TDs2 - Chapter 27

212 7 0
                                    

-------------------------------------
Alexy's PoV

Naka burol na ngayon si Kiel sa bahay nila at papunta na kami don ni Waine.

Nag excuse kami sa school namin ng 2 to 3 days dahil mag isstay muna kami don hanggang sa mailibing si Kiel

Hay, bakit sunod sunod silang napapahamak? Sinbi ko naman kay Arah na bantayan sila.

----------------------------

Madami dami na ding tao nung makarating kami kila Kiel.

"Lexy" Tawag ni Kurt sakin na may namamagang mata. Niyakap ko naman sya.

"Nasan sya?" tanong ko, kaya ng lakad kami papunta sa puntod ni Kiel

Damn, ang kaibigan ko. Pangalawang beses nakaming nakakaranas ng ganto. Yung makita mo yung mahal monh kaibigan na wala ng buhay.

"Nasan sila Arah?" tanong ko ng mapansing si Kurt, Lance, Joseph at Erica lang ang nandito na namimigay ng mga pag kain sa mga tao

"Kanina nandito sila pero umuwi sila para kumuha ng gamit at makiusap sa principal at mga teachers namin" sabi ni Erica at yumakap sakin.

Huminto sa pamimigay ng pag kain sila Joseph at yumakap sakin

"Mag iistay kami dito hanggang sa mailibing na si Kiel" sabi ni Joseph

"Buti nalang may nadala kaming gamit ni Lexy" sabi ni Waine

"Tsaka meron parin naman tayong konting damit na nasa dorm diba?" tanong ko kay Waine

"Sabagay"

"Kaibigan din ba sila ni Kiel?" tanong ng Mom ni Kiel kung di ako nag kakamali. Mag kamuka sila e.

"Opo Tita, si Lexy po tsaka si Waine" sabi ni Kurt

"Magandang gabi po" sabay na sabi namin ni Waine at yumuko

"Magandang gabi sainyong dalawa, ako si Tita Mileth." pag papakilala ni Tita "Napakadami talagang kaibigan ng anak ko. Ilagay nyo na yung gamit nyo don para makapag pahinga kayo" sabi ni Tita at ngumiti.

"Opo Tita, salamat po" sabi ko at umalis na sya.

"Oh, nandyan kana pala Lexy" sabi ni Arah kadating nila

Lumapit ako saknila at yumakap, sobrang namiss ko sila.

"Nasan si Yan yan?" tanong ko ng mapansing wala si Yan yan

"Nasa hospital pa sya, sinabi nya saming bukas makakauwi na sya at pupunta sya dito" sabi ni Arah

"Pumayag na si Mom na mag absent tayo ng apat na araw" sabi ni Zach. Syempre principal yung mama nya.

"Eto na din yung mga gamit natin" sabi ni Gray

"Lagay nyo muna dito sa gilid" sabi ni Joseph

"Kain na muna kayo" sabi ni Tita samin

"Halikayo dito sa kusina"

Sabay sabay kaming pumunta sa kusina at umupo

"Kain na muna kayo mga anak, kanina pa kayo namimigay ng mga pag kain" sabi ni Tito

"Opo"

"Salamat sainyo, salamat sa pag tulong nyo samin" sabi ni Tita

"Wala po yun, basta po si Kiel." sagot ni Kurt

"Hanggang ilang araw po si Kiel dito?" tanong ni Haarsha

"Napag usapan namin ng Tito nyo na apat na araw lang si Kiel dito" sabi ni Tita kaya tumango kami.

The Detectives S2Where stories live. Discover now