TDs2 - Chapter 36

255 11 0
                                    

Alexy's PoV

'Alex' rinig kong sabi ni Tantan. Nag mulat ako at nagulat ng nasa isang parang field kami ng mga bulaklak. Nabaling ang tingin ko sa suot ko, ito yung suot ko ng unang date namin noon ni Tantan at pareho rin yung lugar. Nakaputi siyang suot pero ang gwapo niya.

'Natatandaan mo ba ang lugar na 'to Alex?' Tumango ako at ngumiti. Dito ko siya sinagot noon. 'Mabuti naman at hindi mo nakalimutan. May hiling sana ako sayo bago ako umalis.'

Kumunot ang noo ko, 'Umalis? Bakit? Saan kaba pupunta Tan? Kala ko bang ayos na tayo? Bakit kapa aalis?' Hindi ko mapigilang maramdaman yung sakit ng maalala kong wala ng kami.

'Sa malayo, sa lugar na mababantayan kita palagi. Kaya makinig ka sa hiling ko,' sabi niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. 'Gusto kong hilingin na wag na wag mo kong kakalimutan. Lahat ng pinagsamahan natin noon, gusto kong palagi mong isa-isip at isa-puso kahit na wala ng tayo.'

'Syempre naman, ikaw yung pinaka unang minahal ko eh. Ikaw yung unang nagparamdaman sakin ng kilig at pagmamahal. Kaya bakit kita kakalimutan? Minahal kaya kita.' Hindi ko mapigilan ang sarili kong maiyak habang inaalala lahat ng masayang pangyayari sa buhay namin.

'Lagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal na mahal kita at pina uubaya na kita kay Waine. Sana ay maging masaya kayong dalawa.' Sabi niya at naramdaman ko nalang ang labi niya sa labi ko. Hindi ako nakagalawa sa ginawa niya hanggang sa humiwalay siya. Napahawak ako sa labi ko at natawa siya. 'Paano, aalis na 'ko. Paalam, Alex.' Sabi niya at kumaway saka tumalikod sakin.

'Teka, bakit ako? Bakit mahal mo pa rin ako kahit may iba nako? Bakit Tan?!'

'Because my heart choose you, not my eyes or brain, but my heart. Goodbye Lexy'

'Saan ka pupunta Tantan? Hintay!' Sabi ko at akmang maglalakad pero hindi ko magalaw ang paa ko na parang naparilasado. 'Tan wag mokong iwan dito! Tan di ako makalakad!' Naiiyak nako habang sumisigaw pero tuloy lang siya sa paglalakad papunta sa liwanag. 'Tan wag mo 'kong iwan! Wag kang umalis Tan! Tan!' Sigaw ko habang umiiyak hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Bigla akong nawala sa lugar na 'yon at muling mag mulat. Tumama ang paningin ko sa isang puting kisame. Napansin ko si Waine at Arah na nakatingin sakin at mukhang nagulat.

"Lexy! Sawakas na gising kana." Sabi ni Arah at ngumiti.

"Lexy may masakit ba sayo? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Wainy at pinunasan ang pisngi ko. Biglang bumalik sa isip ko lahat ng nangyari kaya lalong tumulo ang luha ko.

"N-nasan si Tantan????" Tanong ko pero hindi sila sumagot. "Arah, Wainy, nasan si Tantan?? Bakit hindi kayo sumasagot?! Nasan siya??!" Hindi ko mapigilan hindi sumigaw dahil hindi nila ako sinasagot. Tatayo na sana ako pero naramdaman kong kumirot ang binti ko.

"Nasan si Tantan?! Kailangan ko siyang makita!" Sigaw ko

"Wala na siya Lexy, I'm sorry." Malungkot na sabi ni Arah. Tinignan ko si Waine pero malungkot rin ang mukha niya.

"Hindi! Ano bang pinag sasabi mo Arah!! Kasama ko palang siya kanina!! Hinde! Wag niyong sabihin na yung pupuntahan niyang lugar ay yung---" natigil ako at umiyak ng umiyak. Kaya ba nagpaalam siya kanina sakin? Nagpaalam lang siya kanina sakin. Iniwan na 'ko ni Kiel, pati ba naman siya?!

Habang umiiyak ako biglang bumukas yung pinto. Nagulat ako ng linuwa non ang mga magulang ni Tantan. Umiiyak ang mama niya habang papalapit samin.

"Nasan ang anak ko?!" Salubong niya. Sinabi agad ni Arah kung nasan si Tantan.

The Detectives S2Where stories live. Discover now