TDs2 - Chapter 17

258 7 2
                                    

Gray Richard's PoV

Masaya ako na naaalala nako ni Arah, pero at the same time nahihirapan. Ano nalang mangyayari saming tatlo? Isa na naman samin ni Zach yung masasaktan.

Wala naman sigurong masama kung maging selfish ako kahit ngayon lang diba? At tsaka isa pa, hindi pa kami hiwalay ni Arah. Kami parin hanggang ngayon kaso----- ako nalang kumakapit sa relation namin.

Were almost 3 years na, march 2 nung naging kami.
Ilang taon din syang nawala sa piling ko, nag tiis ako. Nag titiis ako sa tuwing mag kasama sila ni Zach, kapag ang sweet nila sa isa't isa para nakong mamamatay sa sobrang sakit.

Masaya naman ako na nakikitang masaya si Arah, kahit na hindi nako yung dahilan ng mga ngiti nya. Pero ngayon uunahin ko muna kaligayahan ko, kakausapin ko si Arah.

Sarah's PoV

May kutob nako tungkol sa past ko, alam kong yung lalaking nakikita ko lagi sa panaginip at lagi kong naalala ay may koneksyon sakin noon.

Alam kong may past kaming dalawa, pero sino sya? Sino? Bakit parang malapit na sya sakin ngayon?

May alam ba sila Rave dito? Sila Dad?

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nag papahinga. Nakaramdam na namn kasi ako ng sakit ng ulo nung nasa hospital kami kaya umuwi nako.

Sinamahan ako ni Zachy na umuwi, pero agad ko din syang pinabalik sa dorm nya.

"Arghh" daing ko matapos kumirot ng ulo ko

"Hahahaha Richi, ano ba tama na hahahah" pagbabawal ko kay Richi kanina pa kasi nyako kinikili e

"No" saad nya at kiniliti na namn ako

"Ayoko na sabii" saad ko at mabilis na hinawakan mga kamay nya at inipit sa mga paa ko

"Woah, easy baby."

"Tama na kasii, sabi kasi nila kapag daw sobra yung saya mo, may kapalit agad na lungkot" sabi ko

"tss, di naman totoo yon e, magpahinga na tayo. Maaga pa tayo bukas sa field trip natin" sabi ni Richi

Bukas na kase yung field trip namin e, nakapag ayos na rin kami ng gamit. Nandito kami ngayon sa dorm nila Richi, dito muna ko matutulog sa kwarto nya, ayaw ni Dad na sumama ako sa field trip kasi malayo daw, pero gusto kong sumama kaya pinilit ko si Richi na dito ako matulog para sabay na kaming umalis bukas. Tsaka gustong gusto ko talagang pumunta ng baguio, We knows our limit about this, na kapag nag tatabi kaming matulog.

"Alright, let's sleep na" sabi ko at umayos na ng higa sa kama

"Goodnight baby:* sleep tight and always dream of me" sabi ni Richi at hinalikan ako sa noo" I love you"

"Goodnight Richi, I love you so much" sabi ko at yumakap sakanya at natulog.

KINABUKASAN

Nandito na kami ngayon sa school, nag hihintay nalang ng ibang students at aalis na kami.

Ilang sandali pa kumpleto na kami kaya ngayon ay aalis na kami.

"Matulog ka muna, mahaba haba pa biyahe natin baka mapagod ka" sabi ni Richi

Tumango naman ako at inihilig yung ulo ko sa balikat nya

"sh*t!!!!"

"Ahhhhhhh!!!"

"Wahhhh!!!"

Nagising ako dahil sa sigaw ng mga kaklase ko, anong nangyayari?

"Richi? Anong nangyayari?" tanong ko

The Detectives S2Where stories live. Discover now