TDs2 - Chapter 6

364 7 0
                                    

------------------------------------

Alexy's PoV

Nakabalik na kami sa beach at sabi nila maghanap nanaman kami ng ibang pupuntahan. May nahanap na daw si Cr na magandang lugar. Nag aayos na kami ng mga gamit namin at mabuti nalang okay na sina Yanyan at Haarsha.

Nag check out na kami at pumunta sa sasakyan namin. Umupo kami lahat maliban kay Cr na naka tayo pa rin. Tinaasan ko siya ng kilay

"Ikaw muna mag drive baby sa harap tayo, tuturo ko kung saan yung lugar. Okay lang ba?" Pa cute niyang tanong

"Palitan tayo neh" sabi ko at tumayo na. Umupo ako sa driver's seat siya naman sa front seat. Inistart kona yung makina at nagsimulang bumyahe.

Almost 2 hours na rin yung byahe namin and I'm freaking thirsty. Gusto kong uminom ng malamig na shake kaya nag stop muna kami sa isang mall na nadaanan namin. Namili kami ng mga pagkain at nag order ako ng fruit shake.

Si Cr naman yung nagdrive habang iniinom ko yung shake ko.

"Baby?" Tanong niya

"Hmm?" Balik tanong ko habang hinihigop yung shake sa plastic straw

"I love you" malambing na sabi niya saka ngumiti.

"What's with you?" Seriously what's with him, kanina pa siya nagpapa cute eh

"Wala naman baby. Na miss lang kita"

"Magkasama naman tayo ah"

"Hindi, what i mean is yung solo kita"

"Ahh okay" tama naman siya, hindi namin masyadong nasosolo isa't isa. "Try this" sabi ko sabay lapit nung iniinom ko sakanya

"Thanks, i love you baby"

"I love you too"

--------------------

Tumigil kami sa parkingan ng mga sasakyan sa isang malawak na field. Nakapalibot kami sa mga puno at mukhang magka camping. May mga taong nakatayo na ang tent doon at nag kukwentuhan naman yung iba. Hapon na kaming naka dating kaya agad naming kinuha ang mga gamit namin at sinumulang itayo ng mga boys yung malaking tent. Sama sama nalang daw kami para masaya sabi nila.

Agad silang natapos sa pag tayo nung tent kaya nilagay na namin yung mga pagkain at gamit. Inayos rin namin yung loob at naglagay ng mga ilaw na rechargeable.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko, tumayo kasi silang lahat

"Lalabas lang kami, dyan ka muna bantayan mo mga gamit. Sandali lang kami" sagot ni Arah. Tumango ako at lumabas na sila. Saan naman kaya sila pupunta

Kinuha ko yung camera ko sa bag para tignan yung mga pictures namin. Napag usapan namin na last destination na namin to kaya dapat maging memorable to. Gaya nga ng sabi ko, gusto kong gumawa ng maraming memories kasama sila. Sabi nga sa I Think Continually of Those Who Were Truly Great ni Stephen Spender, sa isang line don na What is precious is never to forget. Kahit na iiwan ko sila alam kong mananatili yung mga memories na nagawa namin.

Habang tinitignan ko yung mga pictures ay parang may nakita akong dumaan na anino ng tao malapit sa tent namin. Baka mga dumadaan lang. Hindi kona yun pinansin pero bigla akong nakaramdam na parang may tumusok sa braso ko, tinignan ko yun at sinlaki lang siya ng karayom. Bigla rin akong nakaramdam ng bigat ng talukap ng mga mata ko, tuluyan ng pumikit ang mata ko at hindi na alam kung anong sunod na nangyari.

Sarah's PoV

Naka ayos na lahat ng kailangang ayusin. Hinihintay nalang namin ang pag gising ni Lexy at sinakto namin yun sa alas dose ng madaling araw. Si Waine yung tumira sakanya nung karayom na may pampatulog. Kailangan kasi yun para makapag ayos kami baka kasi maghinala siya kung anong ginagawa namin kapag di namin yun ginamit sakanya.

The Detectives S2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon