TDs2 - Chapter 7

298 8 0
                                    

-------------------------------

John Waine's PoV

Nasasaktan akong nakikita si Lexy na umiiyak. Iniwan na siya nina Arah at Zach dahil sinundan nila si Charles. Sina Yanyan naman ay nag walk out din dahil siguro nasaktan siya kaya sinundan siya ni Haarsha.

Naiwan ako kasama sina Gray, Kurt, Lance, Kiel, Joseph at Erica.

Gusto kong magalit kay Charles!! Damn it! Imbis na intindihin niya si Lexy iniwan lang niya ito. Yung araw na dapat ispesyal kay Lexy. Yung araw na dapat masaya siya ngayon ay nag iba. Imbis na lumuha siya dahil sa saya, lumuluha siya ngayon dahil sa sakit. Dapat talaga pinaglaban kita Lexy. Naiinis ako!

Tinignan ko si Lexy na walang tigil parin sa pag iyak dahil mas lalong nadagdagan yung sakit na nararamdaman niya dahil kay Yanyan.

Dahan dahan akong naglakad papunta sakanya. Nang makalapit ako ay tinignan niya lang ako kaya nagkatinginan kami.

"Wag ka nang umiyak. Kung kailangan mo ng karamay, nandito lang ako. Kung nasasaktan kaman ngayon wag mong sarilihin lahat ng sakit." Sabi ko "Umuwi na tayo" sabi ko at hinawakan siya sa kamay. Umiiyak pa rin siya at walang tigil yung pag agos ng luha niya. Sh*t nasasaktan ako Lexy sa ginagawa mo

"K-kala ko m-magiging masaya y-yung unang kaarawan k-ko na k-kasama kayo. B-Bakit kabaligtaran y-yung nangyari." Hindi ako sumagot.

Nakarating na kami sa sasakyan at hinihintay na lang namin sina Gray na satingin ko kinukuha yung mga gamit sa tent.

Mga ilang minuto lang ay dumating na sila na may dala dalang gamit. Pumasok na silang lahat sa sasakyan at nagprisinta si Kurt na siya nalang mag drive. Sumunod sakanya si Kiel na uupo siguro sa tabi niya.

Nagsimula na ang biyahe namin pa uwi at wala kaming imik. Tinitignan lang namin si Lexy na tulala at malalim ang iniisip. Katabi ko siya sa upuan.

So sa Korea rin siya pupunta. Hindi ko alam na pareho lang kami ng bansang pupuntahan. Hindi niya kase binanggit yung lugar ng pupuntahan niya ng minsang nag usap kami.

"Mag pahinga ka na Lexy" saad ni Erica

"H-hindi ako pagod" sabi niya at pilit na ngumiti. Mga ilang minuto lang ay nakaramdam ako ng antok kaya sumandal ako sa upuan at pumikit.

---------------

Nagising ako ng maramdaman kong biglang malakas na huminto yung sasakyan namin. Tinignan ko yung mga kasama ko na pare parehong nagulat rin pati si Lexy na naka hilig pala yung ulo sa balikat ko ay umayos ng upo.

Kurt's PoV

Habang nag dadrive ako ay kumakain kami ng snacks ni Kiel.

"Hoy Kiel bigyan mo pako niyan" sabi ko sakanya, linalayo niya kasi yung malaking chichirya.

"Ang konti nalang ng laman eh, akin nalang 'to" sabi niya kaya inis ko siyang tinignan pero agad rin akong tumingin sa daan ng biglang may makita akong pagewang gewang maglakad na babae. Malapit na siyang matamaan sa sasakyan namin kaya malakas kong pinreno yung sasakyan namin.

"Sh*t" mura ko

"Anong ginagawa mo Kurt?!! Balak mo bang mag pakamatay??!" Inis na sabi ni Kiel pero hindi ko siya pinansin at agad na lumabas ng sasakyan. Nakitang kong sumunod si Kiel at mga kasama namin na nagising ata dahil sa bigla kong pag preno.

Nang makalabas ako ay tinignan ko agad yung babae. Sigurado akong hindi ko siya tinamaan pero naka higa siya sa daan.

"Miss" sabi ko at sinampal ng mahina yung mukha niya

The Detectives S2Where stories live. Discover now