TDs2 - Chapter 12

289 9 1
                                    

---------------------------------------

Alexy's PoV

Hindi pa nagsisimula ang start ng klase namin dahil mas mauuna ang kina Arah. Bumalik muna ako sa bahay or should i say mansyon ni lolo't lola dahil kukunin kopa ang ibang gamit ko. Nagpapahatid ako sa driver namin.

Nandito nako ngayon sa kwarto ko, tapos ko ng dalhin ang mga natirang gamit ko sa condo ko, nakaharap ako sa salamin at nag aayos. Balak ko munang lumabas at mamasyal mag isa.

Lumabas nako ng kwarto ko at dumiretso sa garahe namin dahil sabi ni lolo ay pumunta daw muna ako don.

Pagkabukas ko ng garahe namin ay tumambad sakin ang unang kotse ko. Nandito pa rin pala 'to, halatang hindi pinabayaan ni lolo ito dahil sa sobrang kintab at linis nito. Sh*t namiss koto.

Bumalik muna ako sa loob dahil hindi ko alam kung nasaan ang susi non. Pinuntahan ko si lolo na nasa loob ng office niya. Nadatnan ko siyang nagbabasa ng newspaper.

"Lo, where's my key?" Tanong ko

"Here" sabi niya at inabot ito. "Your lola will talk to you later" pahabol na sabi niya kaya tumango ako bago ako naglakad paalis.

Ano kayang pag uusapan namin ni lola?

Mabilis akong sumakay sa kotse ko at pinaandar agad yon. Agad na binuksan ng mga gwardya namin yung malaking gate para maka labas ako.

Pamilyar naman ako sa mga lugar dito kaya hindi ako mahihirapang maghanap ng pupuntahan.

Nagpasya akong pumunta sa isang coffee shop na palagi naming pinupuntahan dati. Lumapit sakin ang waiter kaya agad akong umorder.

Namimiss kona sina Arah. Ano na kayang ginagawa nila. Baka makahanap sila ng bagong kaibigan don na papalit sakin.

Pinilig ko ang ulo ko dahil sa pumasok sa isip ko. Why so childish Lexy, ishh.

Ilang minuto lang ay dumating na ang order ko. Nakatanaw lang ako sa mga taong lumalabas pasok sa shop na'to. May pumasok na mag kasintahan dito sa loob at umupo sa kabilang dulo. Nakasunod lang ang tingin ko sakanila.

Yung way ng trato nung lalake sa kasintahan niya. Yung sweetness nila sa isa't isa at yung mga tawa nilang hindi matutumbasan ng kahit ano. They are so inlove with each other.

Ngumiti ako ng mapait nang bumalik sa isipan ko na ganyan rin kami ni Cr date. Ganyan kami kasaya sa isa't isa date, na alam kong hindi kona maibabalik pa ulit. I want to see him badly. Gusto kong sabihin sakanya kung gaano ko siya kamahal. Kaso paano pa. Tinapos kona. Sinaktan ko siya. Iniwan ko siya. Ang swerte ko sakanya pero kabaligtaran ng sakanya, malas siya sakin. Naging kasintahan niya ko na malakas lang sa pisikal at napaka hina sa emosyonal. Sobrang hina ko. Hindi ko nagawa yung pangako ko sakanya.

Nagtagal pako ng ilang minuto don bago nagpasyang umuwi na dahil tinamad nakong mamasyal. Wala nakong gana tsaka kakausapin pako ni lola.

Pumasok nako sa loob ng bahay at dumiretso agad ako sa library ni lola dahil ito ang paborito niyang lugar sa bahay.

Umupo ako sa kaharap niyang upuan at tinignan siya.

"Do you still love that guy?" Tanong niya. Sa una ay naguluhan ako pero ng mag sink in sa utak ko ang tanong niya ay sumagot ako.

"I do love him La." Nagsisimulang tumulo ang luha ko kahit anong pilit kong huwag umiyak sa harap niya. Hindi ko inaasahang ito ang pag uusapan namin. Paano nalaman ni lola? Sinong nagsabi sakanya?

"You love him huh? If you really love him, you will not leave him. If you really love him you will fight for him" Deretsong sabi niya kaya napatitig ako sakanya.

The Detectives S2Onde histórias criam vida. Descubra agora