SMUC: Chapter 13

3.9K 110 3
                                    

SMUC : Chapter 13

Cyril’s POV

 “SHE’S not going with you,” sabi ng isang boses. Napapitlag naman ako pagkarinig ko sa kanya.

Madali akong napatingin sa nagsalita. Pumintig ng mabilis ang puso ko. Parang may hinahabol ako na kung ano. Nilapitan niya ako, nakapagitna siya sa amin ni Carlo ngayon. Pero nakaharap sa aming dalawa. Napakaseryoso ng mukha niya. Pero kinikilig pa rin ako.

“Why?” tanong ni Carlo kay Tyler.

“Because I don’t want to,” maawtoridad na sabi ni Tyler. “She’ll go with me,”

Hindi ko alam pero kinikilig na talaga ako sa kanya. Parang ako na ang pinaka-magandang babae sa buong mundo, dahil pinag-aawayan ako ng dalawang guwapong lalaki.

“It’s that true Cyril?” tanong ni Carlo sa akin. “Why are you smiling?” tanong niya ulit.

Hindi ko alam kung mahihiya ako kay Carlo o ano. Hindi ko naman napansin na nakangiti pala ako. Bobo talaga Cyril. Engot! Inuuna kasi ang pagkerengkeng eh. Napatingin ako kay Tyler pero hindi siya sa akin nakatingin. Pero natatakot ako sa presensiya niya. Parang anytime, magagalit siya pag sumagot ako ng mali.

“Y-yes,” alinlangan na anas ko.

Nalungkot naman si Carlo dahil sa sinabi ko. Alam ko naman na may kasalanan pa ako sa kanya. I ruined his birthday. Naiinis ako dahil hindi pa naman ako nakakabawi sa kanya. I want to make it up to Carlo. Kaya dapat may gawin ako.

“You can come in our house. I’ll make dinner for you guys,” anas ko sabay turo sa mga friends ko. Ngumiti naman sila sa amin.

“That’s great! Isasama ko ang mga pinsan ko. Is it okay?” tanong niya.

“Not a problem,” nakangiting anas ko din.

“Yeah. I’m going. I’ll see you later,” anas ni Carlo sabay kaway sa mga kaibigan ko. Nasundan ko siya ng tingin.

“Let’s go,” anas ni Tyler sabay hablot ng kamay ko.

“Wait. Bye friends! See you later!” sigaw ko nalang sa mga kaibigan ko. Kumaway naman sila sa akin.

Bakit ba lagi nalang ako kinakaladkad ni Tyler ngayon. Hindi naman masakit ang pagkakahawak niya, bagkos ay kinikilig ako. Pinagtitinginan na naman kasi kami ng mga tao. Dinala niya ako park.

“Anong gagawin natin dito?” tanong ko ng makaupo ako habang nakatayo naman siya.

May hinagis siyang notebook sa akin. Sinalo ko naman ‘to. Kunot-noo kong binuklat ang notebook. At nagulat ako sa mga nakita ko. Nakasulat doon ang mga gagawin ko para kay Tyler. Binasa ko ang mga ‘to.

“First, Cyril will go to my house to fix my things for the trials and for the final game. Second, Cyril is not allowed to talk with other guys with or without Tyler. Third, Cyril will have breakfast, lunch and dinner with Tyler. Lastly, if Cyril disobeyed my rules, she’ll have a punishment. Yung totoo Tyler, ako ba ang nagse-seduce sa’yo o ikaw ang nagse-seduce sa’kin?” natatawang tanong ko.

Seryoso niya akong tiningnan. Natigil naman ako dahil do’n.

“Teka! Bakit bawal ako makipag-usap sa ibang lalaki?” kunot-noong tanong ko.

“Because you need to be focused on me,” seryosong sagot niya. Hindi ko alam pero kinilig ako do’n sa sinabi niya. Parang feeling ko, binabakuran na niya ako. Tyler likes me.

“At saka bakit naman ako sasabay ng breakfast, lunch at dinner sa’yo?” tanong ko ulit.

“Because we might talk about some important things for the upcoming game,” seryosong sabi niya.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon