TDs2 - Chapter 13

276 7 0
                                    

-------------------------------------

Charles Raven's PoV

Isang araw na ang nakalipas ng sabihin ko yun kay Sadi. Nandito ako ngayon sa kwarto at nakatulala lang. Gabi na at nasa sala si Zach. Kami nalang dalawa ngayon dito dahil wala na si Jacob.

Masyado nakong nasasaktan kaya ko nasabi yun. Hindi ko man gustong sumuko pero hindi ko na kaya. Sabi ko pa naman sa sarili ko, hindi ko hahayaang maghiwalay kami pero mukhang linunok ko lahat ng sinabi ko.

Alam kong nasasaktan siya nung tinawagan siya ni Sadi. Alam kong kailangan niya ko at hindi ko rin maiwasang ngumiti ng mapait dahil pinaglaban niya ko sa lola niya pero i can't. Hindi ko na kaya.

Sinabi rin sakin ni Sadi na ni-record niya yung sinabi ko at sinend kay Lexy. Hindi ako umimik sa sinabi niya. Maganda na sigurong narinig niya para kalimutan na niya rin ako. Ayokong masaktan siya. Oo mahal ko pa rin siya pero hindi naman pwedeng ganito nalang kami. Alam kong gusto rin ni Lexy na kalimutan ko na siya.

Siguro we can be friends kapag pareho na kaming okay, pero hindi pa ngayon yun. Hindi naman pwedeng hindi namin pansinin ang isa't isa dahil baka maapektuhan yung iba. 8 years pa naman bago siya dumating, tsaka nagfe-fade naman lahat ng feelings.

Nandon rin naman si Waine. Alam kong may pagtingin si Waine kay Lexy, matagal na. Kahit nung kami pa ni Lexy, pero pinili niyang itago ang nararamdaman niya dahil rinerespeto niya ang pagkakaibigan namin. Alam kong babantayan ni Waine si Lexy.

Hindi ako nagsisising nakilala ko si Lexy at naging kami. Sayang nga lang dahil hindi kami tumagal. But i want to thank her for giving me the best memories. Kakalimutan ko man siya but never in my heart.

Rhian's PoV

Nakwento sakin ni Arah yung nangyari kay Lexy. Nakakalungkot nga lang dahil wala kami para damayan siya. Tinawagan ko narin siya kanina para kamustahin at sinabi niya rin na mag kasama sila ni Waine. Mabuti nalang at nandon siya para may makadamay si Lexy.

Kanina lang rin lumipat si Erica kasama niya sina Lance, Kiel, Joseph at Kurt dito. Sinabi namin na si Erica nalang dito at yung apat na lalaki sa isang dorm. Si Zach na raw ang bahala kaya kasama na namin si Erica ngayon at tinutulungang mag ayos ng gamit. Yung apat naman ay malapit lang ang dorm kina Haarsha at kina Charles.

"Magkakasama na tayong lahat" natutuwang sabi ni Arah hindi kami umimik ni Erica at ngumiti nalang.

"Magluluto lang ako sandali para maka kain na tayo ng dinner" paalam ko. Tumango naman sila kaya pumunta nako sa kusina at nagsimulang mag luto.

Saktong pagkatapos ko ay dumating na sina Arah at Erica kaya sila na ang naglagay ng mga plato at mga kubyertos sa lamesa.

Nagsimula na kaming kumain.

"Wow ang sarap ng luto mo Yan!" Natutuwang sabi ni Erica kaya ngumiti ako.

"Salamat"

"Hindi ka rin ba marunong mag luto Erica?" Tanong ni Arah

"Hanggang prito lang ako buti pa yung apat na lalaki marunong magluto, daig pa nila kami ni Lexy." Natatawang sabi niya

"Paktay! Paano pala makakakain si Lexy ng mga lutong bahay eh di siya marunong mag luto" sabi ni Arah kaya natawa ako sa reaksyon niya

"Marunong magluto si Waine kaya wala kayong dapat ipag alala. Nako dapat talaga turuan ko kayo paano nalang mapapangasawa niyo niyan" tumatawang saad ko

"Ang bata pa namin!" Sabay nilang sigaw kaya lalo akong natawa.

"Kumain na nga tayo, nakaka inis si Yanyan" sabi ni Erica at tinignan nila ako ng masama.

The Detectives S2Where stories live. Discover now