TDs2 - Chapter 23

223 9 0
                                    


Zach's PoV

Time check. 11:30 PM. Nakagising kaming lahat ng ganitong oras dahil isusurprise namin si Charles. Naghahanda na kami ng mga pagkain para may pagsalu saluhan kami.

"Hoyy kayong dalawa, tumulong nga kayo" halos pa bulong nalang na sabi ni Erica kina Kurt at Kiel. Pano ba naman kasi naglalaro lang sila ng online game sa mga cellphone nila.

"Mamaya, tatapusin lang namin to" sabi ni Kiel kaya lalong nainis si Erica

"Ayaw niyo?" Tanong niya

"Ayaw" sabay nilang sagot, nakita kong kinuha ni Erica ang cellphone niya sa bulsa at parang may tinatawagan.

"What the fvck, ba't ka tumawag. Matatalo kame" parang batang ungot ni Kurt

"Wala na defeat na kame" naiiyak na sabi ni Kiel kaya bahagya niyang binato ang cellphone niya sa higaan namin, tsk. Napailing nalang ako sa ginawa nila.

"Isang star ko wala na" sabi nila at nag takip ng unan sa ulo

--------------

Saktong nag alas dose ang oras ng gisingin namin si Charles.

"Surprise!!"sigaw namin pagka mulagat niya kaya bigla siyang napa upo.

"Happy Birthday to you~~ Happy birthday to you~~ Happy birthday~~ Happy birthday ~~ Happy birthday to you~~ Happy birthday Charles!!" Pagkanta namin kaya napangiti nalang siya, hindi niya siguro ineexpect na susurpresahin namin siya.

"Thank you guyss!! Nag abala pa kayo" sabi niya. Inilapit namin yung cake at sinindihan ang mga kandila.

"Wish ka muna" sabi namin

"Hmm wish ko, sana tumagal pa ang pagkakaibigan nating lahat at sana wala ng dumating na problema." Pagkasabi niya non ay hinipan na niya ang mga kandila kaya pumalakpak kami.

"Kainan na!" Sigaw ni Kurt at pumunta na sa kusina.

"Kain na tayo" aya ni Charles kaya sabay sabay kaming pumunta sa kusina at masayang kumain ng sabay sabay.

Charles Raven's PoV

Alas otso na ng umaga. Masaya ako dahil naalala nila ang kaarawan ko even though simple lang ang ginawa nilang surpresa, i still appreciate it because of their effort. Nasa sala ako ng dorm ngayon at naka upo habang nanonood ng tv.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa ko.

"Hello Mom, napatawag ka?"

"Happy Birthday Charles!!" Rinig kong sabi ni Mom at Dad

"Thank you Mom, thank you Dad"

"Let's celebrate and have dinner together, is it fine?"

"Of course mom but can i bring my friends with us?"

"Of course para makilala namin sila"

"Thank you mom"

"Sige, happy birthday ulet. Take care, i love you"

"I love you too mom" sabi ko at namatay na ang tawag. Pagkababa ko ng cellphone ay biglang tumunog nanaman ulit ito, this time it's from my Lexy.

"Hi Cr!! Happy birthday" rinig kong sabi niya kaya napangiti nalang ako.

"Thank you Lexy! Asan regalo ko?" Biro ko

"Padala kona ba diyan?" Biro niya rin kaya natawa ako. "So, anong plano mo sa birthday mo? Sinabi sakin ni Yanyan na sinurprise ka daw nila"

The Detectives S2Where stories live. Discover now