SMUC: Chapter 18

3.8K 118 9
                                    

SMUC: Chapter 18

Cyril’s POV

Natapos ang ilang araw at finals na sa basketball. Pero wala naman talaga do’n ang isip ko. Naglalakbay pa rin ang isip ko kung bakit ginawa ‘yon ni Tyler. Iniwan niya ako bigla sa rooftop at hindi na kinausap. Ano bang nangyari? Baka naman mas lalong bumaba ang tingin niya sa akin dahil pumayag ako na basta-basta nalang magpahalik? Pero masama ba ang ginawa ko?

Ilang araw na akong malungkot. Ilang araw na niya akong hindi pinapansin o kinakausap. Nagpupunta ako sa basket trials nila pero wala naman siyang pakialam sa’kin. Ginawa ko pa rin naman ang mga dati kong ginagawa, pero hindi na niya talaga ako pinapansin. Bakit ba? Ano bang mali? Ano bang problema?

Maging ang mga kaibigan ko’y hindi alam kung ano ang nangyayri sa amin ni Tyler. Hindi ko sinabi sa kanila na naghalikan ulit kami. Nagtataka rin sila kung bakit nanlamig kami sa isa’t isa ni Tyler. Ano bang dapat kong gawin para kausapin ako niy ako?

“CC! Tara na! Ilang oras nalang mag-uumpisa na ang laro,” anas ni Anica sa akin.

“Ahh. Mauna na kayo do’n.” anas ko. “Susunod nalang ako,” pilit na ngiti na anas ko.

Pero ang totoo, ayoko talaga pumunta. Mas maraming tao do’n. Baka mas lalo ako ipahiya ni Tyler. Baka malaman pa nila ang ginawa ko. Babae ako, hindi ko dapat ginawa ‘yon. Hindi dapat ako ang humalik sa kanya. Pero pa’no ko ba naman pipigilan ang sarili ko? Paano ba?

Naiinis ako sa aking sarili ngayon. Alam kong okay na kami ni Tyler. Hindi niya man sabihin, pero nararamdaman ko ‘yon. Pero bakit biglang nawala? Parang ang bilis naman atang magbago ng nararamdaman niya para sa akin? Gusto niya pa kaya ako? Paano kung hindi na? Paano kung na turn-off na pala siya sa akin dahil sa panghahalik na ginawa ko sa kanya. Masama bang maging sabik sa halik niya?

Nakita kong walang nagawa ang mga kasama ko at iniwan ako. Alam naman nilang may problema, hindi lang nila alam kung ano. Nagpunta ako sa park, hindi para mag-aral at mapag-isa. Kundi, gusto ko lang makaamoy ng simoy ng hangin. Masarap lang pagmasdan ang paligid dito sa park ng aming skwelahan. Maaliwalas at higit sa lahat, hindi masyadong crowded. Umupo ako sa isang bench at isinuot ang aking earphones. Nagpatugtog lang ako ng kanta do’n.

Idol ko kasi ang sikat na artistang si Miss Ey. Galing siya sa SAS. Malapit lang kasi ang school namin sa kanila. Pinakinggang ko lang ang kanta. Pero ang totoo, wala naman akong maintindihan sa lyrics nito. Hindi naman ako tinatamaan, pero naiiyak ako. Madali kong pinunasan ang luha sa mga mata ko at napatungo ako sa sarili kong mga tuhod. Gusto nalang matulog.

Nagising ako dahil namanhid ang mga tuhod at batok ko. Naglaglag na rin pala ang earphones ko. Hindi ko inakala na nakatulog ako sa ganitong posisyon. Hinamas-himas ko ang batok ko dahil sumakit iyon.

“Aray,”

“Bakit nandito ka?” anas ng isang boses. Muntikan akong mapatalon dahil sa gulat.

Tumambol ng mabilis ang puso ko at nagliparan na kaagad ang mga paru-paro sa tiyan ko. Parang alam na nila ang boses ng lalaking pangarap ko. Napalunok ako dahil sa kaba. Tiningnan ko siya.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.

Yun lang ang tanging maitatanong ko sa kanya. Tumingin ako sa relo ko at nakita kong nagsimula na ang game nila. Kaya pala nakasuot na sa kanya ang uniform niya at pawis na pawis na rin siya. Pero malinis pa rin naman siyang tingnan at sobrang bango.

“Anong ginagawa mo dito? May game ka pa!” anas ko sa kanya.

Sandaling naghari ang katahimikan. Gusto ko ng ngumuso ng matindi sa kanya dahil mukhang wala na naman siyang panahon para sumagot.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Where stories live. Discover now