Epilogue

5.3K 160 43
                                    

Epilogue

HAWAK ni Tyler ang kamay ko habang hinihintay namin ang result. Kinakabahan ako at hindi ako mapalagay. Nandito kami ngayon sa hospital, kasama ang mommy, daddy, si Martin at si Tyler. Ang bilis ng tibok ng puso ko at nanlalamig na ang buong katawan ko. Natatakot ako. Pero nandito ang buong pamilya ko para suportahan ako.

Bumukas ang pinto, mas lalong kumabog ng matindi ang puso ko. Dala-dala niya ang isang envelope. Alam ko na yun na ang result. Pinisil ni Tyler ang kamay ko at sinasabing okay lang na walang masamang balita. Tumayo ang parents ko para salubungin ang doctor. Balatay din sa mukha nila ang pag-aalala.  

Inilabas ng doctor ang laman ng envelope. Napakaseyroso ng mukha niya. Paputol-putol ang paghinga ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Humarap sa amin ang doctor, isa itong foreigner. Ngumiti siya sa amin.

“Negative,” anas ng doctor sa amin. Napahawak ako sa bibig ko dahil ang saya-saya ko. Nagkayakap ang parents ko at maging kami ni Tyler. Niyakap din ako ng parents ko maging si Martin.

Nag-usap pa kami ng doctor at sinabi niyang kailangan ko pa ring mag-ingat.Dahil kapag bumalik pa ang tumor sa ulo ko ay maari na akong mamatay, dahil baka hindi na kayanin ng sistema ko ang pangalawang operasyon sa ulo. Masayang-masaya kami na okay lang ako.

Nagkaayos na sina Martin at Tyler. Sumunod kasi si Tyler dito sa America dahil nga sinabi kong kailangan akong matingnan. Binigay niya ang buong suporta niya sa akin. Hindi ako pwedeng mag-isip ng kung ano-ano. Alam ko sa puso na walang makakapantay ng saya ko, pero may kaunting kirot pa rin.

No’ng binasa ko kasi ang diary ni Tyler ay may nalaman ako. Dahil sa pagpupumilit ni Tyler na masundan ako dito sa America no’n, namatay ang mama niya. Kaya pala gano’n nalang ang sakit na nakita ko sa mga mata ni Tyler no’ng tinitingnan niya ang picture ng mama niya. Dahil hanggang ngayon ay sinisisi niya pa rin ang sarili niya sa pagkamatay ng mama niya. Noon kasing hinahabol ng mama niya si Tyler ay nasagasaan ito. Napakasakit isipin, dahil alam kong may kasalanan din ako.

Sana ay mapatawad na ni Tyler ang sarili niya, dahil alam kong napatawad na siya ng mama niya. Masaya kaming umuwi sa bahay. Nakita ko si lola na nakatingin sa malayo. Sa veranda. Palagi nalang siyang nandoon. Tumingin ako kay Tyler at nakatingin din siya dito. Napangiti ako. Nagpapasalamat ako kay lola dahil kundi sa kanya, hindi ko malalaman ang totoo.

Ang akala kong makakalimutin ay siya pang tumulong sa akin para malaman ang buong katotohanan. May rason nga naman ang lahat ng nangyayari. Magkahawak-kamay naming nilapitan si lola. Niyakap ko siya.

“Who are you?” tanong niya ulit sa akin. Napangiti ako.

“Lola, Cy po,” nakangiting anas ko.

“Cy? Who’s Cy?”

“Your granddaughter,” nakangiting anas ko. Ang cute-cute talaga ni lola. Parang kahapon niya lang sinabi sa akin na, ang kilala niyang apo ay si Cy. Napailing-iling nalang ko.

“Who are you?” tanong niya kay Tyler. Medyo nagulat pa si Tyler sa tanong ni lola.

Napangiti si Tyler.

“Lola, I’m the perfect prince” anas ni Tyler. Yun kasi ang palaging tawag ni lola kay Tyler. Ang sabi nga ni lola, Cyril is a strong princess that’s why she deserves a perfect prince and that’s Tyler.

Hinawakan ni lola ang mukha ni Tyler.

“I know you. He’s your prince, right Cy?” tuwang-tuwang anas ni lola sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at saka pinaghawak ang mga kamay namin ni Tyler. “I’m so happy that you’re together again,” tuwang-tuwang anas ni lola. Napatingin ako kay Tyler at nakangiti siya. Hindi ko maiwasang maluha dahil kay lola. Niyakap ko ulit siya.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora