming bahay, tabi tabi at tapat tapat ang mga bahay namin sa isang subdivision. Minsan sama sama kaming kumakain sa isang bahay. At sama sama ding lumalabas ng bahay. Yung mga asawa namin, kundi nag aalaga ng bata, nag lalaro ng basketball at kami naman namamalengke at nagluluto sa bahay

Ngayon palang pinag lalapit na namin ang puso ng mga anak namin sa isat isa, gusto kasi naming gayahin nila kami. Gusto naming maging matatag yung pagkakaibigan nila kagaya samin.

Sa ngayon masasabi kong naging maganda lahat yung kinalabasan ng paghihirap namin non, kaya dapat hindi ka sumusuko agad. Kailangan mong palakasin loob mo sa kahit ano mang pagsubok lalo na't alam mong may kasama kang lalaban.

"Mommy!!" umiiyak na tawag ni Maicy kay Mich

"Why baby? What happen?" tanong ni Mich

"Kacey push me" sabi ni Mhica "Stop crying Maicy, be brave" sabi ni Mich

"Kacey you push Maicy? Is that true?" tanong ni Zachy sa anak nya

"Yes Dad"

"Say sorry to Maicy, now" utos ni Andree

"Im sorry Maicy"

"It's okay Kacey, just don't do it again" sabi ni Maicy

"Parang tayo lang noon" sabi ko at ngumiti.

Namimiss kona yung mga panahon na nagkukulitan kaming mag kakaibigan.

"I miss the old days" sabi ni Richi

"Time so fast" sabi ni Lexy

"Napalaki nating mababait mga anak natin" ngiting sabi ni Andree

"I wish na maging strong din pag kakaibigan nila kagaya ng saatin" sabi ni Mich

"Sana nga"

"Go, play with them" sabi ni Keith sa anak nyang si Kathie.

"Yes Mommy" sabi ni Kathie at tumakbo papunta kila Saria na masayang nag lalaro sa play ground.

"Were so blessed" ngiting sabi ni Richi habang nakatingin kaming lahat sa mga bata

"I agree, hope someday makahanap sila ng taong mamahalin sila ng lubos pag laki nila." sabi ko

"I love you guys, forever" ngiting sabi ko

"I love you all, just stay what we are right now."

----------------------------
Thankyou for reading until the end guys!🖤
Thankyou for the support🖤

Vote and comment🖤

- CURIOSES🖤

The Detectives S2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon