SMUC: Chapter 12

3.9K 123 5
                                    

SMUC : Chapter 12

Cyril’s POV

Lahat ng tao dito sa gym ay hindi makapaniwala sa ginawa ni Tyler. Hindi pa rin makatayo ang lalaking sinuntok niya. Nakikita ko sa mga mata ni Tyler ang galit. Hindi lang siya galit—kundi galit na galit. Nangangatog na ang mga tuhod ko dahil sa nerbyos. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa nangyayari ngayon.

Ako ang may kasalan kung bakit sinuntok ni Tyler ang lalaki. Hindi ko alam kung sa akin ba galit si Tyler. Pero alam ko naman na sa akin, dahil ang tanga ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sinubukan kong lumunok pero parang may nakabara dito. Naiiyak na ako dahil sa takot kay Tyler.

Tumayo ang lalaking sinuntok niya. Hindi naman ito galit kay Tyler, bagkos ay halata din sa mukha nito ang gulat.

“Si Cyril ang may kasalanan. Alam naman niya na may naglalaro pero---,” hindi natuloy ng lalaki ang sasabihin niya dahil mabilis siyang nilapitan ni Tyler at kinuwelyuhan.

Hindi ako makagalaw. Nakaupo lang ako at nanginginig. Baka mag-away sila ng dahil sa akin. Inawat sila ng mga kasama nila sa team. Pinaglayo sila dahil baka magsuntukan sila. Nakikita ko ang malalim na paghinga ni Tyler habang sinusundan ng tingin ang papalayong lalaki. Napakabigat ng paghinga niya na parang hinahabol na niya ito.

Humarap siya sa akin at natulala ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Basta ang alam ko, nanginginig ako sa takot. Sa takot na baka, magalit ng tuluyan si Tyler sa akin. Mabilis niya akong nilapitan. Lumuhod siya para magka-level kami.

“Are you okay?” tanong niya. Nag-aalala ang boses niya.

Totoo ba ‘to o naguguluhan lang ako? Napaigtad pa ako ng hawakan niya ang ulo ko at tingnan ‘yon. Tiningnan ko lang siya at parang hindi siya ang Tyler na laging nang-aapi sa akin. Mukha siyang nag-aalala sa akin. Pagkatapos tingnan ang ulo ko tiningan niya ang mukha ko. Hindi pa naman ako nakapag-ayos ngayon dahil nabangag ako kagabi. Baka maturn-off siya sa akin. Kainis. Ano kaba naman Cyril, ganyan na nga ang sitwasyon, umaarte ka pa!

Hinawi niya ang buhok ko dahil natatakpan nito ang mukha ko. Pero mas lalo akong nagulat ng walang kahirap-hirap niya akong binuhat. Nagtataka man, pero hindi naman ako tumutol sa pagbuhat niya sa akin, Buhat prinsesa ang ginawa niya sa akin.

Halos lahat ng nadadaanan namin, nakatingin sa akin. Parang hindi mapakali ang mga paru-paro sa tiyan ko. Parang gusto nila ang nangyayaring ito. Hindi ko alam pero nakakaramdam talaga ako ng kilig. Para akong prinsesa na binubuhat ng aking prinsipe. Sana ay hindi na ito matapos. Dinala niya ako sa clinic at nilapag niya ako ng marahan sa kama.

Kinausap niya ang nurse. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Bakit niya ba ako dinala dito? Napahawak ako sa ulo ko.

“Bakit kasi hindi ako sumagot kanina?” naiinis na anas ko sa aking sarili. Pero kusa ko rin pinigilan ang naisip kong ‘yon, “Paano kung sumagot ako? Baka hindi na niya ako binuhat.”

Nakita kong paalis na si Tyler.

“Tyler?!” tawag ko sa pangalan niya.

Humarap siya sa akin at nanlumo ako ng makita ko na naman ang poker face niyang mukha. Naiinis ako pero nandoon pa rin ang kilig ko. Bakit ba ang bilis niya magbago ng ekspresyon? Tuluyan na siyang lumabas. Napalabi ako. Lumapit sa akin ang nurse at nginitian ako.

May kung ano-ano siyang ginawa sa akin pero nasa pinto pa rin ng clinic ang tingin ko. Baka kasi bumalik na si Tyler? Ilang minuto akong nakatingin don, pero hindi pa rin siya bumabalik. Baka hindi na siya bumalik.

“Babalik siya. May gagawin lang daw siya,” anas ng nurse sa akin.

Pinagpahinga muna ako ng nurse at hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako. Pagmulat ko ay… ang mga kaibigan ko ang nandito. Nakacrossed-arms si Sandra habang nakatitig sa akin. Habang nakaupo naman sa may paanan ng kama ko si Anica. Si Katty naman ay nasa gilid ko.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Where stories live. Discover now