TDs2 - Chapter 21

221 5 0
                                    

John Waine's PoV

Pagkatapos naming bumati kay Yanyan ay pinatay na namin ang tawag. Nagtataka pa'ko kung bakit hindi binati ni Lexy si Yanyan at kanina pa siya parang naiiyak.

"Lexy may problema ba? Bakit hindi mo binati si Yanyan?" Nag aalalang tanong ko.

"Nothing"

"Okay ka lang ba?"

"Yah, I'm fine. Gusto ko lang magpahinga, balik nako sa dorm ko" sabi niya at umalis na.

Alam kong may problema siya, is she hiding something? Bakit hindi niya binati si Yanyan?

Lumipas ang mga araw at napapansin ko siyang palaging umaalis. Wala siya palagi sa dorm niya at hindi siya masyadong sumasabay sakin sa school. Palagi siyang may lakad katulad ngayon, nasa dorm niya ko dahil nakita ko siyang kababalik lang galing sa hindi ko alam. Hinintay ko talaga siyang maka balik.

"Saan ka pumunta? Mag aala una na ah"

"Wala, inaantok ako Wainy please umalis kana" sabi niya at iniiwasan ako

"May problema kaba Lexy? Palagi kang umaalis at late na umuuwi, naaapektuhan na rin ang pag aaral mo dahil palagi kang inaantok sa klase"

"Wala nga akong problema!!Umalis kana!" Nagulat nalang ako sa pag sigaw niya.

"Lexy, alam kong may problema ka. Bakit hindi mo sabihin sakin. Bakit ikaw naman ang nagsisikreto"

"Wainy please, nahihirapan nako. I'm sorry kung nagsisinungaling ako but i have my reason. I have to protect all of you" nahihirapang sabi niya

"Protect? Lexy pwede kitang tulungan basta sabihin mo lang"

"I can't, bina-blackmail nila ako" umiiyak na sabi niya

"Sino???Lexy sino??"

"Wala, just trust me. Bumalik kana sa dorm mo, may pasok pa tayo bukas. I'm fine now, goodnight" sabiniya at pumilit ng ngiti. Dumiretso siya sa kwarto niya at sinara yon.

Palaging ganyan ang nangyayari samin, iiyak siya sa loob ng kwarto niya kaya hinahayaan ko nalang. Ngayon niya lang sinabi na may namba-blackmail sakanya, pero sino? Anong bang ginagawa nila kay Lexy! I swear, hahahanapin ko kung sino ang mga yon at hindi ko hahayaang ganituhin nila si Lexy.

Alexy's PoV

I'm so sorry Wainy, i just can't tell you. Ayokong pati kayo idamay nila. Sa mga nakaraang araw na umaalis ako, yon ay dahil binabantayan ko si lola. Lahat ng ginagawa niya pero di ako nagpapakita sakanya, hindi ko alam sa mga namba-blackmail sakin kung alam nila tong ginagawa ko pero sana hindi.

Habang nasa kwarto ako biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text. Pinunasan ko muna ang luha ko bago kinuha ang cellphone sa sling bag ko. Hindi naka save yung number.

From: Unknown Number

Meet me after your class. I'll wait.

May kasama pa yong address ng lugar. Alam ko na kung sino ang nag text na yun. Ngayon lang ito nagparamdam pagkatapos kong gawin ang pinapagawa nilang wag kong batiin si Yanyan.

Huminga ako ng malalim at lumabas sa kwarto ko, pina alis kona si Wainy kanina pero nagulat nalang ako ng makita ko siyang nakahiga sa sofa, natutulog na siya. Napangiti nalang ako.

"Thank you Wainy for not leaving me, pasensya kana kung napuyat ka dahil sa paghihintay sakin. Sorry kung hindi ko masabi sayo lahat. Pero salamat kasi iniintindi moko. Handa akong protektahan ka wag ka lang mawala" bulong ko, nagsisimula nanamang manubig ang mata ko kaya agad ko itong pinunasan. Bumalik ako sa kwarto ko at kumuha ng kumot, pinatong ko yon sakanya.

The Detectives S2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon