SMUC: Chapter 10

4K 118 4
                                    

SMUC : Chapter 10

Cyril’s POV

“YEAH!!” sigaw nina Anica at Sandra habang papasok kami sa The high bar.

        Isa ito sa mga pinaka-sikat na bar dito sa lugar namin. Sanay naman kami sa mga parties at clubbing. Pero iba ang sitwasyon ngayon. May usapan kami ni Tyler bukas at ayaw kong makalimutan ulit ‘yon. Dahil alam kong hindi nagbibiro si Tyler nung sinabi niyang paparusahan niya ako. Baka ipalinis non sa’kin ang buong school. Nakakahiya ‘yon. Nakasimangot ako habang papunta kami sa second floor nitong bar. Regular costumers kasi kami dito kaya may VVIP card na kami.

        Ang daming tao dito sa loob ng bar, halos lahat ng mga tao dito, sosyal at mukhang mayayaman. Marami ang mga magkakasintahan at magkakaibigan dito. Pero marami ring flirts dito na kahit sino nalang nilalapitan at kinakaibigan. Sa talag ‘kong pumupunta dito, hindi pa ako nakakilala ng iba, dahil bukod sa mga kaibigan ko, wala na akong sinasamahan. Naglalasing ako noon, sa t’wing aawayin ako ni Tyler. Laki ako sa Amerika, kay konting pambabara lang sa akin ni Tyler no’n. Dito na ako tumatakbo.

        Pero nagbago na ako. Hindi na ako mahilig sa night life ngayon. Gusto ko munang mag-focus sa pag-aaral ko dahil mas malaki ang maitutulong nito sa akin. Pumupunta nalang kami dito sa t’wing may ice-celebrate kaming magkakaibigan. Kaya anong meron ngayon? Wala naman akong maalalang may okasyon ngayon.

        Umupo kami sa couch at inilipag ang bag ko. Nag-crossed arms ako at sinimangutan ang mga kasama ko.

        “Imbyerna ang bruha!” maarteng sabi ni Sandra. Hindi naman kailangang magsigawan dito dahil hindi naman masyadong maingay. Pero sa labas, sasabog ang eardrums mo sa tenga dahil sa ingay.

        “Girls. We need to go home early,” nakasimangot na usal ko sa kanila. “Walang okasyon na kailangan nating i-celebrate ngayon,” anas ko.

        “You’re wrong!” sabay-sabay na anas nila.

        Napakunot ang noo ko, “May okasyon ngayon?” tanong ko.

        “But of course!” malanding sagot ni Sandra sa akin.

        “Eh ano?” tanong ko.

        “Hi girls!’ bati ng isang pamilyar na boses.

        Napatingin kaming apat sa pintuan. Halos malaglag ang mga panga namin sa nakikita. Ang guwapo ni Carlo sa suot nito. Napakalinis din niyang tingnan at higit sa lahat ang bango-bango niya. Pero mas mabango pa rin naman si Tyler sa kanya. Lumapit siya sa amin kasama ang tatlong lalaki.

        Pinakilala niya ang mga ‘to, “Girls meet my friends. Jake, Andrew and James,” turo niya isa-isa sa mga ‘to.

        Gosh! Bakit ang daming pogi sa mundo? Wala naman akong maitapon kahit isa sa kanila. Iba-iba ang features nila. Si Jake ay payat pero mukhang bato-bato naman ang katawan. Singkit ito at mukhang hindi ito pure pilipino, mukha siyang canadian hunk. Si Andrew naman ay parang brazilian type. Bakat na bakat din ang mga abs nito at matangkad. Si James naman ay parang korean, singkit ang mga mata niya at sobrang kinis ng balat niya. Pwedeng-pwede silang maging artista dahil sa mga greek god na mukha nila.

        Niyaya sila ng mga kaibigan kong umupo. Ano ‘to? Date? Tss. Tumabi naman sa akin si Carlo.

        “They’re my cousins,” anas niya.

        “Cousins?” balik-tanong ko. Tumango naman siya, “Akala ko, mga anghel sila na bumaba galing langit.” Patawa ko.

        “Hahaha!” tumawa si Carlo sa akin kaya nabaling talaga sa kanya ang atensyon ko. Seriously? Natawa siya sa joke ko? Madalas na waley ako pag nag-joke. “You’re funny,” natatawang anas ni Carlo sa akin.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon