SMUC: Chapter 15

3.6K 122 8
                                    

SMUC: Chapter 15

Cyril’s POV

NAPATINGIN kaming tatlo sa pintuan. Tatlong beses lang sila kumatok. Tumayo ako para buksan iyon.

“Wait Cyril Cruz!” pigil ni Sandra sa akin. Napatingin kaming tatlo sa kanya.

“Why?” tanong ko.

Nilapitan niya ako at nilagyan ng lipstick. Alam kong pulang-pula ‘yon.

“Perfect!” sabi ni Sandra matapos akong lagyan.

Actually, ayokong nagme-make up. Okay na sa akin na nakapulbos ako. Kahit mag-clubbing kami, hindi pa rin ako magme-make up. Inayos ni Sandra ang buhok ko, long curly brown kasi ang buhok ko. Alam ko naman na maganda ang buhok ko, madalas nga ako alukin na gawin model para sa buhok pero tumatanggi ako.

“Ang ganda mo CC,” anas ni Anica sa akin.

“Thank you,” anas ko.

Hinawakan ko na ang door knob. Pero bago buksan iyon, inayos ko muna ang suot kong dress. Pinihit ko na ang door knob at binuksan ang pinto. Pero nagulat ako kung sino ang nasa tapat ng aking pinto. Walang iba kundi si--- Tyler!

Seryoso ang mukha niya at hindi pa siya nagpapalit ng damit. Malamang na hindi pa siya umuwi. Pero ang pinagtataka ko, ano ang ginagawa niya dito? Napaatras ako sa mga kasama ko. Maging sila ay nagulat kung bakit siya nandito. Tiningnan niya ako simula ulo hanggang paa. At saka siya napailing. Hindi ba siya nagandahan sa akin?

Pumasok siya sa loob at kinuha ang kamay ko. Kinaladkad na naman niya ako.

“Teka! San mo’ko dadalhin?!” pagpupumiglas ko.

Pero masyadong mahigpit ang nakahawak niyang kamay kaya hindi ako makaalis. Hindi ko na alam kung ano ang naging reaksyon ng mga kasama ko sa ginawa niya. Umakyat kami ng hagdan, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin at ano ang gagawin niya sa akin. Pero parang alam niya ang pupuntahan niya. Nagulat ako ng huminto kami sa tapat ng kwarto ko.

“Anong gagawin natin dito?!” tanong ko pero parang wala siyang naririnig. Binuksan niya ang pinto at pumasok kami sa loob. Sinara niya ang pinto at marahas akong binitiwan. Tiningnan niya ulit ako mula ulo hanggang paa. May iniisip ba siyang masama sa akin? Ang sama niya kung gano’n. May girlfriend na siya pero gusto pa niya tumikim ng ibang babae.

Lalabas sana ako ng pinto pero bigla niya akong hinila kaya napalapit ako sa kanya. Naririnig ko na ang tambol ng puso ko at ito na naman ang mga tryador na paru-paro sa tiyan ko. Hindi dapat ako makaramdam ng kahit na ano. I am mad at him! At isa pa, kailangan ko na siyang tigilan dahil may girlfriend na siya. Nilayo ko ang katawan ko sa kanya.

“What’s your problem, huh?!” tanong ko sa kanya.

“Stay here,” maawtoridad na anas niya. Hindi ako natatakot sa kanya. Pumunta siya sa malapit sa closet ko at kinalkal ang mga damit ko doon.

“Tyler! Ano bang ginagawa mo?! Don’t tell me, gusto mong isuot ang mga yan!” anas ko sa kanya.

Marahas niya akong tiningnan kaya hinayaan ko nalang siya. Napabuntong –hininga nalang ako dahil wala akong magagawa sa kanya. May kinuha siyang damit at lumapit sa akin.

“Change your clothes,” seryosong sabi niya sabay abot ng damit na napili niya.

Ano ba yung pinili niya? Jeans and black shirt? What the hell?

“Bakit ko naman isusuot yan?” iritadong tanong ko.

“Masyadong maikli yang suot mo.” Tipid na anas niya.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Where stories live. Discover now