Teaser

11.6K 220 8
                                    

Teaser

MALUNGKOT ako dahil ginawa ko na ang lahat pero ang lalaking gusto ko ay walang pakialam sa akin. Ano pa bang kulang? Maganda naman ako. Mayaman naman ako. Famous naman ako sa school tulad niya. Matalino naman ako at higit sa lahat, mahal na mahal ko naman siya. Pero bakit walang epekto ang mga ginawa kong pangse-seduce sa kaniya?

        Gusto ng tumulo ng luha ko dahil sa sobrang bigat na ng nararamdaman ko. Maraming beses na akong napahiya. Maraming beses na rin akong gustong huminto. Pero bakit hanggang ngayon gusto ko pa rin siya? Bakit hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya? Napahimalamos ako sa sarili kong mukha.

        Ano pa bang kulang?

        “What are you doing here?” tanong ng isang boses. Bigla akong dinagundong ng kaba. Kilala ko ang boses niya. Walang iba kundi ang lalaking gusto ko. Si Tyler.

        Napaangat ako ng tingin at hindi nga ako nagkamali. Siya nga. Nakita ko na naman ang guwapo at perperkto niyang mukha. Napakaperpekto niyang tingnan para sa akin.

        Tumayo ako, pero sobrang tangkad niya. Halos hanggang dibdib niya lang ako. Heto na naman ang pakiramdam ko, para na naman akong nahyp-hypnotize sa kaniya.

        “H’wag mo akong tingnan,” seryosong sabi niya. Lagi nalang siyang ganito sa akin. Cold. Very cold. “Who gave you the permission to go here?” malamig na tanong niya.

        Wala akong mahanap na sagot. Pero parang dinala lang ako ng puso ko dito. Hindi ko naman inakala na makikita ko siya dito.

        “I don’t know,” malungkot na anas ko.

        Napangisi siya. Tiningnan ko siya at wala talaga akong makikitang emosyon sa mga mata niya. He doesn’t like me. He doesn’t want to see me. This feeling sucks. Napagpasiyahan kong umalis nalang bago niya pa sabihin ‘yon. Madalas niya akong paalisin. Madalas niya akong ipahiya. Ayaw niya sa akin. Tinalikuran ko na siya at naglakad na paalis.

        Pero nagulat ako ng may humawak na palad sa aking palad. Napakainit. Nastatwa ako ng makita ko kung sino ang may hawak ng kamay ko. My ultimate crush. Tyler Buenavista.

        “Bumalik ka dito kapag kompleto ka na.” sabi niya. Pero kusang kumunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya. “May kulang sa’yo, Cyril.”

        Binitiwan niya ang kamay ko at tinalikuran ako. Pero sandali din siyang huminto.

        “You need to find your self. You need to be complete again, Cyril Cruz.”  

"All events in this story are all fictional. If you're familiar with some scenes, names, characters, places, businesses, events etc. It's just coincidental.

"Do not distribute, publish, transmit, or exploits the contents of this story. Please ask permission"

"No soft copies."

PLAGIARISM IS A CRIME

Seducing my Ultimate Crush. All Rights Reserved. ateR21. 2014 ©

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Where stories live. Discover now