SMUC: Chapter 9

4K 106 1
                                    

SMUC : Chapter nine

Cyril’s POV

HINARAP  ko ang babaing nagsalita. Tama ba naman na sabihan niya akong stalker? Ang kapal ng mukha niya.

        “What are you doing here?” mataray na tanong ko.

        “Just... Just..” walang masagot na anas niya.

        “Just looking for Tyler, huh?!” mataray na anas ko sabay taas ng kilay ko sa kanya.

        “No, okay. I was just looking for someone,” pagtatanggol niya sa kanyang sarili. “How about you?” mataray na tanong niya sa akin.

        “I’m looking for some mean girls then I found you. I  need to report you because at this time, you supposed to have your class,” ma-awtoridad na anas ko. “I am the vice president of the school council and I have some tasks to do. How about you? I don’t remember giving you some stuffs to do. Did Tyler give you?” sarkastikong dagdag ko pa.

        Mas lalo siya natunganga sa mga sinabi ko sa kanya.

        “Bitch,” naiusal ko sa kanya. “Go back to your classroom or else I will report you,” mas ma-awtoridad na anas ko.

        Walang nagawa si Dhine kundi umalis. Alam kong napahiya siya sa ginawa ko. Who cares? I hate her. Pinagmasdan kong muli si Tyler bago bumalik sa classroom namin. Pagpasok ko, nakatingin ang lahat sa akin.

        “What took you so long?” tanong ng guro namin.

        Lumapit ako sa kanya at bumulong.

        “Sir I withdraw,” pabulong na anas ko. Kumunot ang noo niya, “I poops,” bulong ko pa. Napabuntong hininga naman siya. Pinaupo na niya ako.

        Mataman akong tiningnan ng mga kasama ko pero nginitian ko lang sila. Natapos ang klase at sabay-sabay na nagsitayuan ang mga classmates namin.

        “Anong ginawa mo kanina? Bakit ang tagal mo? At saka anong binulong mo kay sir?” tuloy-tuloy na tanong ni Anica.

        “Ayy! Panalo! Kanya lahat ng exposure!” buyo ni Sandra kay Anica.

        “Niaway ko pa si Dhine eh,” anas ko.

        “What?!” sabay-sabay na sabi nila.

        “Eh kasi naman, tinawag niya akong stalker. Tas tinanong ko siya kung bakit siya nandoon, wala naman siya masagot.” Nakangusong anas ko. “Malandi talaga ‘yon! Dikit ng dikit kay Tyler!” nakalabing usal ko.

        “Nagsalita ang hindi malandi?” sarkastikong usal ni Sandra, “CC, baka nakakalimutan mo. Mas grabe ka kay Dhine. Kung makalandi ka ha! Mahiya ka naman sa mukha mo!” mas sarkastikong usal niya.

        Nabara naman ako sa sinabi niya dahil tama siya. Sabay-sabay kaming naglakad palabas ng classroom. May humila sa bag ko, kung nasa leeg ko lang to, malamang na nasakal na ‘ko. Sino bang gago ‘to?! Hinarap ko ang taong humila ng bag ko at napanganga ako ng makita kung sino siya.

        Walang iba kundi ang aking ultimate crush. Tyler Buenavista.

        Hanggang ngayon, napapatulala pa rin ako kapag ganito siya kalapit sa akin. Ang tangkad niya, ang matcho niya, ang pogi niya tas ang bango niya pa. Kahit maghapon na kami nasa school, pag-uwi, mabango pa rin siya. Pinagpapawisan ba siya?

        “H’wag niyo akong tingnan,” seryosong anas niya.

        Napakunot ang noo ko at napatingin ako sa tatlo kong kasama. Maging sila pala ay nakanganga sa kagwapuahan ni Tyler. Sinamaan ko sila ng tingin saka nila inayos ang kanilang sarili. Nagkanya-kanya sila ng ginagawa at iniwan kami ni Tyler. Pero hindi naman gano’n kalayo.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Where stories live. Discover now