TDs2 - Chapter 29

211 8 0
                                    

Alexy's PoV

Ginawa ko lahat ng inuutos ni Daphne pero bakit pinatay pa rin nila si Kiel. Daphne, Jherose at Diesela. Silang magkakaibigan ang dapat na namatay. They don't deserve to live.

"Daphne" seryosong sabi ko pagkasagot niya sa tawag ko. Nasa condo ako ngayon.

"Ow hi my dear friend"

"I'll talk to you." Saad ko saka na pinatay ang tawag. Pagkababa ko ng cellphone ko ay huminga ako ng malalim. Namumuo nanaman ang luha ko, naalala ko yung mga panahong kasama ko siya. Yung panahong hindi pa'ko lumilipat sa Springfield University at kasama kopa sila. Yung panahong una kaming nabuong anim.

-----FLASHBACK

Kasalukuyan akong nag wawalis ngayon sa field. Na-guidance ako dahil sa pakikipag away sa mga walang kwentang estudyante dito, tsk. Kailan kaya ako makakakilala ng matinong tao dito maliban kay Erica. Nasan ba yung babaeng yon, iniwan niya ko pagkatapos kong mapatawag sa guidance.

"Hoy pulutin mo nga yan!" Sigaw ko ng may magtapon ng pinagkainan niya sa winawalis ko.

"Hays satingin mo bakit ka nagwawalis? Para alisin yung mga kalat ng mga estudyante kaya walisin mo nalang." Sabi niya saka nagtuloy sa paglalakad.

"Aba't siraulo ka pala eh!" Sigaw ko saka ako lumapit sakanya at piningot ang tenga niya.

"A-arayyy!" Ungot niya habang hawak ko ng mahigpit ang tenga niya.

"Pupulutin mo yon o pupunitin ko 'tong tenga mo?" Banta ko

"Oo na! Oo na! Susumbong kita sa bestfriend ko!" Parang batang sabi niya pagkapulot nung tinapon niya.

"Ede magsumbong ka! Pag umpogin ko pa kayong dalawa. Layas!" Sigaw ko kaya patakbo siyang umalis. Ilang minuto lang ang nakakaraan ng may magtapon ng kalat nanaman, hanggang sa mag sunod sunod yon.

"Anak nang!" Sigaw ko saka tinignan sila. Siya yung kaninang nagtapon ng basura at may kasama na siyang mukhang unggoy. Nakangisi silang dalawa sakin pagkatapos itapon ang laman ng dalawang basurahan na hawak nila.

"What the fvck! Ginagalit niyo talaga ako?"

"Oo" sabay nilang sagot.

"Let's have a deal" sabi ko at ngumisi.

"Anong deal?"

"Kapag natalo ko kayong dalawa, susundin niyo ang iuutos ko. Pero kapag natalo ako, susunfin ko rin ang iuutos niyo." Nagtinginan sila saka tumalikod sakin at nag usap.

"Kapag natalo natin siya pabili tayo ng maraming pagkain" excited na sabi nung isa

"Sige sige gusto ko yan" sabi naman nung isa at humarap na sakin.

"Game kami" natutuwang sabi nila kaya lalo akong napangisi.

"Deal" sabi ko sabay abot ng kamay ko para makipag shake hands.

Inabot yon nung isa, "Deal" pagkasabi niya non ay agad kong pinilipit ang kamay niya.

"Ah-ahh!" Sigaw niya kaya binitawan ko yon.

"Ang daya mo!!" Sigaw niya kaya natawa ako.

Sumugod ako sakanila saka sinuntok sa mukha yung kasama niya. Akmang sisipain ko yung  lalaki kanina sa leeg ng yumuko siya at naka ilag. Akmang susuntukin niya ko sa mukha ng umilag rin ako saka siya sinipa ulit at tumama yon sa tagiliran niya.

"Wait lang!" Sigaw nung isa. "Wag mo naman patamaan yung mukha ko! Baka magasgasan, sayang kagwapuhan ko" sabi nung sinama niya.

"Wahhh ang sakit ng tigiliran ko!" Mangiyak ngiyak na sabi niya kaya natawa ako.

The Detectives S2Onde histórias criam vida. Descubra agora