TDs2 - Chapter 26

237 9 0
                                    

Jherose PoV

"Bakit ba magsusuot nanaman ako nitong damit na'to? Kanina pang waitress ngayon pang nurse naman"

"Shh kanina kapa nagrereklamo Sela, basta magpanggap ka lang na school nurse at hintaying pumunta dito sina Rhian at Haarsha. I'm pretty sure namimilipit na sa sakit ng tiyan ang boyfriend ni Rhian" Saad ko sabay tingin sa totoong nurse na walang malay. "Ipasok muna natin to sa cr para di makita" saad ko kaya hinila namin siya papasok sa cr. Naka bihis rin ako ng pang nurse at naka facemask.

"We look cute in this uniform, let's take a picture first" natutuwang saad ko saka kinuha ang cellphone sa bulsa ng damit at nagpicture.

"I'll send this to Daphne"

"I'm jealous to Daphne" sabi ni Sela kaya tinaasan ko siya ng kilay

"Why?"

"I want to go to Korea too so I'll be able to find my oppa"

"Soon, we're go there together. I want to spend good times with you and Daphne, but let's finish our agenda first" i said and smiled at my bestfriend.

"Okay" she said and smiled too.

Rhian's PoV

"Ar ar are you okay?" Tanong ko pagkalabas niya ng cr. Kanina pa kasi masakit ang tiyan niya at dumuduwal.

"I'm fine" sabi niya at napangiwi nanaman dahil sa sakit ng tiyan niya.

"Dalhin na kaya kita sa clinic? Baka napano kana" pagkatapos kasi naming kumain sa isang coffee shop ay nagsimula ng mangyari 'to. Hindi ko alam kung dahil yun sa kinain namin.

"Wag na, okay lang ako"

"Hindi ka okay Ar ar, wag ka ng makulet" saad ko at inalalayan siya papunta sa clinic. I'm really worried about him.

"Okay okay, wag ka ng mag alala" sabi niya at pumilit ng ngiti.

Nang makarating kami sa clinic ay naabutan namin ang dalawang nurse na naka upo pero inalalayan nila si Haarsha at dinala sa isang kama ng makita kami.

"Napano po ang pasyente?" Tanong nung isang nurse, but her voice is familiar. Hindi ko makita ang buong mukha nila dahil sa facemask na suot suot nila.

"Nag susuka po siya and masakit ang tiyan niya"

"Food poison ang dahilan kaya siya nagkakaganyan" saad nung isa at familiar rin ang boses niya, pinilit kong alalahanin kung kanino ko narinig ang mga boses na yun. Bigla nalang akong ginapangan ng kaba ng maalala ko. No! Manganganib kami! Kailangan kong tawagan sina Arah.

"Ahh p-pwede niyo po ba siyang b-bigyan ng gamot?" Kailangan kong umakto na 'di ko sila kilala. Hindi ko pwedeng iwan si Ar ar sa ganitong kalagayan, pero kailangan kong makahingi ng tulong kina Arah. Inaasahan ba nilang dadating kami dito? Hindi kaya sila ang naglagay ng lason sa pagkain ni Ar ar kaya alam kaagad nila na food poison ang dahilan.

"Sure, kukuha lang kami. Wait for us" saad niya at tumalikod na sila samin. Pinasok ko ang kamay ko sa bulsa ko at sinindihan ang cellphone ko. Memorize ko naman ang mga pwesto non. Letter A ang pangalan niya kaya nasa una lang yon. Nanginginig na ang kamay ko dahil sa kaba. Nakita kong papunta na sila dito kaya pinindot ko nalang ang tatlong letra.

To: Arah
SOS

✔Sent

Pagkasend ko ay inalis ko na ang kamay ko sa bulsa ko. Sana mahanap nila kami agad. Tinignan ko si Ar ar na nakatingin sakin at nag aalala. Nakahiga siya sa kama at namimilipit pa rin sa sakit, alam kong nakakahalata na rin siya pero wala siyang magawa.

The Detectives S2Where stories live. Discover now