TDs2 - Chapter 19

258 5 0
                                    

Alexy's PoV

Ang dami ng nangyayari kina Yanyan at Arah sa Pilipinas, sa kanilang lahat. Nalulungkot ako kase wala akong matulong sakanila. Ni tawagan sila ay diko magawa dahil sa sobrang busy na namin ni Wainy.

Nung una ay si Miya, yung kapatid ni Gray. Tas si Mich at pinsan daw niya na si Keith, na binaril daw. Si Erica na nadukot at linagyan ng bomba. Tas sina Arah at Zach, nag break na.

Sinabi sakin ni Arah yung totoo. Naglihim nanaman sina Cr, Gray, Haarsha at Wainy. Alam nilang nagka amnesia si Arah. Alam nilang si Gray at Arah ay may relasyon ng mangyari ang aksidente pero di nila sinabi yon. And the worst part is Arah is still inlove with Gray.

Hindi ko alam na merong amnesia si Arah dahil hindi kami nagtatanong about sa past niya, at kaya pala wala siyang kinukwento samin. Hindi ko rin pinapansin si Wainy ngayon dahil naiinis ako sakanya tsaka galit si Arah sakanila kaya kakampihan ko muna si Arah.

Naging malapit rin sakin si Zach at plano ko siyang tawagin ngayon. I know he's in pain right now.

"Hello Zach" sabi ko pagka sagot niya ng tawag ko sa vc.

"Hi Lexy" sabi niya at pumilit siya ng ngiti. I think nasa kwarto siya at litaw na litaw ang eyebags niya. Namumula rin ang mga mata niya.

"Okay ka lang ba? Sana nandyan ako para damayan ka, sorry"

"Di ako okay Lexy, masakit to oh" sabi niya at tinuro yung puso niya. Ganyan siya sakin, di niya pinapakita na malakas siya. Pinapakita niya sakin yung totoong nararamdaman niya. Hindi siya nag pepretend sa harap ko dahil kabisado kona siya.

"Zach, alam ko yang nararamdaman mo at alam kong kaya mo yan. Naiintindihan ko anb nararamdaman mo dahil pareho tayo ng ginawa. Iniwan ko rin si Cr para sa ika bubuti niya. At ikaw naman ay sinabi mo kay Arah na si Gray ang piliin niya diba?"

"Oo, kase alam kong mahal ni Ds si Gray. Mahal nila yung isa't isa Lexy mula pa noon at may relasyon pa rin sila, sino ba naman ako diba para pag hiwalayin ulit sila. I love Ds so much that i can sacrifice my own happiness. I want her to be happy, and being with Gray is her happiness." Sabi niya at nagsisimula nang mamuo ang luha sa mata niya.

"Shhh sorry sorry, i know you need me. I'm sorry, kung pwede lang ay pupuntahan kita para damayan ka. But please be strong Zach, wag mong pabayaan yung sarili mo. Alam kong makakakita ka rin ng taong para sayo, and kung kailangan mo ng kausap you can call me anytime. Be strong Zach! Cheer up!"

"Thank you Lexy. I appreciate your effort to lessen my pain and thank you for that. I just need time to move on but right now, let me cry until i feel numb" umiiyak na sabi niya kaya ngumiti ako.

It's okay to cry, but don't cry again in the same reason.

------------------------

Natapos na ang tawag ko kaya humiga nako sa kama pero kumulo ang tyan ko. I'm starving. Grrr i can't cook, baka masunog ko itong buong building kapag nag luto ako. Pero may sumilay na ngiti sa labi ko ng matandaan kong may iniwang contact number ng mga fast food restaurant si Wainy sa ref ko, dinikit niya yon nang minsang magluto siya dito sa condo ko para daw kapag wala siya at tinatamad akong bumaba ay tatawag nalang ako sa mga yon.

Nagtungo ako sa kusina at tinawagan ang isang fast food at nag order.

Pagkatapos kong tumawag ay nakangiti akong nagtungo sa sofa ng aking sala at umupo don. Manonood muna ako habang nag hihintay. Tinignan ko ang oras, 12:30 PM na. Mga ganitong oras ako tinatawag ni Wainy para kumain.

Binaling kona ang tingin ko sa tv para manood ng may kumatok sa pinto ng condo ko. Ang bilis namang dumating, kaka order ko lang ah. Hindi kona yon pinansin, nagtungo ako sa pinto at binuksan yon.

The Detectives S2Where stories live. Discover now